50: Spy

1.5K 67 8
                                    

Dedicated to cloudy1993 and Dumanacal

Azinaya's Third POV

Kumpleto na ang mga kasama niya pero may isa pang kulang. Wala si Valeria. Nakahanda na ang mga kabayo. Nauna ng umalis ang buong hukbo ng Acrania.

"Kailangan na nating umalis." Sabi sa kanya ni Serafina.

Marahan siyang tumango habang iginagala ang paningin sa paligid. Umaasang mahahagip ng paningin ang hinahanap na kasamahan.

"Sino ba ang hinahanap mo?" Usisa ni Albion.

"Si Valeria. Napansin nyo ba?" Tugon niya.

Napailing ang mga kasamahan niya. Lahat sila walang ideya kung nasaan ang nawawalang kasamahan nila.

"Kailangang mahanap natin si Valeria. Kailangan na nating maglakbay papuntang Tartamus." Paliwanag niya.

"Ako na ang bahalang maghanap sa kanya." Prisinta ni Azina.

"Sumunod na lang kayong dalawa." Saka sumakay na sa kabayo. Nang sumakay na ang iba maliban kay Azina ay pinatakbo na niya ang kabayo.

Nilisan na nila ang Acrania. Sinundan na nila ang buong hukbo.

Azina's Third POV

Sinimulan na niyang galugarin ang kabuoan ng Acrania. Kailangang mahanap na niya ang nawawalang kasamahan.

Makalipas ang ilang oras ay napadako siya sa hardin ng palasyo. Nakita niya ang pakay. Pero natigilan siya sa tangkang paglapit. Isang uwak ang pinalipad nito papalayo na may dalang mensahe. Naintriga siya kaya marahan siyang lumapit.

"Valeria, anong ginagawa mo dito? Kailangan na nating sumunod papuntang digmaan." Sabi niya ng makalapit.

"Alam ko." Saka tinawag ang karmosa na naging sibat. "Nasa digmaan na ako."

"Anong ibig sabihin nito, Valeria?" Naging alerto siya.

"Malas mo na lang at nagpaiwan ka pa para mapaslang ko lang." Saka bigla siyang sinugod.

Sunud-sunod ang mga pag-ilag niya. Bawat waliwas ng sibat ng kalaban ay mapamatay. Pero sa kabila ng lahat ay nalilito pa rin siya sa ginagawang pag-atake sa kanya ni Valeria. Wala siyang naaalala na nagkaroon siya ng atraso. Hinugot niya ang espada niya at sinasangga ang bawat pag-atake ni Valeria.

Inilabas niya ang dalawang pakpak at pumaitaas. Hanggat maaari ay ayaw niyang magkasakitan silang dalawa ni Valeria.

"Hindi ka makakatakas!" Sigaw ni Valeria at lumabas ang dalawang pakpak.

Tinitigan niyang mabuti ang katunggali. "Isa kang diablo." Hindi siya makapaniwala.

Lumipad paitaas si Valeria at tumapat sa kanya. Nakangisi ito. "Kailangan lang kitang patahimikin at pagkatapos ay isusunod ko ang iba mo pang mga kasama."

Sumeryoso ang mukha niya. "Alagad ka ni Ermidion!"

Tumawa ito ng maikli ngunit malakas. "Masasawi ka na dito!"

Mabilis niyang sinugod si Valeria. Nagtagisan ang kani-kanilang armas. Kapwa sila ayaw magpatalo.

Hindi nagtagal at lumapag silang dalawa sa lupa. Iwinasiwas ni Valeria ang sibat at naglabasan ang mga yelo. Itinusok niya ang espada sa lupa at binangga ang yelo na nawasak.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon