Chapter 9

1.4K 34 0
                                    

BEATRIX' POV

__________

"T-teka lang Xander, ano ba?!" reklamo ko ng patuloy pa rin siya sa paghila sa'kin—or better to say pagkaladkad sakin palabas ng bar.

Ang higpit ng hawak nito sa aking palapulsuhan at ang laki ng mga ginagawang hakbang nito kaya't di ko siya masabayan sa paglakad at halos mabunggo na namin ang mga taong malalampasan namin palabas at muntikan pa akong matumba.

Fvck!?

Bigla naman siyang tumigil sa paglakad at nanlilisik ang mga matang bumaling sakin.

"What the hell are you doing here?!" madiing aniya.

Napaigtad ako sa malakas nitong sigaw at ‘di makapaniwalang tiningnan siya.

Nagtanong pa! as if naman di niya alam. Narinig ko din kaya 'yong pinag-uusapan nila ni Kenzo kanina.

“Sinusundo ka, hindi ba obvious?" nakairap kong sagot, naaasar. “Tsaka, tinawagan ako ng kaibigan mo kanina para daw sunduin ka, kasi  yung kaibigan niya ay lasing na lasing na daw." sarkastikong saad ko habang hinihila ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakahawak nito.

Ang sakit ng kamay ko amp!, namumula pa, tangna!

Tss, ang sabihin mo, nandito ka para lumandi, hindi para sunduin ako, diba? malamig at nang-uuyam na aniya.

Napantig ang tenga ko sa sinabi nito at napatigil sa pagmamasahe sa aking kamay tsaka binalingan siya ng tingin.

What did you say? walang emosyon kong tanong sa kaniya habang nakatingin sa mga mata nitong nanghuhusga.

Nag-iwas ito ng tingin at nagtatagis ang bagang itong nagsalita.

“Bakit? Hindi ba totoo? Tuwang-tuwa ka pa nga kanina ng hinalikan ni Yuhan ‘yang kamay mo at no‘ng tinawag ka pa niyang ‘babe, sa tingin mo hindi ko iyon napansin?! nangangalaiting aniya. “For godsake Beatrix, may asawa ka na lumalandi ka pa, and worst sa kaib--

Hindi nito naituloy ang mga sinasabi niya ng malakas ko itong sinampal sa kaniyang pisngi.

“How dare you accused  me that sh¡tty things!” madiing usal ko habang pinipigil ang luhang nagbabadyang tutulo mula sa mga mata ko.

Nabigla at nagulat naman siya sa ginawa kong pagsampal sa kaniya at hindi ito makapaniwalang napatitig sa akin.

This is the first time that I did slapped him, and I dont fvcking care if he'll get mad at me and end up hurting me again! I don't  regret that anyway.

“Hindi mo alam kung pa'no ako mandiri sa lugar na 'to, at hindi mo alam ang mga nakakadiring naranasan ko dito habang hinahanap ka!!” bulyaw ko sa kaniya habang dinuduro siya. “Tiniis ko lahat ng mga nakakadiring panghihipo sakin ng mga lasing na lalaki, kahit halos manginig at mangiyak na ako sa takot! Gustong-gusto ko ng umuwi dahil natatakot na ako sa lugar na ito pero hindi ko ginawa dahil hindi pa kita nahahanap at nag-aalala ako sa kalagayan mo! Tapos ngayon sasabihan mo ako na malandi?! How dare you accused me like that! Wala kang alam sa mga nangyari sakin habang hinahanap ka!  Wala kang alam! Kaya 'wag mo akong husgahan na akala mo alam mo lahat ng mga pandidiring naramdaman ko sa lugar na to!" umiiyak na sigaw ko sa kanya tsaka mabilis na tinalikuran siya at nagsimula ng maglakad palayo sa kaniya.

Wala na akong pakealam sa kaniya!  Bahala na siya sa buhay niya!  Ang babaw niya! Daig pa niya ang bata kung umasta! Hinusgahan niya ako dahil lang sa ngumiti ako sa kaibigan niya?! Ano bang mali sa ginawa ko?!

I Am Secretly Married To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon