18: Elkirian Empire part two

2.4K 93 54
                                    

Xander's Third POV

"Nasaang lugar na ba tayo?" Usisa nya.

Kanina pa sila naglalakbay. Pakiramdam nya ay wala silang tiyak na pinatutunguhan.

Puro kabundukan ang nasa kanan at kaliwa nila. Nangangabayo sila sa kapatagan.

"Briyana!" Tawag ni Arfiona.

Nagtaka sya ng lumabas ang dambuhalang diablong lobo sa kaliwang karmosa ni Arfiona.

Pinagmasdan nya ang paligid. Wala naman syang mamataang magiging mitsa ng panganib.

"Ano bang meron." Tanong na nya.

"Napapaligiran tayo ng mga masob." Si Azinaya ang sumagot.

"Anong masob?" Di nya mapigilan ang mag-usisa.

"Mga malalaking hayop na pumapatay at kumakain ng tulad natin." Paliwanag pa nito.

"Parang si Briyana?"

"Wag kang masyadong matanong. Maging alerto ka!" Saway ni Arfiona.

Eh di maging alerto! Saka tinitigan ng husto ang paligid.

Maya-maya ay naglabasan sa kaliwa't kanan nila ang mga masok. Kawangis ng leopard pero kasing taas at laki ng elepante. Maba ang isang pares ng pangil sa itaas na bahagi ng bibig. May isang pares ng sungay tulad sa kambing.

"Argurus!" Tawag ni Arfiona. Isang dambuhalang diablong leon ang lumabas sa kaliwang karmosa nito.

Sa unahan nila ay isang grupo pa ng mga masob ang nakaabang. Dahilan kung bakit napahinto sila. Sa kanan ay naroroon si Briyana. Sa kaliwa ay naroroon naman si Argurus. Bukas ang sa likuran nila. Nasa sampu ang kabuoan ng mga masob. Apat sa unahan at tigtatlo sa kaliwa at kanan.

"Ano ng gagawin natin? Lalapain tayo ng mga yan!" Natataranta nyang sabi.

"Wag kang mataranta! Hayop lang yan kumpara sa Iluminatos!" Pinagalitan sya ni Arfiona.

Tama! Iluminatos nga sisiw sa kin. Ito pa kayang mga to?

Bumaba sya sa kabayo nya at pumuwesto sa karapan. "Kayo na ang bahala sa iba pa. Ako naman ang bahala sa apat na nasa harapan. Shamakdu." Saka biglang nawala.

"Argurus, Briyana, lurayin ang mga masob!" Kaagad na utos ni Arfiona.

Agadd namang lumusob ang dalawang dambuhalang diablong hayop. Mabangis na nilapa ang mga masob at niluray.

Sa unahan naman ay sabay-sabay na napugutan ng ulo ang apat na masob.

Lumitaw sya sa harapan ni Azinaya. "Yan ba ang kinatatakutan nyo? Sandali ko lang pinaslang." Pagmamalaki nya.

"Kamahalan, kahit mga batang Acranian kaya silang paslangin ng walang karmosa." Nakangiting sabi ni Azinaya.

"Ang galing mo, kamahalan!" Masayang puri naman ni Serafina.

Napangiwi sya sa sinabi ni Azinaya. At heto sya at nagawa pang magyabang samantalang sa mga bata lang taob na pala ang mga masob.

Bumalik na si Argurus at Briyana. Kapwa tinapos ng dalawang dambuhalang diablo na hayop ang mga masob. Pagkatapos ay nagbalik sa kaliwang karmosa ni Arfiona.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon