2

85 6 1
                                    

Yotniinam a taltalaga, bakit ba'ko nag-MedTech?

"Beh, promise hindi ka talaga magre-regret kapag pumayag ka sa proposal ni doc," sambit ni Maya habang ginagawang coloring book 'yung libro niya sa Biochem. Nakakaubos ng pasensya 'tong Biochem! Para talaga akong sinasampal na bobo ako. Pa'no ba'to nalagpasan ng mga third year? Tanginang 'yan, oxaloacetate nga lang natatandaan ko lagi sa Krebs Cycle, tapos itatanong pa kung ilan ang NADH+ ang napo-produce kaya lagi kaming nangangatog pag Biochem class na namin dahil ang hilig magpa-recit ng prof namin. Tapos kakalimutan ko lang naman 'tong lahat after this sem. Parang joke time lang, e.

Alam ko namang kailangan 'yun sa Clinical Chem kaso hindi naman din ako genius na isasalpak lahat sa utak ko.

Sinamaan ko ng tingin sa Maya at ibinaba 'yung ballpen ko, "Maya alam mo, kung bet mo siya, jowain mo na lang. 'Wag mo na'ko idamay."

Natawa naman si Maya, "Best in Biochem daw 'yun. Tahimik lang daw talaga siya."

Ay gago.

"Ako ba sine-salestalk mo lang? Tinatawag naman nilang tamad 'yun."

Napairap naman sa'kin si Maya at sinarado na 'yung libro bago humarap sa'kin, "Bakla, ang chimis kasi ay ganito—may naka-group si Sergio na, alam mo na, chismosa. Tapos, ang nangyari kasi, itong si chismosa 'yung tamad." I made a face. Uso pa pala 'yun? 'Yung gagawan mo ng kwento 'yung tao? Kadiri naman.

"Tapos?"

"Biostats kasi nila teh, tapos hindi gumawa si girl... as in! Eh group homework 'yun. Alam mo ginawa ni Sergio? Hindi niya rin ginawa 'yung part ni ate girl tapos pinasa nila 'yun... Grabe sobrang horrified ni bakla," natatawa niyang sabi pero pigil na pigil dahil nasa library kami at last time na napahagalpak siya talagang pinalayas kami ng librarian.

"E 'di bagsak sila?"

Maya shook her head, "Hindi rin teh. Kasi lumapit si Sergio after class kay prof, tapos pinasa niya 'yung completed."

My lips parted.

"So..."

"So binagsak si girl pero hindi niya alam na tinapos ni Sergio 'yung part niyang 'yun kaya uno the rest ng groupmates niya," sagot niya sa'kin at ngumiti na parang may gustong i-suggest. "Ano? Curious ka na 'no?"

Napairap ako, "Grabe! Ano akala mo sa'kin nafo-fall agad sa matalino?!"

"Ano'ng akala? Tanga gano'n ka naman talaga, 'wag mo na itago."

Pilit akong ngumiti, "Alam mo, tangina ka talaga. Kung hindi lang kita kaibigan."

No'ng dumating si Ali, tahimik na lang kaming nag-aral. Ito siguro 'yung unfiltered lifestyle naming tatlo na hindi nakikita ng karamihan kasi kami lang naman 'yung madalas mag-aral sa library... kaya rin siguro ayaw ng iba sa'min kasi raw ang hilig naming mag-gala kapag vacant. 'Di ko nga gets what's there to hate, eh nagde-destress lang naman kami at kumakain sa SM North kapag vacant or walang pasok. Kasalanan ba naming kaya naming ipagsabay 'yung gala, student council, at maging consistent President's List? Inggit lang sila wala silang social life, e.

Naiinis na naman tuloy ako.

Para bang kasalanan namin na wala silang maayos na time management. I mean, tanga rin naman akong mag-ayos ng schedule at hindi ako worthy maging Tiktok famous sa study tips or "aesthetic-ness", dahil madalas akong procrastinator, pero alam ko rin namang mag-set ng goals at alamin 'yung priorities ko kahit pa paano.

"Hindi ka pa rin ba decided?" tanong ni Ali nang matapos na namin 'yung isang chapter. Ang sakit sa pwet at sa ulo! Gusto ko nang matulog kaso may meeting pa nga pala kami sa student council pagkatapos ng Biochem. 'Di ko rin alam kung ano'ng sumapak sa'kin at naisipan kong mang-cloutchase at mag-student council kasi wala naman akong pake sa SC noong highschool, pero responsable naman akong tao! Hindi naman nila siguro ako ilalagay na President kung hindi nila nakita 'yun.

the stars above us (medtech series #2)Where stories live. Discover now