30: Temple Of Akrabar

1.9K 83 23
                                    

Dedicated to nancy_susan and AlmarMollona

Arfiona's Third POV

Kanina pa nya sinusuri ang paligid. Pero laging kay Xander lumalanding ang mga paningin nya.

Xander, mahal kita. Amin nya sa isipan.

Huminto si Argurus at Briyana. Ipinagtaka nya ang iginawi ng dalawa. May kung anong bumabagabag sa dalawamg diablong hayop.

"May isang lumang templo malapit dito." Narinig nyang sabi ni Azinaya.

Bumaba na sya kay Briyana at sinundan naman sya ng iba pa. Hindi nya alam na may templo sa bahaging ito ng kagubatan. Hindi naman kasi sya layas na prinsesa.

Naglaho na si Argurus at si Briyana. Bumalik na sa karmosa ni Xander.

"Ano na ngayon ang gagawin natin?" Usisa ni Xander.

"Pupuntahan natin ang templo. Maaaring may mahanap pa tayo don na mapapakinabangan." Sagot ni Azinaya at nauna ng naglakad.

"Anong templo ba yon?" Muling usisa ni Xander.

"Ang templo ng Akrabar. Sila ang mga sinaunang lahi na gumagamit ng yelo. Isang naglahong lipi." Muling paliwanag ni Azinaya na patuloy pa rin sa paglalakad.

Sila man ay naglalakad na rin at sinusundan si Azinaya. Tinutunton ang isang daanang tanging si Azinaya ang nakakaalam.

"Bakit parang palamig ng palamig?" Reklamo ni Xander.

Napangiti sya at saka nilapitan ang reklamador at inakbayan. "Giniginaw ka ba?"

"Obvious ba?" Nakangiwi nitong balik tanong.

"Azinaya, giniginaw si Xander. Wag na kaya tayong magpatuloy?" Concern sya sa nararamdamang lamig ng hari ng dalawang lipi.

Umiling si Azinaya. "Natural lang ang lamig na narardaman natin. Malapit na tayo sa templo."

Hindi na nya kinontra ang sinabi ni Azinaya. Maya-maya ay nagsimulang umulan ng nyebe sa paligid.

"Bakit umuulan ng snow?" Usisa ni Xander na ikinurus pa ang mga braso sa dibdib.

"Humanda ka, Xander. May nararamdaman akong kakaiba." Babala nya.

Iginala ni Xander ang mga paningin sa paligid. Pinakiramdaman ang kapaligiran. "Tamang hinala ka lang, Arfiona. Wala kong nakikita o nararamdamang kakaiba sa paligid."

"Oo nga naman, prinsesa." Sang-ayon ni Marsuk. "Ordinaryong pag-ulan lang ng nyebe ang nagaganap."

Umiling sya. "Hindi ordinaryo ang nyebeng ito. May kung anong nilalang na kumokontrol."

"Sigurado ka?" Tanong ni Xander.

Tango ang isinagot nya. At saka pinakiramdaman ang paligid.

"Tama si Arfiona." Maya-maya ay sabi ni Azinaya. "Hindi pa panahon ng nyebe kaya kaduda-duda ang pangyayaring ito."

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa may makita silang templo. Pyramid ang istilo nito na may hagdanan sa apat na sulok. Sa tuktok nito ay makikita ang isang altar.

Xander's Third POV

Ang buong templo ay gawa sa yelo. Kung paano ginawa ay isang palaisipan. Dahil ang yelo ay hindi natutunaw kahit nasisikatan na ng araw.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon