7

60 4 2
                                    

"Ba't... tayo nandito?" nagtataka kong tanong kay Sergio habang nakatitig lang sa overlooking ng Rizal. Kahit hindi ako religious biglang gusto ko tuloy pumunta ng simbahan dahil iba ang inisip ko no'ng sinabi 'yon ni Sergio... bwiset talaga si Maya. Masyadong polluted na utak ko dahil kay gaga.

Ending ako pa rin talaga 'yung assuming.

"Well... I've been meaning to bring someone here," sagot niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "So I brought you here."

Natawa ako, "Ito na 'yung landi mo?" natatawa kong tanong.

"Why? Were you thinking of something else?" tanong niya at naglakad papalapit sa'kin dahilan para mapaatras ako. Ngumisi siya at lumapit nang maramdaman ko na nakasandal na'ko sa gilid ng kotse niya.

"H-hindi ah," sambit ko at napaiwas ng tingin dahil nakakailang na 'yung pagtitig niya sa'kin. Napasinghap ako nang lumapit pa siya lalo hanggang sa kaunting distansya na lang ang nasa pagitan namin dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Kalma, Lula. Tangina. Lalaki lang 'yan.

"I think otherwise," he whispers. Napahawak na lang ako sa kamay ko nang maramdaman kong nanginginig na'ko. "Fuck... Sorry," sambit ni Sergio at mabilis na lumayo.

"S-sorry," sambit ko at napasapo ng noo habang hinahabol ang hininga ko. "Tangina, I mean, oo nag-anticipate ako ng iba pero sorry... Medyo may problema lang ako pag masyadong secluded," dagdag ko bago naglakad papalayo sa kaniya.

Kala ko wala na.

Nandito pa rin pala.

Badtrip.

"Drink." Rinig kong sambit ni Sergio dahilan para mapaharap ako sa kaniya. Tipid akong napangiti bago inabot 'yung bottled water. "Sorry if I went too far. I didn't mean to scare you."

Natawa ako, "Pasensya na medyo... medyo may trauma lang," natatawa kong sambit habang umiinom ng tubig at nakatitig sa langit. Kahit pa paano kumakalma naman na'ko. "Tsaka sorry if medyo sabog ako mag-isip... Sana 'di ka judgmental."

"Shit, sorry. I'm really sorry, Mads," he uttered. "I didn't mean to open up a past wound. And... I won't judge you for that. We'll keep that our little secret."

Natawa ako.

Little secret.

Little secret basis na kami ngayon. Ang funny lang. Parang no'ng mga nakaraan lang paulit-ulit kong dine-deny sa sarili ko na ayaw kong ma-involve sa ganitong klase ng tao tapos ako pa 'tong si gaga na nag-provoke.

Tanga lang.

Tipid akong ngumiti, "Wala 'yun," I dismissed, not wanting to talk about something I've been trying to bury for years. "High school pa 'yun. 'Di ko nga alam ba't dala-dala ko pa rin hanggang ngayon. Si OA lang talaga ako," natatawa kong sambit. Ang tagal na no'n... May nabasa ako noon, dapat naka-move on ka na sa trauma mo kung matagal na dahil mas lalo ka lang sasabog hangga't never mong ina-address.

Kaso mali ko rin.

Pa'no ko ia-address kung wala man lang nagtanong? Kung walang nakakita? Kung walang pwedeng magsabi na "oo tama si Lula"?

Baka nga pati siya nakalimutan na niya.

Funny. Ang coping mechanism ko ay invalidating myself. Kaya siguro muntik na'kong magka-85 sa Understanding The Self dahil hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

Pero 'di ko kaya... 'di ko pa kayang sabihin sa iba.

I made an oath to myself that I would just bury that secret with me 'til the day I die.

the stars above us (medtech series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें