25: Master Swordsman part two

2K 94 20
                                    


ONE WEEK LATER...

Xander's Third POV

Tumatagaktak na ang mga pawis nya sa buong katawan dahil sa pag-eensayo. Hindi naman nya magawang magpahinga dahil bantay-sarado sya sa dalawa. Nasa mga paraan ng paggamit pa rin sya ng espada. Isang linggo na nya iyong ginagawa. At puspusan ang ginagawang pagtuturo sa kanya ni Adilion. Isang linggo na rin nyang di nakikita at nakakasama sina Arfiona.

Ano na kaya ang ginagawa nila? Tanong nya sa isipan.

Isang sipa ang ibot nya mula kay Adilion pero hindi naman ito kalakasan.

"Ituon mo ang isipan mo sa pagsasanay. Wag sa ibang bagay." Sabi nito.

Natawa naman si Harmulus. "Pagpahingahin mo naman ang bata! Namumutla na sa sobrang pagod!"

"Ok lang ako." Kaagad na sabi nya. "Kailangan kong magpalakas at ihanda ang sarili ko para sagupain ang hari ng mga diblo."

Napailing si Harmulus. "Maganda ang mga hangarin mo, bata. Pero kailangan pa rin ng katawan natin ang pahinga." Saka inihagis sa kanya ang bag na lalagyanan ng tubig. Bumagsak ito sa sahig sa tabi nya.

Napatingin sya kay Adilion.

Ikinumpas nito ang kanang kamay sa ere. "Magpahinga ka na muna."

Kaagad nyang isinuksok ang espada at mabilis na kinuha ang lagayan ng tubig. Binuksan nya at nagsimulang magpakalunod sa pag-inom. Kanina pa sya uhaw na uhaw. Hindi lang nya magawang magreklamo dahil batid nyang parehong batikang mandirigma si Adilion at si Harmulus. Isa pa ay nahihiya syang magreklamo. Ikaw ba naman ang ilampaso ni Harmulus ng walang kahirap-hirap. Hindi ka ba mahihiya?

"Ano ba ang iniisip mo kanina?" Usisa sa kanya ni Harmulus.

"Sina Arfiona. Isang linggo ko na silang di nakikita at nakakausap." Amin nya.

Natawa ito. "Kahit sila ay nagsasanay din!"

"Nagsasanay?" Paniniguro nya. Basta na lang kasi sya iniwan ng mga kasama ng walang pasabi. Si Azinaya ang huli nyang nakausap ng madaling-araw.

Tumango ito. "Si Azinaya at iyong Arfiona ay nasa ilalim ng pagsasanay ni Zerfione. Nasa isang isla sila malayo dito."

Tumikhim si Adilion at natatawang tumigil sa pagkukwento si Harmulus.

"Nasa ilalim ka ng pagsasanay. Alisin mo muna ang gumugulo sa isipan mo. Ang mga Acranian ay nagtitipon-tipon na habang nagsasanay ka." Sabi ni Adilion at saka lumakad papunta sa silid ng barko.

Nilapitan nya si Harmulus. "Saan pupunta yon?"

"Ano pa ba? Eh di maghahanda ng kakainin natin!" Nakangiting sagot nito.

"Bakit magkamukha kaming dalawa ni, Adilion?"

"Iyan ang kwentong hindi pwedeng magmula sa kin." Saka lumapit sa gilid ng barko at tumingin sa karagatan.

Sumunod sya at tumingin din sa dagat. "Pwede magtanong?"

"Tungkol saan?"

"Bakit naging kalaban ng mga Acranian ang mga diablo?"

Huminga muna ito ng malalim. "Simula pa ng sinauna. Ang mga diablo na ang naghahasik ng lagim at takot sa lahat ng nilikha dito sa Elfiore."

"Eh di ang tagal na non!"

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon