8

1K 13 0
                                    

Jhoana Pov

Pagdating namin ni mama saktong mag 4pm na.. kaya dali dali naman si mama umalis para sunduin si Jaja.  Nagpahinga muna ako maya-maya dadating na din si papa galing tubuhan.

Jho! Insan..tao po andyan ka ba Jho?.. rinig kong tawag sa labas...si Jema pala ang pinsan namin sa kapatid ni mama.

Jema dito Aao sa papag sa loob pumasok kalang.. sagot ko.

Jho kamusta ang mansyon? Anung nangyari sa mukha mo? Gulat na tanong nya. Sabi kasi ni Jaja mag sideline daw kayo ni tita don?.. Anu nakita mo ba ang anak ni madam saka mga kaibigan nya?  Gwapo ba? kwento ka naman.. Nako sayang hindi ako naka sideline don..tumulong kasi ako sa palayan.. kwento na insan..pagpupumilit ni Jema.

Huwag at insan Anu ba una kung e kwento sayo Ang pasa ko or Ang nangyari sa mansyon? Maldita kung tanong..

Ito mama kwento mo na lahat.. cge na excited na ako.. Sabi ni Jema

Nako jema kung alam mo lang di kami nakatrabaho don hinimatay ako nakakahiya nga eh..anak pa ni madam daw nagbuhat sa akin..nahihiya kung sabi.

Ha?? Bakit Naman? Anong nangyari sayo?.. Grabe ka para ka palang princess na binuhat ng prince don..sana all naman... Pangungutya ni Jema

Kinuwento ko lahat ng nangyari kay jema..pa tango tango naman sya.. minsan kinikilig minsan nakasalubong ang kilay..

Buti naman at d ka manlang napano..

Pasa lang sa pisngi..buti kamo mabait Ang anak ni madam tinulungan pa kmi ni mama.

Swerte mo naman insan nakita mo sya Sabi nila magandang gwapo daw yun saka maputi at matangkad.. oo nga pala Nakita mo ba mga friends nya?

Hindi eh... Mabilis lang ako sa mansyon..

Sayang naman.. oo nga pala kamusta panliligaw sayo ni Nico? May pag asa ba? Tanong nya habang nakangiti.

Ewan ko ba insan parang masyadong seryoso si Nico takot ako baka bigla nalang akong pakasalan.. assuming lang ako sa isip ko

Ayaw mo nun? Mabait naman si Nico.. saka may trabaho naman siya...sagot ni Jema.

Di ko alam insan pero baka hindi pa talaga ako handa gusto ko pa makatapos ng pag aaral si Jaja.. kawawa naman kung maging katulad sya sa akin na di na kapag college..

Nako insan highschool palang si Jaja tapos ikaw 29 na panu yun.. tatandang dalaga kana non.?? Nakakonot noo na sabi ni Jema.

Hahaha anu kaba bakit namomoblema ka? e buhay ko naman to.. kung tatandang dalaga mabuti kung makapag asawa edi mas mabuti din...Sabi ko sabay irap ko sa kanya.

Simplehan nalang natin insan bahala na ang Diyos sa atin.. lumaki tayo sa ganito eh d naman ata ginusto ng mga magulang natin to. Pag yumaman ako insan sa Manila ako titira sa malaking building anu tawag don condo ba? Tapos sana makapag asawa ako ng mabuting tao yung mayaman na mahal pa ako.... Tapos mag aanak kmi ng dalawa... Sabi ni Jema habang nakatingala sa bubong namin na puro tagpi2x

Okay yan insan di naman masamang mangarap..Sabi ko habang nagpapakulo Ng tubig pang kape ni papa pag dating.

Habang busy kami sa kwentuhan ni Jema di namin namalayan na bumukas ang pinto..pag tingin ko si Papa pala kasama nya sina Jaja at mama.

Papa kape na po kayo... Ikaw ma pag timpla din ba kita?  Hi ja! kamusta school?.. tanong ko sa kanila habang nagtitimpla ng kape.

Wala ni isang sagot akong natangap nakatingin lang sila sa akin..

Bakit po? Maliit na pasa lang po yan sa pisngi ko pa.. di naman masakit..

Jho anak..Sabi ni papa

Napatingin ako sa kanya

Anak may bisita ka sa labas hinahanap ka kanina pa daw dyan sa labas.. Sabi ni papa.

Kumunot naman ang noo ko kasi wala naman pumupunta dito kundi si Nico lang .. baka niloloko naman ako ni papa kasi minsan nya na ako sinabihan na may bisita pero si Nico lang pala para daw surprise.. ngumiti naman ako kay papa sabay sabing sige pa labasin ko lang si Nico.. at dali daling lumabas.. may mga dumi pa ako ng uling sa kamay...

Jho anak..Sabi ni papa

Jhoana..tawag naman ni mama

Ate magpaganda ka naman ..

Lahat ng sinasabi nila d ko na narinig masyado..

Bilisan mo na insan baka mag propose na si Nico.. Sabi ni Jema sabay tili..

Kinuha ko pa ang itak ni papa kasi plano kung takutin si Nico..

Hindi kana talaga natuto pati ama ko sinali mo pa sa pa surprised mo...

Diritso ako palabas hawak ang itak.. sabay sigaw "Anu na namang drama to .Ni....." Napanga-nga nalang ako sa nakita ko...at agad ko naman nabitawan ang itak

Hi Jhoana! bati nya habang naka smirk at naka taas ang isang kilay.


COLLIDE Where stories live. Discover now