57

1.5K 20 5
                                    

One week after naka adjust na si Bea sa hormones ni Jho sa biglang iyak, cravings sa hating gabi, sa pakamot sa likod massage sa paa. Lahat naranasan yun ni Bea. May time nga di siya maka alis sa tabi ni Jho dahil gustong gusto ni Jho ang amoy ng kilikili niya.

Isang araw nag paalam si Bea pumunta ng Manila pupuntahan niya kasi ang isang hospital kung saan siya mag lingkod para sa residency niya. Okay naman kay Jho importante uuwi ng maaga si Bea at huwag na pumunta kung saan2x isa pa gusto ni Jho kumain ng dragon fruits na kulay yellow. Nag promise naman si Bea na bibilhan niya ito pag uwi.

Si Jho at si Manang Lita lang sa bahay..nakisuyo nalang si Bea dahil walang kasama mag ina niya.

Bored na bored naman si Jho sa panunuod ng tv kaya nag try nalang siyang mag bake ng cookies nagpaturo nalang siya sa katulong.

Ng maluto ang cookies ganun din pag ring ng doorbell..nagulat naman si Jho dahil lahat ng tao sa bahay di gumagamit ng doorbell di naman nagsabi si Bea na pupunta ang kuya niya. Baka delivery ni Bea mahilig pa naman yun mag order ng mga baby items online.

Manang pakitingnan naman po ng niluluto ko ako na lalabas...Sabi ni Jho habang pinupunasan ang dalawang kamay.

Sige Ma'am ako na po dyan..Sabi ng katulong

Kahit ilang ulit ni Jho sabihan na magkatulad lang sila ng estado sa buhay kaya huwag siyang tawaging ma'am. Di parin ito sinusunod ng matanda yan daw kasi ang bilin ni Sir Loel nila. Kaya hinayaan nalang ni Jho..alam niya naman kasi pano magtrabaho bilang kasambahay.

Paglabas ni Jho di na niya sinilip kung sino nag doorbell binuksan niya nalang ang gate..pagbukas niya nakita niyang may dalawang itim na sasakyan nakaparada sa harap ng bahay nila kaya kinabahan si Jho. May kutob siyang parents to ni Bea...bakit ngayon pa pumunta wala si Bea.

Agad namang bumaba si Deth at Kiana kasunod ang isang bodyguard. Nakayuko lang si Jho di alam ano gagawin niya. Ng nasa harap niya na ang dalawa lakas loob na bumati si Jho.

Magandang tanghali po Madam at Ms. Kiana napadalaw po kayo? Sabi ni Jho pero tiningnan lang siya ni Deth mula ulo hanggang paa.

Look at you now di kapa nakontento na pagbintangan ang anak ko na siya ang father ng bastardong mong anak nakuha mo pang perahan si Isabel. Kusa nga kayong umalis sinama niyo naman ang anak ko. So far malaki ang bahay na to magkano ba binibigay ni Isabel sayo at ako na ang magbigay iwanan mo lang siya.

Ma...madam..utal na sabi ni Jho..pero di na natuloy sinasabi niya..

Jho I'm asking you to leave Isabel bibigyan ko ng bahay at lupa ang  pamilya mo bibigyan pa kita ng pera para sa baby mo sagot ko na din pati pag aaral nito. Tanggapin mo lang ang offer ko na iwanan si Isabel..malapit na kaming ikasal Jho I hope you understand. Sabi ni Kiana

Sorry po pero di ko matangap ang offer niyo at wala po dito si Bea kung si Bea ang kailangan niyo bumalik nalang po kayo.

Ang tapang mo ha....Ikaw ang gusto naming kausapin kung hindi dahil sayo ang atensyon ni Isabel ay di aalis kay Kiana. Diin na sabi ni Deth

Uminit ang tenga ni Jho sa narinig.

Madam di ko kasalanan na mas ka akit akit naman ako kesa kay Ms. Kiana, at isa pa inosente baby namin kaya huwag niyo siya isali sa usapan. Ano man ang e offer niyo sa akin di ko tatangapin yan. Please lang umalis na kayo..inis na sabi ni Jho habang hinahaplos ang tyan niya.

Sa inis naman ni Kiana agad niyang nilapitan si Jho at hinawakan sa shoulders sabay tulak. Hindi naisipan ni Jho na ganon ang gagawin ni Kiana kaya di niya na protektahan ang tyan na bigla nalang tumama sa edge ng mesa ng mesa..bigla nalang siya nakaramdam ng sakit.

Ma'am Jho sigaw ni manang Lita nang marinig na may kumalabog sa parking lot paglabas niya nakita niyang nakaupo si Jho sa sahig habang hinahawakan ang tyan..agad niya namang nilapitan at pinatayo ito. Pero nagulat siya nung may dugo na tumulo sa paa nito.

Diyos ko po tulungan niyo kami ma'am..pero..di man lang ito tinulungan ng dalawa dahil rin sa takot agad na hinila ni Deth si Kiana para umalis.

Kiana umalis na tayo dito...Sabi ni Deth Ng makita Ang dugo sa paa ni Jho..dali daling namang umalis ang dalawa. Habang naiwan si Jho at Ang katulong.

Manang tulungan mo ako si baby dalhin mo ko sa hospital..Sabi ni Jho habang umiiyak ito

Opo2x tawagin ko lang si Osting...pinaupo niya muna si Jho sa upuan saka tinawag ang asawa niya sa likod bahay....tumawag sila ng tricycle dahil madalang ang taxi sa lugar at sinakay si Jho papuntang hospital ng Lipa.

Si Bea naman kakatapos lang bumili ng mga binilin ni Jho..tinatawagan niya ang cp nito pero walang sumasagot ilang ulit na niyang tinawagan ring lang ng ring..biglang kinutuban si Bea dahil si Jho ang tipo na isang ring lang kahit tulog ito sasagot ito sa phone.

Kaya tinawagan niya ang katulong. Ilang ring pa bago ito sinagot ng katulong.

Boss Bea!

Manang saan si Jho nasa bahay ka ba? Kanina pa ako tumatawag baka may padagdag siyang pabili nandito pa ako sa Arangke..manang paki..di na natuloy ni Bea ang sasabihin ng magsalita ang katulong.

Boss si ma'am Jho nasa nag bleeding po papunta na kami sa bayan.

What?? Anong nangyari?

COLLIDE Where stories live. Discover now