Chapter 20

1.3K 32 0
                                    

CHAPTER 20

>BEATRIX'S POV<

"iha, tommorrow is your wedding day. Are you now ready?" tanong ni tito alexis sa likuran ko habang tinititigan ang aking wedding gown na siyang kadadating lang kaninang umaga.

The gown is well-designed for me.  Talagang ipinasadya ito sakin gaya ng sinabi ni Tita mommy.

Bahagya akong ngumiti bago huminga ng malalim.

"kailangan po eh." tipid na saad ko dito. Naramdanan ko namang tinapik niya ang aking balikat.

"every thing will going to be ok, iha.. By the way, Thank you.. Thank you dahil pumayag ka sa gusto ng titamommy mo, i owe you on this, iha."

"wala ho yung anuman. Tungkulin ko pong pasayahin at pagaanin ang loob ng taong nag alaga sakin. Kahit dito man lang mapasaya ko siya." mahinang saad ko at napatungo.

"you made her happy iha, just by your pressence, you already made her happy."

"salamat po.."

"it's nothing.. Siya nga pala maiwan na kita dito hah, may pupuntahan pa ako."

"sige lang po." ngiting saad ko at pinagmasdan siyang lumabas ng pinto nitong kwartong kinaroroonan ko.

Bukas na pala ang kasal ko, napakabilis naman ng araw. Parang kahapon lang pinagplanuhan ang magiging kasal namin, tapos ngayon, ready na lahat.

Hayy, mga mayaman nga naman, madali lang sa kanila ang makuha ang mga bagay na gustuhin nila.

*****
Napalingon ako sa pinto ng bumukas ulit ito at iniluwa nito ang nakawheel chair na si tita mommy, tulak tulak ito ng isang private nurse na hi-nire nila kahapon bago siya lumabas ng hospital.

"tita mommy."

bungad na usal ko sa tawag ko sa kaniya, bago lumapit sa kaniya at hinalikan ito  sa pisngi. Ngumiti naman ito at sinenyasan ang kaniyang nurse na lumabas muna na agad naman itong tumalima.

"bakit po?"

"i want to tell you something, Trix." matigas ang boses na saad nito pero pansin kong parang pinipilit niya lamang gawin iyon.

"ano po yun?" kuryosong tanong ko.

"regarding.....at y-your r-real p-parents." nanginginig ang boses nito na tila ba .... Takot?

Why is that??

"ano pong ibig niyong sabihin?" kinakabahan ako sa sasabihin niya. Matagal ko ng gustong malaman ang tungkol sa mga magulang ko na hanggang ngayon ay hindi ko parin nahahanap.

"your parent---"

~~~~~~~~~

"Beatrix... Hey Beatrix, common wake up, you're dreaming." naalimpungatan ako ng maramdamang parang may umaalo sakin.

Kaaad kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sakin ang isang di malinaw na pigura ng isang babae. Kinusot kusot ko ang aking mata at bumubgad sakin ang mukha ni Ghie na umaalo sakin. Nag aalala ang mukha nito habang nakatuon ang mga mata sa akin. Ibinaling ko ang aking tingin sa kabuuan ng kwartoat napakunot noo ako ng mapansin ang hindi pamilyar na silid.

"asan ako, ghie?" tanong ko dito.

"sa bahay namin. Dinala na kita dito dahil nahimatay ka na naman... Hay naku ha Beatrix, alam ko namang maganda ako noh, pero sana naman 'wag mo masaydong ipahalata, yung tipong hihimatayin ka na agad pagkakita mo palang sakin. Psh, tumataas ang self confidence ko sayo eh."

Napakahangin talaga 'tong babaeng 'to.

Ngiti lamang ang itinugon ko dito tsaka napatingin sa orasan na nakasabit sa pader.

I Am Secretly Married To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon