5

87 3 1
                                    

"Hoo, pakshet," sambit ko habang nagiinat pagkalabas namin ng classroom. Sobrang lamig sa loob, pero pakiramdam ko sobrang init dahil may diyablo sa loob. Bwisit na 'yan.

Sinusumpa ko talaga 'yung roleta prof na 'yun. Pasalamat siya medyo alam ko 'yung quiz kaya okay lang din sa'kin, pero ang dami ro'n na hindi naman niya naituro—kasi hindi naman siya nagtuturo, tanginang 'yan. Nadala lang ng advance readings ko, kaso marami naman kasi akong oras dahil hawak ko rin 'yung oras ko sa online job ko. Naaawa tuloy ako do'n sa iba naming mga kaklase na alam naming hindi nakakapag-advance reading madalas dahil lugmok na lugmok na nga sa minor assignments, dadagdagan pa ng sama ng loob nitong roleta prof na'to.

Minsan may mga tao talagang nakakalimutan magpakatao. Sobrang oldie na no'ng idea ng surprise quizzes, at sobrang shit talaga no'ng idea—lalo na kung hindi ka naman nagtuturo. I respect my teachers naman—that is, if they're doing their job right. May karapatan din naman siguro akong mag-rant kung hindi nagtuturo 'yung prof kung nagbabayad ako ng 50k kada sem. Tangina ano 'yon? Nagpupuyat ako magtrabaho online tapos babayaran ko sila nang patas tapos sila hayahay lang at kami pa hahabol sa kanila pag 'di patas 'yung grades? Gaguhan lang.

"May date kayo ni Sergio?" Napakunot ako ng noo pagkarinig ko no'n habang nag-aayos kami ng gamit. Nakakaurat kasi sa loob kaya nag-aya na'ko agad lumabas at sa may bench na lang dito sa labas ng classroom mag-ayos. Baka mag-melt na lahat ng respeto ko sa prof namin kung tatagal pa kami do'n.

"Date amputa. Baka sponsoran mo pa'ko ng pang-Sogo niyan?" natatawa kong sagot kay Maya dahilan para matawa rin sa Ali. Akala mo naman papatulan ako ni Sergio. 'Di ko naman ka-level 'yung taong 'yun. Baka makakuha lang ako ng sakit sa ulo.

Oo, type ko siya.

Pero hanggang do'n lang 'yon. Ayaw ko na ng anything more.

"Ay naku, bakla ako pa hinamon mo! Kahit Okada pa 'yan. 1 night, g!"

"Bwisit ka talaga," sagot ko at isinukbit na 'yung backpack ko. "Para matahimik na kaluluwa mo, type ko si Sergio."

"Halata naman," sambit ni Ali habang yakap-yakap 'yung makapal na libro namin sa Biochem para raw magimbal 'yung mga high school students na pangarap mag-MedTech. "Pero ayaw mo ng sakit sa ulo?"

Tumango ako at hinawakan sa balikat si Maya, "Kaya Jeremiah Kael Aguirre, tigilan na natin si Sergio kasi it's never going to happen," sagot ko.

"Kahit—"

"Gaga. Kahit one-night-stand pa 'yan, hindi ko gagawin," natatawa kong sambit. "Ang tanging magiging connection lang namin ay itong SIP tapos after no'n wala na."

"Ayaw mong i-try, girl?"

Natawa ako, "Hype kayo talaga, kahapon palang pati kami magkakilala ganito na topic natin?! Tsaka wala namang sinasabi 'yong tao na gusto niya ako. Basta sa'kin, ayaw ko."

"Eh pa'no if hypothetically bet ka rin pala niya? Like within the SIP phase biglang umamin?"

Nag-kibit-balikat ako, "E 'di i-reject."

"Gano'n lang?"

Tumango ako, "Distraction lang 'yan. Buong buhay ko naging unfair ako kay tita, ayaw kong i-dump 'yung guilt na 'yan sa ibang tao kung pagbibigyan ko siya," sambit ko at ngumiti. "O, oh. Mga mukha niya malungkot na naman. Tara na nga!"

Maya sighed, "So off-limits na tayo sa Sergio jokes?"

I chuckled, "Off-limits na, beh. If okay lang sa inyo," sambit ko habang napapatingin sa mga high school students na nakakasalubong naman at nakatingin sa libro ni Ali, pero at the same time hindi ko maiwasang marinig 'yung usapan nila.

the stars above us (medtech series #2)Where stories live. Discover now