Chapter 16

1.2K 28 0
                                    

BEATRIX' POV

Nanatili lamang kaming dalawa ni Xander dito sa veranda at ni wala samin ang nagtangkang magsalita.

Napakatahimik ang paligid at kapwa naming pinapakiramdaman ang bawat isa.

Hanggang sa muling basagin nito ang nakakabinging katahimikan.

"Aren't you get mad at us?" parang wala sa sariling usal nito.

Pilit akong napangiti  sa sinabi nito at hindi na napigilan pang muling umagos ang isang butil ng luhang nakatakas sa mata ko, mabuti na lamang at nakatalikod ako sa kaniya.

'sana nga may karapatan akong magalit, Xander..'

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita.

"If i get mad, it'll be useless.” tumungo ako at napadako ang tingin ko sa swimming pool na syang natatanaw lamang mula dito. “If i get mad, it wouldn't change the situation... and lastly, if i get mad, d-do i have the right?" diretsahan kong saad dito habang hinahayaan ang mga luhang sunod-sunod na umaagos.

"You are my wife, you have the rig--"

"Yes, i am your wife but only in the paper..” bumaling ako sa kaniya at hinuli ang mailap nitong mata. “Like what you had said.."

"Beatrix.." tanging usal niya sa pangalan ko na para bang hindi nito mahanap ang tamang salitang gustong sabihin.

Pagak akong napatawa, "Sa totoo lang, gusto kong magalit, Xander.. Gustong-gusto kong magalit sa inyo p-pero..." Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilin ang paghikbi

"..pero hindi ko magawa kasi... p-palagi kong kinikwestiyon ang sarili ko...m-may k-karapatan nga ba akong magalit?"

Hindi ko na naiwasan pang mapahikbi, alam kong naririnig niya ang mga hikbing iyon. Ngunit ipinagpatuloy ko parin ang aking pagsasalita.

I want to express my pain to him! Even just this once,  just for the last time.

"..p-palagi mong pinapaalala sa 'kin na..w-wala akong karapatan... k-kasi a-asawa mo lang ako sa p-papel."

"B- Beatrix.."

"S-sa tuwing naririnig ko ang mga salitang iyon na nanggagaling sayo..  h-hindi ko maiwasang masaktan, Xander.. H-hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing pinapamukha mo sakin na wala lang ako sayo... na tanging asawa mo lang ako.." humihikbing saad ko at ipinagdiinan ang salitang 'lang'.

Matapang kong sinalubong ang tingin nito,
kitang-kita ko ang halo-halong emosyon sa mga mata niya na siyang hindi ko mapangalanan.

Mapait akong ngumiti at nagpatuloy sa pananalita.

"Everytime that you introduce me to our neighbors and to your friends that i am only your maid, it cause pain already in me Xander!  B-but i endure it... I endure the pain you inflicted in me physically and emotionally because i want to fullfill my tita mommy's wishes! " hindi ko mapigilang lakasan ang boses ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"K-kahit tinapak-tapakan mo ang pagkatao ko, p-pinili ko paring manatili sa tabi mo kasi... kasi gusto kong gampanan ang pagiging asawa ko sayo.. at gusto kong iparamdam sayo na nandito ako bilang asawa mo, hindi dahil iyon ang naging kahilingan ng mommy mo kun'di...."

Napatigil ako sa pagsasalita ng wala sa oras ng mapagtanto ang gusto kong sabihin dito.

Gosh,  I'm too being emotional!  I hate it!

"I'm sorry." mahinang saad nito at akmang lalapit sakin pero iminuwestra ko ang aking kamay sa aking harapan, indikasyon na wag itong lumapit na siyang agad naman niyang ginawa.

I Am Secretly Married To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon