Chapter 2

2K 42 3
                                    

BEATRIX' POV

Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Erosz na kumain dito sa isang fastfood chain malapit sa mall nito, at hindi ko din alam kung paano niya ako napilit na bilhin ang dress na ‘yon.

Basta ang tanging alam ko lang ay ubod siya ng kulit, iyong tipong mapapa-oo ka nalang talaga dahil sa sobrang kakulitan nito.

Katulad na lamang ngayon, kinukulit na naman niya ako na ihahatid na daw niya ako sa  bahay pero kaagad naman akong tumututol sa paunlak nito dahil hindi pwede.

“Sige na Bea, hayaan mo na akong ihatid ka, please." pangungulit  niya sakin at hinawakan pa ang aking kamay na siyang nakapatong sa mesa na agad ko namang binawi at tipid na ngumiti

“Hay naku, wag ka ngang makulit diyan, hindi nga pwede eh." pagtanggi ko.

Hindi talaga pwede kasi malalaman niya kung saan ako nakatira at malalagot ako kay Xander kapag napag-alaman niyang may taong nakakaalam na nasa iisang bahay lang kami nakatira. Pinaka-importanteng bilin pa naman niya yun sa'kin, na dapat ay walang pwedeng makaalam sa bahay namin dahil sa pinaka iingat-ingatan nitong sikreto.

Ang pagiging mag-asawa namin.

Bakit hindi pwede? tanong nya muli at nakapalumbabang nakatitig sa mga mata ko. He's so cute on that posture but it feels kinda awkward to be stared by someone like him.

“Eh, kasi nga hindi pwede, okay? Kaya 'wag ka ng madaming tanong diyan." pagtatapos ko ng usapan upang di na siya magtanong pa ng madaming tanong. "Kumain na lang tayo para makauwi na din ako.” sabi ko at muling pinagpatuloy ang pagkain at hindi na s'ya pinansin.

Napasimangot naman ito at hindi na nagsalita pa at tahimik na lang din na pinagpatuloy ang pagkain. Nangingiting napailing na lang ako dahil sa hitsura niya, para siyang batang nagtatampo dahil hindi napagbigyan sa gusto.

Minuto ang lumipas at natapos na din kaming kumain pero hanggang ngayon ay hindi pa din maipinta ang mukha ni Erosz habang kasalukuyang nagbabayad ng bill sa kinain namin. Kunot ang noo nito at halos magkasalubong na ang kilay, nakatikom din ang bibig at kapansin-pansin talagang wala siya sa mood. Makikita din ang takot sa mga mata ng cashier at para itong natataranta dahil sa bukas ng mukha ng kaharap. Cute

This man has a childish side,  huh?

Tahimik lang akong nakamasid sa kaniya sa may gilid ng pinto habang hinihintay itong matapos sa pagbabayad bitbit ang mga pinamili ko. Nakasimangot pa rin ito subalit nang mapansin ang pagkataranta ng kahera ay agad itong binigyan ng malawak na ngiti na tila ba ginagawang komportable ang kaharap.

Natawa na lang ako sa ginawa niya at nauna ng naglakad palabas para doon na lamang ito hintayin para hindi nakakahiya sa mga kumakain na kanina pa pasulyap-sulyap sa gawi ko. 

Erosz has this friendly awra that makes people around him get comfortable with just his genuine smile, napakaganda at napakalambing ng mga ngiti nito at maiisip mo talagang ito ay mabait na tao.

Malalim akong napabuntong hininga at wala sa sariling napatingin sa relong pambisig sa aking pulsohan.  Its already four in the afternoon, ilang oras na lang ay papalubog na naman ulit ang araw.

Muli akong napabuntong hininga at inilibot ang tingin sa paligid. Ngayon na lamang ulit ako nakalabas ng mag-isa at sobrang nakakagaan ng loob na pagmasdan ang mga tao't sasakyan na may kaniya-kaniyang patutunguhan.

Napatigil ako sa pagmamasid nang may nahagip ng aking mga mata. Dumako ang aking tingin sa isang direksyon mula sa di kalayuan at nanigas ako sa aking kinatatayuan ng makita ang isang napakapamilyar na bulto sa loob ng isang sasakyan.


I Am Secretly Married To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon