60

1.6K 26 0
                                    

Five months na nakalipas marami ng nabago malaki na ang pinagbubuntis ni Jho 8months na isang buwan nalang makikita na ang precious angel nila kaya doble ingat si Bea. Hanggang Ngayon di parin nila alam ang gender gusto kasi ni Jho surprise pero babae ang gusto niya si Bea naman feel niya daw lalaki dahil lakas sumipa sa tyan ni Jho pero kahit ano pa daw ang lalabas mamahalin parin nila ito.

Nung umagang umuwi siya galing mansiyon nag usap sila ng parents ni Jho tungkol sa nangyari. Napagpasyahan ng parents ni Jho na mangibang bansa Papa niya para mas malaki ang kita. Kaya isang buwan lang process nakaalis agad papuntang Singapore papa ni Jho Ang mama naman niya huminto sa pag tatrabaho para may kasama Si Jho sa bahay. Si Jaja naman malapit mag enroll ng college dahil malaki naman sahod ng Papa niya nag Ateneo si Jaja para din makapasok sa varsity ng volleyball.

Napag alaman naman ni Jho na totally disowned na si Bea kaya naawa siya dito pero kahit kailan di umiyak si Bea sa harap niya.Sabi lang ni Bea wala siyang pakialam ang importante kasama niya si Jho at ang magiging anak nila.

Naka graduate din si Bea kumuha ng board exam at pumasa ito pero di pa sapat kasi kailangan niyang mag residency dahil hindi siya makapasok sa malaking hospital nag decide siya sa public mag residency  sa Lipa para makapag patayo siya ng sarili niyang clinic. Wala namang problema kay Jho kasi malapit lang naman ang hospital kaya uwian lang si Bea may mga araw na di siya makakauwi dahil kailangan talaga siya pero naintindihan naman ni Jho basta kung saan masaya si Bea.

Si Jho naman nagaaral bilang medtech para daw may katulong si Bea in the future online class lang si Jho. Kung minsan di niya maintindihan Ang lesson nila especially mga Lyman's term si Bea tumutulong sa kanya para ipaintindi ito personal tutor niya si Bea.

Tahimik naman sa side ni Kiana simula ng napag alaman ni Bea na set up ang nangyari sa club. Sa tulong ni Ally nakuha nila ang complete videos at pinasa ito sa email ng dad ni Kiana. Kitang kita naman dun kung pano nilagyan ni Kiana ng drugs ang inumin ni Bea saka ang cctv sa bahay ni Kiana kitang kita walang malay si Bea at walang nangyari. Masaya naman si Jho dahil malakas naman kutob niya na di magagawa ni Bea yun sa kanya.

Tumawag din ang kuya ni Bea na huwag mag hesitate humingi nag tulong kung kailangan dahil may personal account naman ito na di ma trace ng mommy nila. Saka ang bahay pwede tumira si Bea kahit kailan uuwi kasi si Sam sa US kaya sasama si Loel dun at di nila alam kailan babalik kung babalik sila sa Manila din sila tumitira.

Ang mom at dad naman ni Bea wala siyang narinig tungkol sa dalawa at sa  ibang family nila wala din kahit kamusta pero okay lang naman kay Bea.

Nasa hospital ngayon si Bea at nagtatapos ng rounds niya sa pedia section..10pm na at di pa siya nakakauwi buti nalang may kasama si Jho sa bahay.

Doctor Del Leon uuwi ka na ba pagkatapos? tanong ni Ej na isang nurse. si Ej ang isang staff nurse na may magandang mukha sa hospital, sweet matangkad. Pero kahit kailan di tumingin si Bea sa ibang babae si Jho lang sapat na. Hindi din alam sa hospital na may girlfriend si Bea especially may paparating din na baby.

Yeah Ej bakit?

Pwede po ba akong makisabay sayo wala po kasi akong sundo ngayon.

Aahh....ganon ba..napaisip naman si Bea okay lang naman total dun din siya dadaan saka gabi na rin baka mapano pa si Ej kung mag tricycle siya dilikado.

Sure Ej..lalabas ako ng 10:30pm sabi ni Bea habang nakangiti saka umalis papuntang office niya.

Agad namang ngumiti si Ej thank you Doc.

Naghiyawan naman ang ibang nurse nako Ej ha Doctor Del Leon yan balitaan mo nalang kami kung makuha mo na ang crush mo. May pa sabay2x kapang nalalaman nandiyan naman si Bugoy lang nag susundo sayo bakit kinancel mo naman ba?

Tumahimik nga kayo nag aaura pa ako support nalang kayo guys.

Pagkatapos ng round ni Bea agad siyang nagligpit ng gamit at lumabas nasa lobby na din si Ej naghihintay. Sabay na sila pumunta ng parking di naman alam ni Bea na pinagtitinginan sila ng ibang staff sa hospital.

Sa pagka gentleman ni Bea binuksan niya ng pinto si Ej sumakay naman ito.

Habang nagbabyahe sila napagkwentuhan naman nila ang tungkol lang sa trabaho ayaw ni Bea mag open up sa personal niya hindi siya mahilig sa ganong kwentuhan. Di na nila napansin na nasa harap na pala sila ng bahay ni Ej kaya bumaba naman si Ej para magpasalamat. Di naman napansin ni Ej na naiwan ang scrunchie niya sa upuan habang inaayos niya ang buhok kanina.

Pagdating ni Bea sa bahay saktong 11pm pero nagulat siya dahil bukas pa ang ilaw sa kwarto nila pati sa baba. Pagpasok niya ng pinto nakita niya si Jho natutulog sa couch.. Umiling naman si Bea dahil tiyak sasakit naman ang likod nito..naghugas muna siya ng kamay saka binuhat si Jho bago niya iangat si Jho sa sofa nagising ito.

Hmmm love? Ngayon kalang ba? Kumain ka na? Sabi ni Jho habang nakayakap kay Bea.

Yes love, kumain na ako.. ba't dito ka natulog mamaya sasakit na naman ang likod mo? Kamusta ang baby ni Daddy naging pasaway ba kay mommy? Sabi ni Bea habang hinahaplos ang tyan ni Jho at hinahalikan ang ulo nito.

Ang kulit ng anak mo Beatriz ang likot2x baka maging football player ito paglaki...Sabi ni Jho habang humahaplos din ng tyan dahil magalaw ang baby niya.

Ganyan talaga pag healthy at happy ang baby natin love...pa kiss nga na miss kita.,..

Agad namang nag kiss ang dalawa...akyat na tayo love siguradong pagod kana sa kahihintay sa akin.. babawi nalang ako bukas mag date tayo bukas. I love you Jhoana ko...

We love you both daddy.



COLLIDE Where stories live. Discover now