11

89 7 0
                                    

'Ana? Anakwem apay na-sprain ka?'

Napa-buntonghininga na lang ako at napasandal headboard no'ng kama. Si OA naman 'tong si Sergio at kumuha pa ng magandang room dito sa hospital kahit sprain lang naman 'to. Nag-contemplate pa'kong sabihin kay tita, kaso siyempre deserve din naman niyang malaman na gumagawa na naman ng katangahan 'yung pamangkin niya.

'Natnag nak lang hehehe sorry medyo sabog dito naman po friend ko'

'Anya masapul mo? Adda met lang pagbayad yu?'

'Grabe ka naman sakin tita T__T'

Saglit akong napatingin kay Sergio na nakatalikod sa'kin at parang nagbabalat pa yata ng orange. Jusko, wala naman akong sakit! Pero tunog big deal 'yung sprain ko. Pero sabagay, kung hindi niya ako nasalo kanina baka hindi lang sprain ang inabot ko. Medyo mataas din kasi 'yung binagsakan ko kaya malamang kung nabagok ako, baka may concussion na'ko.

"Orange?"

Tumango na lang ako. 'Di na'ko makatanggi malamang dahil siya naman 'yung nagbayad ng room. Kahit yata buong taon akong kumayod ng commission hindi ko mababayaran 'tong room na kinuha niya. Tangina, VIP ba naman ang kinuha. E 'di malamang na-stress 'yung mga staff no'ng mabasa 'yung pangalan sa card ni Sergio.

'hahahahaha joke lang tawagan nak nu nakaruwar kayon ah'

'oki po miss u'

"Pwede ko bang tawagan sila Maya?"

Tumango si Sergio habang hawak-hawak 'yung bowl na may lamang orange at hinila 'yung overbed table na nasa gilid bago ipinatong 'yung bowl, "You want anything else?" Umiling ako. Gusto kong sampalin 'yung sarili ko kasi kada galaw niya para lang akong tangang pinapanood 'yung bawat kilos niya.

"Nakausap mo na si sir Madrigal?"

Tumango siya, "I'll go back so we can measure the inhibition zones and then I'll just document the process. Do you want to write the draft for the last part?" Mabilis akong tumango.

"Pwede ba ngayon na? Para naman may ginagawa ako habang nando'n ka sa school."

Ngumiti naman si Sergio at nilabas 'yung Macbook niya bago ipinatong sa table, "No password," he says.

"Pa'no pag nag-lurk ako ng files dito?"

Natawa naman siya, "Why? Do you want photos of me? I can send you if you ask."

Napairap ako, "Parang tanga," sambit ko at in-on na 'yung Macbook niya. "Pwede ko namang gamitin 'yung google account mo 'di ba?"

Tumango siya.

"Hindi ba uso privacy sa'yo?" natatawa kong tanong.

Nag-shrug lang siya.

"I have nothing to hide, Mads."

"Kahit na."

"I trust you," he says so quick nang hindi man lang tinatanggal 'yung tingin sa'kin kaya para akong tangang nakatingin din sa kaniya at napaawang ang labi.

"Sure ka? Pa'no kung i-hack ko 'to?"

Natawa siya, "I told you I'll just save money and buy a new one."

Napairap ako, "Grabe 'yung trust mo sa'kin parang pag sinira ko isusumpa mo na'ko buong buhay ko."

Ngumiti lang siya bago lumapit. Halos mahigit ko 'yung hininga ko no'ng halos magkalapit na 'yung mga mukha namin sa sobrang lapit niya kaya napasandal ako sa may headboard ng kama.

Ang 'di ko gets ay bakit automatic na pumikit 'yung mga mata ko.

Tangina, ano 'yan Lula. Hayok na hayok sa halik?!

the stars above us (medtech series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon