5

3.9K 134 4
                                    


"PAANONG magkakaroon ng dugo si Thor?" tanong ni Serena. "Baka nasabit siya sa mga siit kaninang tumakbo siya."

Sinundan ng mga mata ni Jared ang pinanggalingan ng dugo. Itinaas nito ang saddle ng kabayo. "Sonofabitch!" he bit off. Then he looked at her apologetically. "Sorry about that."

Iwinasiwas ni Serena ang kamay bilang pagbabale-wala sa pagmumura niya. Mas ang interes nito sa nakita niya sa kabayo. "What? What have you found?" She moved closer to look.

Sa tagiliran ay may sariwa at maliit na kahoy na nakatusok sa balat ng hayop. At patuloy sa pag-agos ang sariwang dugo mula roon.

"P-paanong nangyari iyan?" she asked, confused.

"Hold the rein firmly and talk to your horse," utos ni Jared, pagkatapos ay napangiwi sa sarili. Sinasabi niya rito ang mga napapanood niya sa mga pelikula.

Ano ba ang alam niya tungkol sa kabayo?

Wala. As in nothing. But there was one thing called pure "common sense," and he had plenty. Once he pulled out the twig, it would hurt like hell. At kinakabahan siyang aalmang muli ang kabayo at maaaring may masaktan sa kanilang pareho.

Mabilis na tumalima si Serena. Hinawakan nito nang mahigpit ang tali ng kabayo, hinaplos ang leeg at muling kinausap.

Jared smiled drily, hoping the soothing words would work.

Isang pulgada lang halos ang nakausli sa kahoy at umaasa si Jared na mahuhugot niya iyon nang madali. Or they would be in big trouble. Mahigpit niyang hinawakan ang kahoy sa pagitan ng thumb at forefinger at malakas na binunot iyon.

Umangat ang ulo ni Thor at nagpaikot-ikot na tila natatakot. Inabot ni Jared ang renda at tumulong na pigilan ito. Ang banayad na tinig ni Serena ang nagpangyari upang ilang sandali lang ay kumalma na ang kabayo.

"Heto ang dahilan kung bakit tumakbo nang ganoon ang kabayo mo," aniya, itinaas ang halos apat na pulgadang matulis na sariwang kahoy na nakabaon sa tagiliran ng hayop. "Nang maupo ka sa saddle ay bumaon ito nang husto na siyang dahilan upang magwala ang kabayo mo."

"Paanong natusok sa katawan ni Thor ang patpat na iyan?" naguguluhang tanong nito.

Sinuri ni Jared ang sariwang kahoy. Wala siyang maisagot sa tanong nito maliban sa may nagtusok nito roon. But he couldn't voice that out.

"Sinakyan ko na siya kaninang patungo ako sa—si Tiya Adel!" bulalas niya nang maalala ang mayordoma. Nilingon ang pinanggalingan. "Oh, god! Baka kung ano na ang nangyari sa kanya."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Nang umalma si Thor ay nahulog sa kabayo si Tiya!"

Kinuha ni Jared ang tali ng kabayo mula sa mga kamay niya at itinali iyon sa malalaking damo.

"Pabalikan mo na lang ang kabayo rito. Tara at puntahan natin ang sinasabi mong Tiya Adel." Hinawakan niya si Serena sa braso at inakay patungo sa Wrangler.



*****hirap pala gumawa ng admins note wala na akong maisip eh kundi kayo lang ahh sana all char hahahaha - Admin A ******************

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon