9

62 6 0
                                    

Pota.

Imbes na maging ayos ako lalo, mas lalo lang akong nag-overthink. Hindi pa nakatulong 'yung mga memes sa Facebook na kada scroll ko puro ano ba tayo?

Kasi ano ba kami?

Friends?

May friends bang nag-kiss na? Tapos hindi lang simpleng kiss...

Tangina.

Mas magulo pa 'to kaysa sa DNA Replication.

"So... anong status niyo?"

"Wala," mabilis kong sagot. Ayaw kong i-overthink 'yung sinabi ni Sergio... at ayaw ko rin bigyan ng meaning. Malay ko ba kung sinabi niya lang 'yun dahil baka natatakot siyang bigla akong mag-back out sa SIP. No'ng nalaman kasi no'ng prof namin sa Biochem 'yung topic sinabi niya sa'ming dalawa in secret na automatic uno na raw ang grade namin, tapos si dean parang naghi-hint pa na kakausapin niya rin 'yung iba naming profs kung manalo kami sa SciFest.

Basically sobrang lakas ng hila ng SIP na'to sa grades namin kung magiging successful—na sana talaga maging successful kasi kung hindi iiyak talaga ako.

Two weeks na lang.

Okay naman na 'yung tatlong chapters. Hindi naman kailangang mahaba since hindi naman 'to thesis kaya natapos din namin kaagad. Tapos si Sergio may skills pala sa Photoshop kaya na-lay-out na rin niya 'yung magiging tarp namin. Sana lang talaga gumana. In-approve na rin ni sir 'yung freeze dried na sorrel at ini-store na lang sa -20°C dito sa laboratory hangga't 'di pa namin ginagamit.

Wala kaming klase ngayon dahil Sabado pero kailangan kong pumunta ng school para ma-start na namin 'yung lab since kailangan pang i-incubate 'yung plates after ng streaking. Si Maya naman wala ring magawa dahil tapos na rin naman namin 'yung ibang homeworks kaya sumama na lang din para naman daw hindi ako ma-awkward na kaming dalawa lang ni Sergio ang nando'n sa laboratory. May kasama naman kaming prof... Pero pakiramdam ko hindi ako mapapalagay.

Kung anu-anong tumatakbo sa isip ko.

Hindi ko alam kung normal pa ba 'to o ano.

Nakakainis.

"Sure ka wala lang 'yan or ayaw mo lang mag-assume?"

Natawa ako, "Mas mahirap kung mag-a-assume ako tapos gimik lang pala 'to sa kaniya," sagot ko. "I mean, hindi naman talaga natin ma-de-deny 'yung hitsura ni Sergio... Malamang maraming may gusto sa kaniya."

"And yet he still chose to bring you to Rizal."

"Malay mo hindi totoong ako 'yung una niyang dinala ro'n," sagot ko. "Ah basta... Ayaw ko nang isipin, Maya."

"Kasi ayaw mong masaktan?"

I sighed.

"Ba't ako masasaktan? Hindi ko naman mahal."

"Hindi mo pa mahal," sambit niya. "If this isn't you raising your defenses up, hindi ka mag-da-doubt kung ano'ng meron kayo... Or even ask yourself if may something nga ba. We already went clubbing, Lula, and I know we've hooked up with people during our first year, but I've never seen you like this..."

I kept mum.

"Kasi, you've always been what? You've always been the kind of feisty woman who knows what she deals with. You hook up with someone? You forget about him. You never clung to people you've made out with... But with Sergio? You act different," Maya says na parang hinihila lang niya lahat ng mga salita sa utak ko na ayaw kong marinig...

Para akong sinasampal.

Pero kailangan ko ring marinig 'to.

Kasi tama naman si Maya.

the stars above us (medtech series #2)Where stories live. Discover now