Chapter 11

1.4K 37 0
                                    

BEATRIX' POV

Matapos naming kumain, napagpasyahan muna namin na dumito muna sa swimming pool bago umakyat sa aming kwarto

Sa katunayan, siya ang may gusto na manatili muna kami dito para 'daw' mapagmasdan ang mga nagkikislapang mga bituin sa madilim na kalangitan. Nagtataka man, subalit pinagbigyan ko na lamang, gusto ko din namang mapagmasdan ang mga bituin na naging saksi ng mga naging luha at lungkot na naramdaman ko noong bagong kasal pa lamang kami at no'ng nama---

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah." kuha nito sa atensiyon ko, nakaupo siya ngayon sa tabi ko at parehong nakalublob ang aming mga paa sa tubig at nakakagaan ito sa pakiramdam.

Napatingin naman ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"Hindi naman, may naalala lang." mahinang sambit ko at muling ibinalik ang aking tingin sa kalangitan.

Ang ganda

Napakaraming mga bituin at dumagdag pa ang  napakaliwanag na buwan, na siyang nagbibigay liwanag sa madilim at mapayapang gabi.

"Ano namang naaalala mo?" kuryosong tanong nito.

'Marami. Lahat ng mga sakit, lungkot at pagdurusang pinaranas at pinaramdam mo lahat yun inaalala ko, kasi iyon lamang ang mga ala-alang meron ako.'

"Wala." tanging sagot ko na lamang, kahit na ang dami kong gustong sabihin sa kaniya na sa tanging isipan ko nalang nasasabi. I don't want to ruin this night. This peaceful night.

"You're lying.." he stated.  Napatingin akong muli sa kaniya at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.

"..pero, ano nga bang karapatan kong magtanong sa'yo kung ano ang mga inaalala at iniisip mo?"

Nag-iwas siya ng tingin sa'kin at ibinaling ang tingin sa mga paa nitong nakalublob sa tubig.

"..kung pwede ko lang pasukin ang isip mo, ginawa ko na.. pero natatakot akong malaman ito dahil..."

Pinutol nito ang sinasabi at tumungo, marahil hindi niya mahanap ang tamang salita para sabihin ang gusto niyang sabihin o kaya dahil ayaw niya lang talagang sabihin ito..

Napailing nalang ako at muling ibinalik ang tingin sa kalangitan

"Dahil natatakot kang makita ang mga hinanakit at lungkot sa isipan ko..?" i continued his sentences,  not realizing what I have said, kusa na lamang itong lumabas sa bibig ko.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na lumingon ito sa akin at umiling.

"Hindi.. N-natatakot akong malaman na.. B-Baka isinusumpa mo na ako diyan sa isipan mo." mahinang usal nito.

Pagak naman akong napatawa sa kaniyang tinuran at pasulyap siyang tiningnan.

"Ba't ka naman matatakot? Natatakot ka bang magkatotoo kung sakali man?" madiin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi at pasimpleng tumingala upang pigilan ang pagtulo ng aking luha.

Natahimik naman ito, kaya naman muli akong nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kailanman, hindi ko naisip ang bagay na iyan.. P-pero.." mahinang saad ko at malalim na napabuntong hininga.

"...s-sana nga madali lang para sa akin ang pag isipan ka ng ganoon, kaso hindi ko kaya— a-ayokong gawin kasi alam kong hindi iyon tama at hindi iyon ang paraan para makabawi ako sa mga pananakit mo."

'kasi umaasa akong magbabago pa ang tingin mo sa'kin, na magbabago pa ang trato mo sa akin,  kahit na alam kong malabo iyong mangyari.'

Natahimik  ito, kaya naman nilingon ko ito at nakita itong nakatungo  habang tinitingnan ang wedding ring namin na siyang nakasuot sa daliri nito

I Am Secretly Married To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon