39: Erizian Mountain

1.8K 78 5
                                    

Dedicated to AthenaYurii and jhongsilva

Ermidion's Third POV

"Ulitin mo ang sinabi mo, Safra!" Hindi sya makapaniwala sa dalang balita ng alagad ng makabalik.

"P-patay na si Biton. T-tinalo sya ng hari ng Acrania." Nakaluhod si Safra sa harapan nya at nakayuko.

Hindi nya gusto ang balitang nalagasan ang Urdu Badyari. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang hari ng Acrania. Kung paano nangyayari ay hindi nya alam. Ang mga Acranian ay malaking banta sa kanyang paghahari. Kailangang mapuksa na ang hari ng Acrania sa lalong madaling panahon.

"Nasaan na ngayon ang grupo ng hari ng Acrania?" Usisa na lamang nya.

"Nasa Belporia at nagpapagaling, kamahalan."

"Nagpapagaling!" Nahintakutan si Safra sa pagsigaw nya. "Wag mong sayangin ang pagkakataon, Safra! Bumalik ka doon at paslangin sila maliban kay Arfiona." Saka lumitaw ang sampung Iluminatos. "Isama mo ang isa sa aking mga heneral. Si Krato! At magsama ka ng isang libong mga kawal!"

"Makikipag-ugnayan ako kay Vala, kamahalan. Nakasubaybay sya sa grupo ng hari ng Acrania at naghihintay ng tamang pagkakataon."

"Gawin mo ang nararapat. Makakaalis ka na!" Pagtataboy nya.

Kaagad na tumayo si Safra at tumalikod. Nang lisanin nito ang silid ng trono ay kasunod nito ang sampung Iluminatos.

Arfiona's Third POV

Pinagmasdan nya ang papalayong harin(uwak). Marahil ay nabulabog ang ibon sa presensya nila. Hindi naman nya inasahan na mamataan si Valeria sa punong pinanggalingan ng harin. Marahil ang kasama ang dahilan kung bakit nabulabog ang ibon.

Limang oras na ang nakalilipas buhat ng lisanin nila ang Belporia. Papunta sila sa bundok ng mga Erizian. Na kung saan ay matatagpuan ang kampo ng ilang Erizian. Ayon kay Haring Amatheus. Ang mga Erizian ay kinakalaban ang mga diablo. At maaari nilang lapitan para maging kaalyansa ng Acrania para sa napipintong digmaan.

Napatingin sya sa kaliwang braso. Suot pa rin nya ang karmosa ng sampung diablong bantay. Isasauli na lamang nya kay Xander pagbalik nito. Isinama kasi ito ni Azinaya para ituro ang kakayahan ng baluti. Napabuntung-hininga sya. Magiging napakalakas na ng mokong na yon dahil sa mga karmosa. Naisaisip nya.

Nilapitan sya ni Zebro. Nakangiti ito. "Prinsesa, mukhang malalim ang iyong iniisip."

Gusto nyang sumagot sa bagong kasapi ng kanilang grupo. Pero walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Nakita nyang napakamot ng batok si Zebro at saka umalis at nilapitan na lang si Serafina. Napailing na lamang sya. Marahil ay naiilang pa sya kay Zebro. Iyon na nga siguro ang dahilan.

Nilapitan sya ni Marsuk. "Mukhang may gumugulo sa isipan mo, prinsesa."

"Marsuk, maraming malalakas na alagad si Ermidion. Mananatili kayang buhay si Xander para harapin silang lahat?"

Naupo sa tabi nya ang Mandarok. "Malakas na si Xander. Ang kahinaan nya ay ang baluti."

Napatango sya. Nawasak ang baluti ni Xander sa huling laban nito. "Kung may mangyayaring masama kay Xander ay hindi ko kakayanin. Kailangan kong bumalik sa lupain ng mga Leviathan. Kailangan kong tapusin ang huling pagsubok."

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon