5: Acranian Blood part three

4.3K 192 6
                                    

XANDER'S THIRD POV

Ilang beses na syang nagtatatakbo at kamuntik ng malapa!

Pero heto pa rin sya at buhay na buhay!

Milagro na nga itong maituturing para sa kanya!

Kaw ba naman ang ipahabol at ipalapa sa isang higanteng lobo..

Hindi ka ba matatakot ng husto?!!!!!!

Puro thank you ang lumalabas sa bibig nya ng ipatigil ni Arfiona ang pagtugis at paglapa sa kanya!

Putragis! Napagod na syang lahat! Pero kahit isang beses di nya nagawang gamitin ang karmosa!

Pinaglololoko lang ba sya ni Arfiona at Manong Green?

Baka naman wala talaga syang sandata tulad ng kay Arfiona?

Ano ba talaga ang meron sa karmosa nya?

May kakayahan ba talaga ito para maging weapon and shield nya? O baka naman ang ipahamak sya sa lahat ng oras. Ang totoong kakayahan ng karmosa nya.

Di kaya ganon talaga?

"Kailangan na nating magpatuloy!" Nababagot na sabi ni Arfiona.

Yes!

Hindi nya napigilan ang makaramdam ng matinding saya..

Atleast totoong hindi na sya lalapain ng higanteng lobo..

Totoong ligtas na sya!

Pero ano ba tong nasasaksihan nya?

Naging usok ang higanteng lobo at pumasok sa karmosang nasa kaliwang palapulsuhan ni Arfiona..

Saka bakit nga pala dalawa ang karmosa ng first crush nya?

Anong meron?

Nauna ng naglakad si Manong Green..

Kasunod si Arfiona..

Syempre sya ang huli!

"Arfiona, saan ba tayo papunta?" Tanong nya.

"Sa pupuntahan!" Banas pa rin na sagot sa kanya ni Arfiona.

Pilosopo!!!!!!

"Weh!"

"Manahimik ka na lang! Pwede?"

"Galit ka ba, Arfiona?"

"Ano sa tingin mo?"

Galet nga! Haha!

Patuloy pa rin sila sa paglalakad..

"Manong Green, san punta natin?" Nakangiti pa nyang tanong.

"Sa tribo namin." Sagot naman agad ng Mandarok.

"Anong gagawin natin don, Manong Green?"

"Pwede ba? Wag kang masyadong matanong? Sumunod ka na lang ng tahimik!" Awat ni Arfiona sa pagtatanong nya.

High blood ulet! Eh di manahimik! Problema ba yon? Haha!

Makalipas ang tatlong oras..

Napahaba na yata ng husto ang paglalakad nya. Pero parang hindi pa rin pagod ang dalawang kasama.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon