16: Haunted Forest

2.4K 109 59
                                    

Arfiona's Third POV

"Totoo ba ang narinig ko?" Gusto nyang pasubalian ang kasasabi lang ni Hepatetrus. Isang minumultong kagubatan ang kinakailangang pasukin nilang dalawa ni Xander.

"Walang deperensya ang pandinig mo, prinsesa. Papasukin ninyong dalawa ng kamahalan ang kagubatang yon." Paniniguro ni Hepatetrus sa kalmanteng tinig.

"Takot ako sa multo!" Gusto nyang maiyak at magpaiwan pero nasisiguro nyang pagtatawanan sya ni Xander. Wala syang magagawa kundi ang tumuloy sa ayaw man nya o gusto.

"Arfiona, relax ka lang. May kasama kang strong!" Todo ngiting sabi ni Xander.

Naibagsak nya ang mga balikat. Ano pa nga ba ang magagawa nya kundi ang sumunod. Kahit ang totoo ay napipilitan lang sya.

"Pagsapit ng dilim ay saka nyo pupuntahan ang kagubatan. Nasa bandang kaliwa ito ng Sargasus." Dagdag pa ni Hepatetrus.

Baka maihi ako sa sobrang takot! Pagtatawanan ako ng mokong!!!!!! Protesta ng isipan nya.

"Malapit ng magdilim!" Natutuwa pang sabi ni Xander.

Masasapak ko to!

"Di ba pwedeng sa ibang araw na lang?" Hirit nya at lihim na nanalangin na sana ay pumayag ang heneral.

Umiling ang heneral. "Babalik na tayo sa Astokre bukas pagliwanag."

Napahinga sya ng malalim at naibuga. Wala na nga talagang atrasan. Kung ano man ang makikita nya sa kagubatan. Hiling nya na sana ay di sya panawan ng ulirat.

Mabilis na lumatag ang dilim. Si Xander ay handang-handa na para umalis. Pero sya ay labag pa rin sa sariling kalooban ang gagawin.

Nasa labas silang lahat ng bahay. Tanging gasera lang ang nagsisilbing liwanag sa maliit na bahay.

"Prinsesa, lumipad kang kasama ng hari ng Acrania. Mararating nyong dalawa ang bunganga ng kagubatan." Sabi ni Erosocapus.

Kaagad na lumapit sa kanya si Xander. Tuwang-tuwa ito at nasa anyo at kilos ang pagiging excited.

"Arfiona, dahan-dahan lang ha. May may fear of heights ako!" Nasa mukha nito ang di pagsasabi ng totoo.

Napataas ang isang kilay nya. "Eh kung ihulog na lang kaya kita?"

"Arfiona, joke lang yon di ba?" Medyo nataranta ito.

Eh di natakot din ang mokong na to! Hmmp!!!!!!

"Oo biro lang! Kahit gusto ko talagang gawin!" Saka lumabas sa likod nya ang isang pares ng pakpak ng mga diablo. "Tara na nga!"

"Wait! Lakarin na lang natin!" Kinakabahang suhesyon nito.

"Ililipad na kita!"

Napangiti si Hepatetrus. "Sa gitna ng kagubatan ay may isang mangkukulam. Kunin nyo ang mahiwaga nyang tungkod at magbalik dito."

"Teka. Aanhin natin ang tungkod nya?" Usisa nya.

"Para matigil ang pagmumulto sa kagubatan." Diretsang sagot ng heneral

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon