10

52 6 1
                                    

"Mads."

Mabilis akong napahinto sa ginagawa ko nang marinig ko si Sergio. Kakatapos lang ng lab part ng SIP namin tapos kami na lang ni Sergio ang naiwan dito sa loob dahil may kailangan pang gawin si sir. Si Maya naman umuwi na rin dahil pinag-grocery siya ni tita. No choice tuloy ako kundi maiwan kasama 'tong si Sergio. Mabilis lang din kasi naming natapos 'yung lab part. Totoo palang mas mabilis 'yung lab kaysa sa paggawa no'ng ibang parts ng paper. Buti naman. Baka hindi na'ko makahinga nang maayos kung matagal ko pang makakasama 'tong isang 'to.

Si sir kasi, e.

Tangina para tuloy akong tangang nagpeke ng tawa kasi kinabahan ako bigla dahil ngumiti lang si Sergio sa sinabi ni sir. Buti na lang nakaramdam si sir na biglang naging awkward 'yung atmosphere kaya nag-divert siya agad. Ayaw kong bigyan ng meaning. Sobrang dami ko na ngang iniisip, dadagdag pa siya. Aba pota, may bayad nga mga commission ko na pinag-isipan ko nang maigi, tapos siya tatakbo lang rent free? Kingina niya kung gano'n.

Nag-kiss lang kami.

'Yun lang 'yun.

Consensual act between two adults na naghahanap ng companionship that night.

I still should dodge the bullet while I still can.

"We should talk."

Pilit akong ngumiti, "Tungkol ba kahapon? 'Yung sinabi mo?"

Tumango siya.

Natawa ako, "Wala namang meaning 'yun 'di ba?" sambit ko, acting like I was dense kahit halos 'di ako makatulog kagabi kakaisip kung ano ba'ng gusto niyang i-imply. Pagkasabi kasi niya no'n tinawanan ko lang siya tapos dinivert ko kaagad 'yung topic sa SIP. Ang hirap mag-overthink! Ayaw kong nag-o-overthink. Pota pagod na pagod na nga braincells ko sa medtech, papagurin ko pa dahil kay Sergio. Buti pa kamo overthink gumagana kapag tamang hinala, pero kapag exam parang nakikipag-hide and seek pa 'yung utak mo. Kagigil.

Pero kung anumang sagot ni Sergio hindi ko na hinintay pang sabihin niya.

"Hayaan mo na 'yun. 'Di naman ako overthinker," dagdag ko at tumawa nang bahagya. Pota, sinungaling. 'Di ko alam pero ang bilis kong napansin 'yung disappointment sa mukha niya na parang gusto pa niyang mag-explain. "Uwi na'ko... May sasabihin ka pa ba?"

"I'll drive you back home."

Umiling ako.

"Kaya ko naman mag-isa," sagot ko. "Tsaka pupunta ako kila Maya." Half truth kahit uuwi muna ako. Gusto ko lang makaalis dito!

Na-stress ako nang slight nang maramdaman kong parang na-fu-frustrate na sa'kin si Sergio. Aba pota, 'di ba dapat ako 'yung ma-frustrate?! Para tuloy kaming tangang parang nagsusukatan ng tingin kasi walang may gustong mag-iwas kaya ako na lang 'yung umiwas. May balak pa yatang mag-staring contest.

"Uwi na'ko," sagot ko at inayos 'yung pagkakasukbit ng tote bag ko. "Bukas na lang ulit."

"Are you avoiding me, Mads?"

Natawa ako, "Huh? Hindi naman. Delulu ka lang," pagbibiro ko, pero hindi pa rin maipinta 'yung mukha ni Sergio habang nakatingin sa'kin. Ay bahala ka diyan. "Wala ka na bang ibang sasabihin? If may gagawin pa sa paper, sendan mo na lang ako ng link for google meet. Or chat ka na lang sa docs kasi titignan ko rin pagkauwi."

Finally, Sergio sighed in defeat.

"Okay," sagot niya. 

"Okay. Ingat ka," sambit ko at mabilis na tumalikod at naglakad papalabas. Napatampal na lang ako ng noo ko no'ng makalayo-layo na'ko. Bakit ko siya sinabihang mag-ingat?! 

"Bobo talaga," bulong ko sa sarili ko bago pumara ng tricycle papunta sa apartment. Para akong dine-drain ng araw na'to. Buti na lang magluluto ng pinakbet si tita. Habang nasa tricycle, nagtingin-tingin na lang din ako sa Upwork kung may mga nagpapagawa ng commissions. 'Di naman sobrang hassle ng commissions ko kasi hindi naman ako tumatanggap ng academic related. Mostly hire lang for ghostwriting. Malaki kasi bayad since pati copyright kanila. Mas malaki pa lalo bayad kapag 'yung mga nagha-hire sa'kin mga kilala rin sa IG or Tiktok. 'Di naman ako judgmental, nakaka-drain din kaya magsulat araw-araw.

the stars above us (medtech series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon