Chapter 34

2.3K 34 26
                                    

Third Person's POV

kasalukuyan ngayong nanonood ng balita si Xander sa kaniyang kwarto. Hindi maipinta ang mukha nito at bakas sa kaniya ang galit at pagkairita habang pinapanood ang mga reporter na sunod sunod ang mga binabatong katanungan sa asawa. Bukod pa dito, dumagdag pa sa iritasyon nito ang lalaking nasa tabi ni Beatrix na ngayon ay malawak na nakangiti habang hawak sa bewang ang babae.

"fvck you! I'll cut those filthy hands of yours when i got a chance." bulong nito sa kaniyang sarili habang mahigpit ang pagkuyom ng mga kamao nito.

Ilang sandali pa, napakunot ang noo nito ng mahagip sa camera ang batang karga karga ni beatrix. Hindi nya ito masyadong napagtuonan ng pansin dahil mabilis lamang itong nakuhanan. Ngunit pumukaw sa kaiyang atensyon ang kulay asul nitong mga mata.

His heart instantly beat in a weird phase as he saw the picture of the child. Naalala nya ang sinabi ng imbestigador nito kanina na may batang kasama ang asawa. Marahil sya iyon, ang batang tinuyukoy nito.

Mabilis nyang kinuha ang cellphone sa sahig na kanina ay binato nya dahil sa galit at dali daling tinawagan ang private investigator nito.

"do something for me." pabungad nito pagkasagot ng tawag.

"i want you to imvestigate someone and i want an immediate result. Understood?"

"yes sir."

Napabuntong hininga na lamang ito at walang buhay na pinatay ang TV at nagmartsa na paalis. Naisip nyang mag-unwind muna bago gumawa ng hakbang upang kunin muli ang tiwala ng asawa at ibalik ang dati nilang pagsasama. Buo na ang loob nito sa mga gagawin.

Sa kabilang banda, galit na itinapon ni kloeh ang basong mahigpit na hawak nito ng matanggap ang isang balita mula sa kalapit na kaibigan.

Hindi nya matanggap ang mga pangyayari. Walang buhay itong natawa hanggang sa kalaunay may isang butil ng luhang nakalagpas sa mga mata nito.

Galit, frustasyon, at inggit ang naghahari ngayon sa puso niya. Hindi niya matanggap ang mga nangyaring pagtataboy sa kaniya ni Xander kanina at hindi nya matanggap ang kararating lamang itong balita. Nasira lamang ang mga plano nito.

"no.. this can't be.. " paulit ulit ang mga naging bulalas nito sa kaniyang sarili.

"hindi.. hindi dapat 'to mangyari. Wala dapat sya dito!" matinis na sigaw nito at pinagbabasag ang mga bagay na nahahawakan.

Takot naman na nagtatago ang isang batang babae sa kaniyang kwarto habang sinisilip ang sitwasyon ngayon ni kloeh. Gusto nya itong lapitan subalit nakakaramdam sya ng mas matinding takot kesa sa pagmamahal at pag-aalala nya dito. Nakakubli na sa utak nitong baka saktan na naman sya nito at sa kanya ibuntong ang galit.

Marahan nitong isinara ang pinto at ni-lock tsaka dali daling nagtalukbong ng kumot habang naglalandas ang mga luha sa kaniyang pisngi.

"when will you learn to love me, mom." she mumbled as she forcely close her eyes.

BEATRIX POV

"Mauna na ako.. Sure ka lang bang okay lang kayo dito?" ilang ulit ng sinabi at tinanong iyon ni Xander sa kaniya.

"Oo nga.. Sige nga, umalis ka na para makapagpahinga ka na din." sagot ko dito at ningitian sya.

Natutulog na ngayon si Luxelle sa kwarto namin. Napagod ata sa byahe at sa nangyari kanina sa airport.

"sige.. Mag-ingat kayo dito, ha." aniya at lumabas na mula sa pinto ngunit ilang segundo pa ay muli itong bumalik at dumungaw sa pinto. "just call me when you need anything." pahabol pa nito. Nailing na lang ako at natawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Am Secretly Married To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon