75

1.5K 30 2
                                    

Unang pumasok sa loob ang dad at mom ni Bea pagpasok nila agad na umiyak si Deth at yumakap kay Elmer..

I can't believe this Elmer why ang anak pa natin ang nag suffer?

Hindi naman nagsalita si Elmer habang hinihimas ang likod ni Deth.

Di natin alam ang takbo ng buhay honey magpasalamat nalang tayo at ligtas ang anak natin. Hindi na rin sinisi ni Elmer si Deth dahil baka umiba pa ang ihip ng hangin.

Lumapit naman si Deth sa kama ni Bea at hinawakan ang kamay nito.

Isabelle be okay at babalik kana sa mansion di ko matangap kung mangyari pa ulit sayo to. I'm sorry baby, kung hindi lang sana matigas ang ulo mo.

Deth tama na..saka mo nalang yan sabihin pag gising na si Isabel. Sabi ni Elmer at inalalayan lumabas si Deth para makapasok ang parents ni Jho.

Habang nasa loob naman ang family ni Jho naiwan sa labas si Ben at Jho.

Si Ben dumidede sa bottle na dala nila Jaja habang hawak2x naman ito ni Jho at hinahaplos ang ulo na nagsisimula ng pumikit ang dalawang mata.

Lumapit sa kanila ang parents ni Bea unang nagsalita si Elmer.

Jho, Mauna na kami ako na bahala sa bills ni Isabel saka pasyal din kayo minsan ng apo ko sa mansion. Nakangiting sabi ni Elmer.

Nako sir huwag na po kayo mag aksaya ng pera nilakad na po ni papa ang bills ni Bea...saka sabihan ko nalang po si Bea pagising niya tungkol sa sinabi niyo. Sabi naman ni Jho.

Buti naman at naintindihan mo na di ka welcome sa bahay.....at Elmer hayaan mo silang magbayad sa bills ni Bea kasalanan naman ng babaeng yan bakit nangyari yun sa anak natin.

At para malaman mo paglabas ni Bea dito sa mansion siya didiritso baka ano pa ulit mangyari sa anak ko. Sabi ni Deth.

Si Jaja dahil nasa tabi ng ate niya sumagot na

Madam mawalang galang na po..Hindi po kasalanan ni ate ang nangyari..at wala pong balak si ate na pumunta sa bahay niyo may sarili po kaming bahay kahit maliit maaliwas naman at importante may respeto sa isat isa ang mga nakatira. Sobra na po kayo sa ate ko wala namang ginagawa si ate sa inyo.

Ja..tama na saway ni Jho

Eh kasi ate sobra na nakakainis na.

Deth! Umalis na tayo.. sabi ni Elmer...Jho pag pasensiyahan niyo na siya.

Di na nakapagpa alam si Elmer kay Ben dahil nagmamadali ito.

Maya2x lumabas sa room ni Bea ang mga magulang ni Jho.

Nak, pasok na kayo ni Ben tamang tama lang yan paglabas mo kakain tayo.

Ma, bilhan niyo nalang kami ni Ben dun nalang muna kami kay Bea.

Sige anak may sofa dun pwede mo ilagay si Ben...Sabi naman ng mama ni Jho.

Lumakad si Jho papuntang room ni Bea ang bigat ng hakbang niya parang may nakatali sa paa niya. Palapit na siya ng palapit ng nagising si Ben.

Daddy! sambit ni Ben.. Wala naman siyang narinig na response kay Jho pagbukas ng pinto pumasok ang dalawa

Si Bea nakahiga lang naka oxygen saka may bondage bandang balikat pati sa tyan.

Napakaaliwas ng mukha ni Bea parang mahimbing lang ang tulog.

Mommy? Why daddy still sleeping?

Daddy's sick anak so be careful okay.. huwag masyadong makulit daddy's resting pa.

Yes mommy I'm behave but I want to kiss daddy I miss her. Sabi ni Ben habang hawak ang bottle niya.

Agad namang pinalapit ni Jho ang bibig ni Ben sa pisngi ni Bea.

Pagkatapos humalik ni Ben humalik din si Jho..love, gising na nandito kami ng anak mo naghihintay sayo. Na miss ko na ang tawa mo love, kahit wala pang isang araw na nakahiga ka diyan. Hinahanap ka din ni Ben. Pero huwag kang mag alala I explain to Ben naman.

Mommy? MommyLa and DaddyLo are very kind to me. I love them both but I mostly love you and daddy.

That's great Ben be kind to them also anak. Mabait sila and they love your daddy much. Sabi ni Jho ayaw niyang maging masama sa mata ni Ben ang parents ni Bea.

Why only daddy? How about you?

Because it's daddy's parents anak..saka andyan naman Lolo J at Lola L they love me too.

I love you mommy! I will care and fight for you.When I become a bigman na I will always by your side and I will forever be your man mommy.

Ngumiti naman si Jho...I love you anak when your bigman na I hope katulad ka ng dad mo. Very responsible and loving.

Yes! I want to be a doctor too mommy I want to help to community just what daddy's do.

You'll be a doctor anak basta magsumikap ka and believe in yourself.

Naputol ang usapan nilang mag Ina ng marinig naman ni Jho na may kumatok. Di pa nakatayo si Jho agad bumukas na ang pinto at pumasok ang dalawang nurse may dala dalang basin Ng tingnan ito ni Jho naalala niya ang nurse na laging nakabuntot kay Bea.

Miss, pwede po ba sa labas muna kayo time na po para linisan ang pasyente.

Nagulat naman si Jho ng marinig ang sinabi ng nurse kung linisin nila si Bea buong katawan yun di nga alam ni Jho kung may boxer ba si Bea. Hindi pwede! kung may maglinis man kay Bea siya lang yun.

No! Biglang sagot ni Jho

Huh? Gulat na sagot ni Ej miss na intindihan mo naman siguro na kailangan linisin ang pasyente pwede sa labas ka muna.

No! I said no! Di mo ba naintindihan? Ayaw kung linisin niyo ang pasyente. Biglang tumaas ang boses ni Jho.

Nako miss trabaho namin to ba't parang may alam ka pa nurse ka ba? Sino ka ba? Taray na tanong ni Ej.

Bakit mo kailangan malaman kung sino ako? Kasama ba yan sa trabaho mo? Nasaan ang doctor huwag na huwag niyong galawin si Beatriz. Sabi ni Jho habang kinakapa ang cellphone sa bag para tawagan si Allysa.

Mommy....are you angry? sambit naman ni Ben dahil narinig niyang tumaas boses ni Jho.

No baby sit here okay mommy will call doctor Ninang. Sabi ni Jho habang nag dial ng number ni Ally.

Ang dalawang nurse di naman gumalaw si Ej nakataas naman ang kilay na nakatingin kay Jho na tumatawag kay Ally.

Maya2x may kumatok at pumasok si Ally.

Girls, iwan niyo nalang ang basin diyan.

Pero doc trabaho namin to, at ito na rin tulong namin kay Doc Del Leon.

Napailing naman si Ally..

Sa iba nalang kayo, next time di niyo pwedeng linisin si Doc Del Leon.

Bakit doc edi babaho siya nun?

Hayaan niyo nalang.

Doc, ano ba yan dahil ba sa babaeng yan? Sabay turo kay Jho..magagalit si Doc Del Leon niyan pag malaman di siya namin inaalagaan dito. Katwiran ni Ej.

Mas magagalit si Doc Del Leon kung iba ang maglilinis sa kanya. Ang babaeng yan na sinasabi niyo siya lang may karapatan na hawakan at linisin ang katawan ni Doc.

Huh? Bakit? Takang tanong ni Ej.

Siyempre siya ang asawa alangan naman pahawak niya sa iba ang katawan ng asawa niya.

Ooooh! Nanlaki nalang mata ng dalawang nurse na nakatingin kay Jho na nakasmirk at proud na proud.

Try niyong hawakan ang katawan ng asawa ko at madagdagan ang pasyente ni Doc Valdez.













COLLIDE Where stories live. Discover now