14: Mt. Sargasus

2.5K 106 10
                                    

ERMIDION'S THIRD POV

Nasa trono sya at nakaupo. Binabalik-balikan ang nasayang na pagkakataon. Mabibihag na sana nya si Arfiona at madadala sa Tartamus. Pero hindi nya inasahan ang pagdating ng heneral ng Acrania at ng hinahanap na si Erosocapus. Sa klase ng pagkakakita nya kay Erosocapus ay hindi nya ito mapapapayag na umanib sa kanya. Naunahan na sya ng prinsesa. At ngayon ay alam nyang gagawa ng hakbang ang prinsesa para maipaghiganti ang ama.

Isang kawal ang dumating.

"Kamahalan, dumating na po si Sanubus" Pagbibigay alam nito kasunod ng pagpasok ng isang lalakeng mandirigma.

Kumumpas sya sa kanang kamay para paalisin ang kawal. Ang mandirigma naman ay lumuhod sa harapan nya para magbigay galang. Sumenyas sya na tumayo ito at ginawa naman.

"Kamahalan, ano ang aking maipaglilingkod sa inyo?" Tanong nito.

"May ipagagawa ako sayo." Diretsa nyang sabi.

"Ano pu iyon, kamahalan?"

"Hanapin mo ang prinsesa ng mga diablo ay dalhin sa akin." Saka lumitaw ang dalawang uluminatos sa kanan at kaliwa nya. "Isama mo ang dalawang ito bilang katuwang."

"Masusunod po, kamahalan." Saka tumingin sa dalawang iluminatos at sumenyas sa mga mata na lumapit. "May ipag-uutos pa po ba kayo, kamahalan?" Usisa nito ng nasa panig na ang dalawang iluminatos.

"Wala na. Makakaalis na kayo. Pumunta kayo ng Astokre. Doon ko huling nakita si Arfiona."

"Masusunod, kamahalan!" Saka tumalikod na at umalis kasama ng dalawang iluminatos.

"Safra." Tawag nya sa alagad.

Lumapit ito mula sa likura nya. "Ano ang ipag-uutos mo, kamahalan?"

"Samahan mo si Sanubus. Gusto kong makatiyak na madadakip si Arfiona." Utos nya.

"Masusunod, kamahalan." Saka lumabas na rin sa silid ng trono.

ARFIONA'S THIRD POV

"Ano na nga pala nangyari sa mga higanteng alupihan?" Narinig nyang usisa ni Xander.

"Pinatumba ko ang dalawa ang dalawa pa ay pinatumba ng mga mersenaryo." Tugon ni Erosocapus.

Tinitigan nya si Xander.

Ang lakas ng loob magtanong! Bokya naman ang mokong hmmp!!!!!!

"Gusto ko pang lumakas." Seryosong sabi ni Xander. "Gusto kong baguhin ang mundong ito."

Mas lalo syang napatitig sa dayo. Sinsero ang pagkakabitaw nito ng mga salita. Bagay na ikinahanga nya. Siya man ay gustong baguhin ang mundong kinagisnan. Sa mundong ang malalakas ang nangingibabaw sa mga mahihina. Gusto nya ng pagkakapantay-pantay.

"Magpalakas ka muna ng husto bago mo simulang baguhin ang mundo namin." Singit nya.

Bumaling ito sa kanya at saka muling ibinalik ang mga mata sa dinaraanan. "Alam ko." Mahinang tugon ni Xander.

Problema ng mokong na to? May sapi! Ganon?

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon