4

1.1K 12 0
                                    

Jhoana Pov

Takbo ako ng takbo para makalayo sa taong yon. Hiyang hiya ako sa sarili ko. Ma late na ako sa mansion sigurado nag alala na si mama sa kahihintay sa akin. Ang damit ko puro putik na sa kakadapa ko. Bahala na extra income pa naman to para sa family namin. Pagdating ko sa mansion pumunta agad ako sa likod na entrance lahat ng katulong bawal sa harap dumaan dapat sa likod.

Jhoana bakit ngayon kalang? Anong nangyari sayo? Gulat na gulat si mama sa itsura ko.

Ma huwag kang mag alala nadapa lang ako sa kakatakbo papunta dito ma late na kasi ako... sagot ko naman

Okay kalang ba anak? Magbihis kana ng uniform mo kanina pa binibilang ng mayordoma kung kompleto na lahat ang katulong kasi malapit na daw si Boss BDL...sabi ni mama

Opo ma sandali lang po. Magbihis lang ako..sagot ko naman.

Nasaan na ang anak mo Lovel? Nako kanina pa ang hanap ko. Kung d kayo sigurado sa pinasok nyo sana nabigay pa to sa iba. Nagalit na si madam Deth kailangan  nakahilera lahat ng katulong sa entrance para e welcome si Boss BDL...sabi ng mayordoma

Opo nagbihis lang po siya... Sabat ni mama agad naman akong lumabas at inayos sarili ko.

Ma anu ba yon? tanong ko kay mama..

Huwag mo na pansinin yon sige na punta na tayo sa harap. Sabi ni mama sumunod naman akong lumakad sa kanya.

Habang naglalakad kmi palabas may bigla nalang bumungo sa akin or ako kaya naka bangga kasi nakayuko ako di ko alam.

Shit! Are you blind? Sigaw sa akin ng babae.

Sorry miss di ko po sinasadya mabangga ka..sorry po..Sabi ko habang nakayuko.

Sabihin mo tanga ka talaga. Tingnan mo nakunot tuloy ang designer dress ko panu nako haharap kay Isabelle..mangiyak ngiyak nyang sabi.

Sorry miss plantsahin ko nalang po..habang nakayuko ako.. Dios ko nakunot lang eh malaki na problema nya pwede naman plantsahin. Saka parang di naman maganda ang damit. OA lang talaga to...sa isip2x ko lang

Anu sabi mo plantsahin mo? Alam mo ba magkano to? Nanlaki ang maliit na mata ng babae habang dinuduro ako..kahit buhay ng buong pamilya mo kulang pa pambayad sa damit ko...

Parang iiyak na talaga ako sa hiya kasi nagtinginan na ibang bisita sa amin.. tumingin ako kay mama..senenyasan ya ako na huwag na sumagot...di naman ako kumibo habang dinuduro ako ng babae.

What happen here?.. boses yon ni Madame Deth..natakot naman ako

Hi Aunty Deth wala kinakausap ko lang ang katulong nyo para kasing magka edad lang kmi ...Sabi ng babae habang nakangiti kay madam

Nagulat naman ako bakit umiba ang ihip ng hangin bakit biglang bumait..

Hija leave our maids there marami pa silang gagawin..mag enjoy ka nalang maya2x andyan na si Isabelle sigurado miss kana non. Matagal na din di kayo nagkita.. Sabi ni madame sa babae..

Umalis nalang ako kasi sila na ni madam nag uusap.. paghakbang ko may paang pumatid sa akin at natumba ako bagsak talaga mukha ko sa sahig...

Aray ko...Sabi ko habang nagpupumilit na tumayo.

Inirapan ako ng babae pati si madam narinig ko pa sabi Ng babae "very clumsy taga bukid talaga" Umalis naman sila ni madame sa harap ko..

Nakita ko si mama papunta sa akin..anak Jho okay kalang ba bakit kasi d ka nag iingat?.. Sabi ni mama

Ma okay lang po ako masakit lang pisngi ko yun po tumama sa sahig eh..Sabi ko pero sa totoo lang masakit na talaga buong katawan ko galing kakatakbo tapos pagdating dito nadapa pa ako dahil sa malditang babaeng yon.

Pag ako yumaman di ako mag uugali ng ganyan. Nakaka frustrate naman pala ang mga mayayaman.

Pinilit kong pumunta sa pwesto ko sa dulo para e welcome na Ang Boss BDL na sinasabi nila.. pero nararamdaman ko na mainit Ang mukha ko parang may pasa masakit...

Nandito na sila! sabi ng mayordoma

Pagtingin ko sa entrance may nakita akong matangkad na babae at may mga kasama sya.. ang gara naman nila ang yaman nila kumilos saka siguro ang mamahal Ng suot nila.. syempre galing sila estates.. sa isip2x ko lang habang pinapakiramdaman ko ang mukha ko masakit talaga..

Welcome Boss BDL!!!

Hindi na ako nakasabi ng ganun kasi parang di ko na kaya ang sakit parang umaakyat sa ulo ko....

Umangat ang tingin ko sa kanila nong lumapit si madame

Honey welcome home!!!

Yun nalang last naalala ko dahil biglang dumilim ang paningin ko.

COLLIDE Where stories live. Discover now