00

245 8 3
                                    

2018

"I would like a rewind, please."

It's a phrase I get to whisper for every once in a while when I pause and take deep breaths. I'm not lying—I swear, if I get to rewind my life and never meet you, I will.

It was a mistake—for all the known reasons.

And I wish you'll never get the thought of wanting to forget because you gave too much for me to remember—and almost every memory's just a painful scene. You weren't the beauty of watching the sunset in a beach setting, but the hurricane. You were a storm. A murderer that barged inside my house, uninvited. You're every nightmare that occurred.

You're not even a lesson, honestly.

Because I knew ever since November last year, you'd be a mistake that I'll always be regretting.

Was I happy?

Sometimes, that it made me savor every moment—it only happened once? Thrice?

And then you'd get to manipulate me again.

And then you're still flipping your words over and over again as if the victim was you.

You're. . . every tragedy I'd write.

I wish I'd get to travel back in time to tell my younger self that you were never worth any struggles, patience, and kindness—because all you ever did is invalidate me.

I wish I never met you.

You're every confusion and melancholic words, personified.

Napabuntong-hininga ako pagkatapos kong magsulat--ang weird magsulat ng malungkot na piece kapag hindi ka rin naman maka-relate, kaso siyempre hindi naman ako tatanggi sa grasya. Sobrang hapdi na ng mga mata ko dahil kanina pa'ko nakatutok sa laptop. Ang dami ko pang kailangang tapusin na commissions for this week, tapos hindi pa nakatulong 'yung kaba ko kasi ngayong week din lalabas 'yung results sa UPCAT. Hindi ko ma-explain 'yung pakiramdam... 'di ko pa nga alam kung papasa ako kasi ang hirap naman talaga, tapos 'yung gusto ko pang kunin BS Public Health, e ang alam ko sobrang konti lang ng students na kinukuha do'n... kaya medyo delikado nga talaga.

Napatayo ako at lumabas ng kwarto, pagkalabas ko, nando'n na si tita na nagluluto ng pananghalian, "Mabisin kan?"

Nag-kibit-balikat ako, "Medyo lang po," sambit ko. 

"Ana, awan pay results UPCAT yu?" tanong niya habang nagsasandok ng kanin bago ilapag 'yun sa lamesa. Pagkainom ko, kumuha na rin ako ng plato sa cabinet at utensils para sa'ming dalawa.

Natawa ako, "Wala pa po, tita," sabi ko habang nagbubukas ng ref.

Sobrang cliche siguro pakinggan, pero bata pa lang ako no'ng mawala sila mama at papa, tapos si tita na ang nag-alaga sa'kin. Thankful lang ako na unlike sa mga napapanood ko sa KDrama, si tita naman sobrang bait. Kaso nahihiya na rin akong maging dependent. May buhay rin naman 'yung tita ko... nakokonsensya nga ako kapag naiisip ko na hindi na nag-asawa si tita para alagaan ako. Ayaw ko namang maging palamunin habambuhay kaya hangga't kaya ko talagang tumanggap ng sideline, tumatanggap ako para kahit pa paano nakakatulong din ako sa bills dito. No'ng una, ayaw pa ni tita, kaso kinalaunan napapayag ko rin. 

Nangiti naman si tita, "Ba't kasi ayaw mong dito na lang mag-aral? May MedTech naman sa NWU, 'di ba?"

I shrugged, "Kayat ko la new place, tita," natatawa kong sambit. Ang lame siguro ng rason, pero ever since talaga pangarap kong makaluwas man lang sa Maynila. Hindi naman sa ayaw ko rito sa Laoag, masarap naman buhay ko dito tapos mabait pa si tita. I grew up in Laoag, but I feel like I'd find myself better in another place... soul-searching kumbaga. Tsaka oras na rin siguro para lumabas-labas naman ako ng lungga. Ang pinakamalayo ko na yatang napuntahan na 'di kasama si tita ay hanggang Dingras lang para sa school project. 'Di naman strikto si tita, sadyang tamad lang talaga ako lumabas.

"E 'di kailan pala luwas mo?" tanong ni tita pagkatapos naming kumain at habang nagliligpit ako ng pinagkainan.

Napangiti ako.

"Baka po next month," sambit ko. "Adda met naiurnong kon, 'ta. Haan ka mangteden."

Nailing naman si tita, "Ay jak met kayat. Nu adda ited ko ket alaem, nukwa ah?  'Di ako makakampante kung hindi mo kukunin."

Natawa ako, "Tatakasan na lang kita, tita," natatawa kong sabi habang nagpupunas ng kamay. "Tita, if ever hindi ako pumasa, sa Manila pa rin ako mag-aaral, or sa QC. May ni-recommend naman sa'kin do'n 'yung kaklase ko. Tatawag naman ako time to time, tapos siyempre sino ba naman ako para 'di umuwi rito? 'Di naman ako gold."

Napa-buntonghininga na lang si tita, "Basta uuwi ka ha?"

Tumango ako at niyakap si tita nang mahigpit. 

**

"Mabisin kan?" - Gutom ka na ba?

"Ana, awan pay results UPCAT yu?" - Ano, wala pa bang results 'yung UPCAT niyo?

 "Kayat ko la new place, tita," - Gusto ko lang ng new place, tita.

"Adda met naiurnong kon, 'ta. Haan ka mangteden." - May naipon naman na'ko, 'ta. 'Wag ka na magbigay.

 "Ay jak met kayat. Nu adda ited ko ket alaem, nukwa ah?" - Ay ayaw ko. Pag may binigay ako sa'yo, kunin mo ah?

the stars above us (medtech series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon