40

1.2K 23 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. Nakapag pa check up na si Jho sa doctor   sinabihan naman siya na 7 weeks na ang pinagbubuntis niya pero hindi pa naman ito halata. Binilin ng doctor kailangan ingatan dahil first time niya ito at binigyan naman siya ng mga reseta para sa vitamins. Masaya naman si Jho dahil malusog naman daw ang baby niya. Pero di na sila naka bili ng gamit ni Jaja dahil sakto lang pera nila pambayad sa doctor. Naisipan naman ni Jho na magtrabaho para makaipon.

Ngayong araw naman ang schedule ng pag uwi ni Bea. Di naman ito mapakali kasi simula ng mag message si Jho na gustong makipag break sa kanya di na ito nag message ulit. Lalong nainis pa si Bea dahil sobrang demanding ng parents niya ngayon isama pa si Kiana na palaging nasa apartment niya iwan niya pano ito naka pasok di niya naman ito binigyan ng duplicate na susi. Minsan pa pagising niya nasa tabi na niya si Kiana nakayakap at pinagtataka pa niya fiancee ang tawag nito sa kanya. Magkasama sila ngayon ni Kiana bumaba sa eroplano nasa Pinas na sila agad naman silang sinalubong ng kuya Loel niya..tumingin si Bea kay Loel na parang nagtatanong. Kinindatan naman siya ni Loel na ibig sabihin mag usap nalang sila later. Si Kiana naman hindi maalis ang mga ngiti.

Welcome again Kiana, Baby sis. Sabay yakap sa isa't isa ni Loel.

Hi kuya Loel I miss you sa mansion ba tayo didiritso I know mom and dad waiting for us there. ( Sabi ni Kiana na parang nagpapacute)

Naiinis naman si Bea sa mga sinasabi ni Kiana..sa pag yakap niya sa kuya niya nagbulong siya dito.

Let's talk later kuya but bakit sa mansion siya didiritso wala ba siyang sundo?? gulat na bulong ni Bea

Her dad and mom are there naghihintay sa inyong dalawa baby sis.

Kumalas naman si Bea sa pagyakap kay Loel at napatango ito....ramdam ni Bea na parang may ibang mangyayari pero alam niya ano man disisyon niya rerespetuhin ito ng magulang niya.  Sabay silang umalis mula airport si Bea nasa front seat  at si Kiana naman nasa likod nagalit pa ito kasi gusto niyang katabi so Bea....nag explain naman si Bea na ayaw niya maging driver nila ang kuya niya agad naman tumahimik si Kiana habang naka simangot.

Habang naglalakbay sila tumitingin si Bea sa cellphone niya tinitingnan nito  ang mga selfie nila ni Jho..napangiti naman siya ng makita ito saka bumulong sa sarili...pauwi na ako love pauwi na ako miss na miss na kita.

Ng papasok na sila sa Hacienda tinitingnan naman ni Bea ang mga nagtatrabaho sa tubuhan saka sa kapehan. Nakita niya agad ang tatay ni Jho binuksan niya ang bintana ng sasakyan saka kumaway dito habang nakangiti. Nagulat si Bea kasi tiningnan lang siya nito at di manlang ngumiti.

Maraming tanong si Bea sa sarili pero dahil nandyan si Kiana tinikom niya nalang ang bibig saka tumingin sa kuya niya kumibit balikat naman ang kuya niya.

Pag dating sa mansiyon nagulat si Bea sa dami ng sasakyan sa parking nila. Agad niyang nakita ang mommy niya na malapad ang ngiti pero pag tingin niya sa dad niya alam niyang may problema ito di ito ngumingiti saka nakakunot lang ang noo nito.

Si Kiana naman dumiritso sa mom at dad niya ang saya2x nilang tingnan inalis nalang ni Bea ang tingin ng lumapit sa kanya ang dad niya.

Dumiritso ka muna sa room mo at magpahinga anak patawag nalang kita kung kakain na ng tanghalian. Alam kung marami kang tanong Isabelle mamaya na tayo mag usap magpahinga ka muna. Tumango naman si Bea at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig patingin2x siya sa paligid at nahawi naman ng paningin niya ang babaeng gustong gusto niya makita naka maid uniform ito.

Love?? Jhoana??

Dali daling lumapit si Bea kay Jho, si Jho naman nagulat sa nakita niya alam niyang ngayon uuwi si Bea at nag promise siya sa sarili niya na hindi niya ito papansinin para walang problema sa mga magulang ni Bea nag promise din siya na hahayaan niya itong sumaya napilitan lang naman siya magtrabaho sa mansion para sa baby niya at dahil hindi niya kaya ang trabaho sa tubuhan lalong lalo na ngayon buntis siya.  Akmang tatalikod si Jho ng hawakan ni Bea ang kamay niya saka niyakap ng mahigpit.

Love bakit di mo ako pinapansin? Miss na miss na kita..Sabi ni Bea habang hinahalikan ang noo at ulo ni Jho.

Bea ..Beatriz...!!! Bitawan mo ako..maawa ka bitawan mo ako....( Pagpupumiglas ni Jho)

No! No!...Anong nangyari love????

Isabelle!!! What are you doing?? Sigaw ni Deth habang masamang nakatingin kay Jho kasama pa niya buong family at saka ang family ni Kiana.

Nagulat naman si Jho at agad kumalas kay Bea na nakayakap sa kanya agad siyang yumuko at humingi ng sorry.

Ang landi mo din no?? Kakarating lang ng anak ko tapos lalandiin mo na at dito pa sa pamamahay ko? Hindi ka talaga nadala pinagbigyan kita sa unang beses di ko akalain uulitin mo pa. Stupida!!!

Mom!!! sigaw ni Loel.. what are you saying? Baka na miss lang ni Bea si Jho magkaibigan naman sila.

Mommy??? Ano ba sinasabi mo tungkol kay Jho huwag mo naman e judge ang tao. Sabi ni Bea habang hinahawakan ang kamay ni Jho pero pilit naman kinukuha ng isa ang kamay niya.

I don't care kung kaibigan siya walang kaibigan ang anak ko na ahas at mahirap at ikaw Isabelle marunong kanang sumagot ngayon sa mommy mo??? Yan ba tinuro sayo ng babaeng hampaslupa?

Tiningnan ni Bea ang mga taong nakapaligid sa kanila si Kiana na naka smirk, ang mommy niya na galit na galit and dad at mom ni Kiana na parang disappointed, si kuya Loel niya na parang gulong gulo at si Dad niya na nakayuko lang. Saka si Jhoana na nakayuko din dahil tumutulo na ang mga luha.

Mom, Dad, sa lahat ng nakikinig ngayon hindi basta bastang babae lang si Jhoana may pangalan siya at mommy Ang sinasabi mong hampas lupa at ang taong minamahal ko ay iisa.

Oo girlfriend ko si Jhoana.









COLLIDE Where stories live. Discover now