38: Quest

1.7K 79 3
                                    

Dedicated to NKristine and yisidro

Xander's Third POV

Naguguluhan sya. Ang huling natatandaan nya ay hinanap nya ang mga kasama pagkatapos ng labanan. Duguan sya ay may dalawang malalim na sugat sa katawan. Pero ng tingnan nya ang sariling katawan ay walang bakas ng mga sugat. At ang ipinagtataka nya ay kung bakit nasa isang kubo sya. Higit sa lahat. Sino ang magandang babae na nasa harapan nya. Bumangon sya at naupo. Wala syang pang-itaas na damit. Wala din ang Escarion.

"Alam kong nagtataka ka pa sa nangyayari. Pero may kailangan akong ipagawa sa inyong tatlo ng dalawa mong asawa." Nakangiting sabi ng magandang babae na may pares ng berdeng mga mata.

"S-sino ka?" Usisa nya.

"Pasensya na kung hindi ako kaagad nakapagpakilala. Ako si Mesusa, isang Haturian, ang gumamot sayo." Magiliw nitong pakilala.

Kung ganon ay totoong nagkasugat sya sa kanang dibdib at sa tiyan. "Ano ang ipagagawa mo?" Usisa nya at saka tumayo.

"May isang malawak na bangin sa bandang hilaga. Sa buong kagubatan ay doon lang matatagpuan ang peradine. Ikuha nyo ko ng isang basket at bumalik dito." Paliwanag nito.

Napangiwi sya. Hindi nya alam kung ano iyong peradine na sinasabi ng kausap. Wala syang alam sa itsura nito.

"Ang peradine ang paboritong pagkain ng mga Haturian." Paliwanag ni Azinaya na mukhang nabasa ang nasa isip nya.

Napatango na lamang sya. Clueless pa rin sya sa itsura nito.

"Makakaalis na kayo." Pagtataboy sa kanila ng Haturian at saka tumalikod na at nagkunwaring abala.

Lumabas na sila ng kubo. Sinalubong sila ng mga kabalyero.

"Dito na muna kayo at maghintay. May ipinagagawa sa aming tatlo ang Haturian." Pagpapaalam ni Azinaya. Hindi naman nag-usisa ang mga ito at tumango na lamang.

Lumapit sila kay Briyana at sumakay. Itinuro ni Arfiona ang daan. Pagkatapos ay tumakbo na si Briyana.

Narating na nila ang bangin. May mga bush berries na nagkalat sa bangin. Namumunga ang mga ito ng kulay itim na bunga.

"Pambihira! Ang lalim ng bangin! Si Arfiona lang ang makakakuha ng mga yan!" Angal nya.

Napailing ang dalawa.

"Kahit kailan talaga. Reklamador ka!" Sabi ni Arfiona at inilabas ang dalawang pakpak. "Ako na ang bahala."

Si Azinaya naman ay sinimulan ng bumaba sa bangin hanggang sa nagsimula na itong manguha ng mga bunga ng peradine.

Si Arfiona ay lumipad na at pumunta sa bangin at nagsimula ng manguha ng mga bunga. Siya naman ay naupo lang at naghihintay na matapos ang dalawa.

Sa gitna ng kanilang pangunguha ng mga bunga ng peradine. Isang pangyayari ang hindi inaasahan. Isang dambuhalang ahas na may tatlong ulo ang nagpakita sa bangin. Kulay itim ito at mukhang agrisibo. Kaagad nitong nalingkis si Azinaya na ng mga oras na yon ay walang kamalay-malay. Si Arfiona naman ay mataktikang lumipad paitaas. Siya naman ay napatayo mula sa pagkakaupo.

Nakita nyang sinusubukang makawala ni Azinaya. Pero dahil sa higpit ng pagkakalingkis ng dambuhalang ahas na may tatlong ulo. Hindi magawang makawala ni Azinaya.

Si Arfiona ay nagsimula ng sumugod gamit ang karmosa nitong espada. Inespada ng prinsesa ang bahawat bahagi ng katawan ng dambuhalang ahas. Nasugatan ang bawat bahagi na inespada ni Arfiona. Pero laking gulat nila ng maghilom ng mabilis ang mga sugat. Nagbuga ng asido ang tatlong ulo sa direksyon ni Azinaya at naiwasan naman ng prinsesa.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon