33: Wolf Master part two

1.7K 83 2
                                    

Dedicated to nhelvimi

Arfiona's Third POV

Magdidilim na ng mapagpasyahan nilang magkampo sa kagubatan. Ang layo na ng nalakbay nila.

Si Marsuk at Serafina ang naatasang mangaso upang may makain sila. Nakahuli naman ng isang matabang muskiting ang dalawa. Paihaw ang ginawang luto ni Marsuk ng makabalik na sa kampo.

"Manong Green, ang tagal namang maluto nyan! Kanina pa kumukulo ang tiyan ko!" Narinig nyang angal ni Xander.

"Konting paghihintay na lang at makakakain ka na." Sagot ni Marsuk.

"Madaliin mo, Manong Green!" Hirit pa ni Xander kaya nilapitan na nya at binatukan. "Arfiona, problema mo?"

"Maghintay kang maluto! Wag mong madaliin si Marsuk at wala kaming balak kaiinin yan ng hilaw!" Nakapamewang nyang sermon.

"Okey. Okey!" Nakangisi nitong tugon at saka nagpacute sa kanya.

"Ano na naman yan?" Puna nya.

"Masyado kang high blood, Arfiona. Si Azinaya na nga lang kakausapin ko." Aalis na sana ito ng pingutin nya sa kanang tenga. "Aray! Arfiona, baka mapigtas ang tenga ko. Bawas pogi points yan!" Angal nito.

Awwoooo!

Natigilan silang lahat.

Awwoooo!

"Xeropia!" Tawag ni Xander sa diablong ahas.

Lumabas sa karmosa na nasa kaliwang muscle ni Xander si Xeropia. Nagulat si Marsuk at Albion sa paglabas ng dambuhalang diablong ahas.

"Xeropia, bantayan mo ang paligid." Utos ni Xander at kaagad namang kumilos si Xeropia.

Nilapitan ni Valeria si Xander at saka niyakap. "Ang galing mo naman, kamahalan. Nagagawa mong tumawag ng mga diablong hayop." Nakangiti ito.

Kaagad nyang kinalas si Valeria sa pagkakayakap kay Xander at pumagitna sa dalawa. "Tama ng may karibal akong isa. Wag ka ng dumagdag pa!"

"Masyado ka namang selosa, prinsesa." Nakangiting sabi ni Valeria at saka tumalikod na at nilapitan si Albion.

Awwoooo!

"Ilang naglalakihang mga asong lobo kaya ang susugod ngayong gabi?" Wala sa isip na napatanong si Xander.

"Wag mo ng intindihin ang mga lobo. Nasa paligid lang si Xeropia kaya makakatulog pa rin tayo ng mahimbing." Saway nya.

Lumapit sa kanilang dalawa si Azinaya. "Xander, tumabi ka sa kin mamaya sa pagtulog. Babantayan kita."

"Azinaya, ligtas naman tayo kahit di ka katabi ni Xander." Angal nya.

"Hindi na pangkaraniwan ang pagkakaroon ng mga lobo sa Belporia, Arfiona. Walang mga lobo sa Belporia."

Napatango sya. "Natitiyak kong may malakas at mapanganib tayong makakalaban sa Belporia. Ang klase ng mga lobong umatake sa atin kaninang tanghali ay lupain lang ng mga diablo matatagpuan."

"Pwede bang makisingit sa inyong dalawa?" Sabat ni Xander. "May malalakas bang mga diablo? Puro kasi mahihina ang nakakasagupa natin."

Tumango sya. "Makakaharap mo sila ngayong palapit na tayo ng palapit sa Tartamus."

"Mahihina pa lang ang mga nakasagupa natin, Xander. Pero sinisiguro ko sayo na may malakas na diablo sa Belporia." Sabi naman ni Azinaya.

"Gaano katagal pa ba bago natin marating ang Belporia?"

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon