Chapter 8

1.5K 39 3
                                    

BEATRIX' POV

Tinatamad akong bumangon ng marinig ang nag-iingay kong cellphone mula sa side table, at inaantok na sinagot ang tawag.

Sino naman kaya 'to?

"Hello?"

"Hey, Is this Beatrix?" tanong ng nasa kabilang linya.

My forehead creased as i heard a very unfamilliar manly voice and a noisy background of the caller.

"Yes, speaking, who's this?"

"This is Kenzo, Alexander's friend." pagpapakilala niya.

"Oh I see. Why'd you call?" diretsahan kong tanong

"I just wanna ask some help from you." aniya na nagpadagdag ng pagkunot ng noo ko.

"Help? What kind of help?" ano naman kayang tulong ito?

"Its about Xander... your husband." ani nito.

Nanlaki ang mga mata ko ngmarinig ang huling binanggit nito.

Does it mean that he knows me as a wife of Xander? But how?  As if Xander told him about our secret marriage.

"Hey, still there?" kuha nito sa atensiyon ko.

"Y-yeah. H-how did you know me, and what about Xander? Is he with you?" sunod-sunod tanong ko. My thoughts bothered with a lot of questions right now.

"I already know your name before the day of your wedding. I was present that day and I was chosen as Xander's  bestman. And yeah, I am with Xander right now and he's drunk, that's why I called you to take your husband's home." mahabang paliwanag nito.

Napatango-tango naman ako ng mapagtantong meron palang inimbitahan noon si Xander na isang kaibigan niya bilang bestman nito sa sekretong kasal namin, subalit hindi ko lang alam kung sino at ano ang pangalan nito kasi hindi naman ipinakilala sa'kin noon ni Xander.

Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi niyang sitwasyon ngayon ni Xander.

Hayst. Bakit naman kaya uminom ang isang yun? Kaya ba hindi siya pumasok kanina sa opisina niya kasi makikipag-inuman ?

Tsk!  Iistorbobin pa ako.

"Ah, gano'n ba? Nasaang bar ba kayo ngayon?"  tanong ko at tuluyan ng umalis sa kama at naglakad papasok sa walk-in closet namin upang kumuha ng jacket.

"He's at my bar. I'll just text you the adress." aniya.

"Okay." tumatangong tugon ko

Punatungan ko lang ng leather jacket ang t-shirt na suot ko at nagsuot ng cap tsaka mabilis na kinuha ang susi ng isa pang kotse ni Xander.

Sana lang di siya magalit kapag nakita ako ng iba pa niyang mga kaibigan. Mahigpit kasi niyang ibinibilin sa'kin na 'wag akong lalapit o magpapakita sa kaniya kapag kasama niya ang mga kaibigan nito.

Pero kasi, lasing siya eh at kailangan ko siyang iuwi baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya.

Kahit malupit siya sakin,  hindi ko pa din maiwasan ang mag-alala para sa kaniya.  I still care dahil asawa ko siya.

Nang makarating sa garage, agad kong minaobra ang sasakyan at pinaharurot iyon patungo lokasyon ng bar na tinext sakin ni Kenzo.

It's already pass 3 in the afternoon at ramdam ko na naman ulit ang gutom.

Sana pala kumain muna ako. Kung bakit ba kasi ang haba ng naging tulog ko, tsk.

Tahimik lang akong nagdadrive ng biglang tumunog ang cellphone ko.

I Am Secretly Married To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon