15

1.1K 17 0
                                    

Habang busy sa harutan si Bea at Jho..iba naman ang nangyayari sa sasakyan.

Jema lumapit ka naman konti dito sa akin ang layo mo eh.. sabi ni Deanna.

Ayoko nga niloloko mo lang ako eh..

Anong niloloko? Di pa nga tayo ganyan na agad sinasabi mo..Kahit maging tayo di naman kita lolokohin

Kaya nga Deanna malabong maging tayo..

Bat mo alam.. pinapangunahan mo naman di pa nga ako nanligaw.... kunot noo na sabi ni Deanna

Sa totoo lang maganda ka Jema..nahihiyang sabi ni Deanna.

Alam ko yan lage sabi ng nanay ko ..taas kilay na sabi ni Jema.

Ganon ba?... Nakangiti naman na sabi ni Deanna...habang papalapit kay Jema.. akmang tatayo si Jema para lumayo.. bigla nag preno ang sinasakyan nila at natumba si Jema.. Buti nalang sa katawan ni Deanna siya natumba..

Sabihin mo lang kung ma fall ka handa kitang saluhin Jema... Naka ngising sabi ni Deanna.

Agad namang tumayo si Jema habang namumula.

Guys are you okay there?.. tanong ni Ate Ly..

Opo ate.. ba't tayo napahinto?

Meron kasing malalaking bato saka maputik ang daan nahirapan si Kuya Carlos.. e clear niya muna ang daan alis na din tayo pag katapos..

Tumango naman si Deanna.

Oh shit.. so gross..sigaw naman Kiana habang bumababa sa sasakyan.. sakto namang pagbaba niya putik ang natapakan niya..

What kind of place is this? I hate this day... Naiinis na sabi ni Kiana.

Nagtinginan naman sina Ponggay sa likod

Anong drama mo te?.. alam mong maputik sa labas bat ka lumabas??.. sabat naman ni Ella na kanina pa inis na inis kay Kiana.

Manong driver fix this before it's too late I think Isabelle already reach our destination tapos tayo dito parin.. uggh!!!..utos niya sa driver

Pasensya na po Ma'am mabato at maputik talaga ang daan nahirapan Ako mag mani obra...

Manong may alam akong isang daan papunta sa rancho dito po kayo dadaan sa kabila.. sabay turo ni Jema sa kabilang lane...

Salamat Jema ha.. Buti at napa sama ka di ko talaga saulado ang daan sa gubat..

Walang anu man kuya..

I tell Bea this happened..padabog na sabi ni Kiana

Te kahit sabihan mo pa kay Bea wala namang...oohyummmm... di na natuloy ni Ella ang sasabihin kasi tinakpan na ni Ate Ally ang bibig niya ...

Alis nalang tayo manong salamat Jema..Sabi ni Ate Aly

Sinamaan naman ng tingin ni Kiana si Ella

Kanina mo pa pala alam na may ibang daan bat di mo sinabi? Tanong ni Deanna

Ang kulit mo kasi..tamang trip na yan sa akin Deanna.. alam mo namang di ako papatol sayo.

Seryoso naman.. hayaan mo na ipakita ko sayo ang gusto kong iparating..Sabi ni Deanna

Dami mong alam.. manahimik kanalang malapit na  tayo sa rancho..

Maganda ba manirahan dito sa Hacienda? seryosong tanong ni Deanna.

Okay naman.. tahimik saka sariwa hangin at simple lang pamumuhay dito sa amin..

Tumango naman si Deanna..

Kung ikaw papiliin... Gusto mo bang dito makapag asawa?..

Anong tanong ba yan Deanna?... Bata pa ako para sa ganyang bagay.

Tinatanong lang naman kita ilang taon kana ba?

24 sagot ni Jema..

Ako 25 isang taon lang agwat ko sayo . Pero seryoso mas gusto mo ba dito pagmay pamilya kana?

Napaisip naman si Jema sa tanong ni Deanna..

Kung sakaling makapag asawa man ako gusto ko tumira sa Manila maranasan man lang ang buhay don.. gusto kong mag lakad2x sa lugar kung saan may maraming ilaw saka malalaking gusali..gusto ko maranasan yon.

Simple naman ng pangarap mo Jema.. Ang lapit lang naman ng Manila sa Batangas bakit di ka pumupunta don.

Minsan lang ako nakapunta don nong nagsimba kami sa Quiapo pero 10yrs old palang ako non. Sabi ni Inang magulo daw sa Manila kasi maraming tao..dahil na rin sa palagi kaming busy sa palayan Wala na kaming panahon pumunta ng Manila.

Oo nga sobra na palang tagal ka nakapunta don sa Ngayon marami na nagbago sa Manila. Napaisip naman si Deanna kung ganu kahirap ang naranasan ni Jema sa bukid dahil sa pagtatrabaho.. nakikita naman ni Deanna na medyo maitim si Jema saka si Jho di katulad ng mga kutis nila ngbfriends niya.

Hayaan mo Jema.. ipapasyal kita sa Manila balang araw. pangako yan

Napayuko naman si Jema parang nahihiya.. huwag na Deanna baka umasa ako sa sinabi mo...

Pangako yan.. maniwala ka.. Sabi ni Deanna na nag cross finger pa

Nag aaral kapa ba? Biglang tanong ni Deanna.

Hindi na, hanggang highschool lang ako di kaya ng magulang ko mag pa aral sa amin sa kolehiyo medyo malaki ang tuition eh.. parang lahat kmi ata sa hacienda Hanggang highschool lang natapos.

Ganon ba? Sabi naman ni Deanna..habang nag iisip

Hoy! Huwag ka maawa sa akin.. sanay na ako sa ganito..naka ngiting sabi ni Jema..

Wala nga may iniisip lang ako..
Napa isip si Deanna na maswerte parin siya sa mga magulang niya kasi nakapag aral silang lahat saka maganda ang buhay nila. Habang may iba pala na kontento lang sa mahirap na buhay.

Naputol naman ang usapan ng dalawa ng huminto ang sinasakyan nila.

Nandito na tayo sabi ni Mang Carlos..

Agad naman bumaba lahat..pero di kalayuan natanaw nila na tumatakbo si Jho papunta sa kanila habang umiiyak..oo umiiyak si Jho.. bakit?

Pakitulong kay Beatriz Manong Carlos maawa ka tulungan mo si Beatriz.. sigaw ni Jho...

Pag dinig ni Deanna agad naman siyang tumakbo kasunod ni Jho..

Pagdating sa loob ng rancho agad nilang nakitang may nag susuntokan.

Beatriz/Nico tama na.. sabay sigaw ni Kiana at Jho.








COLLIDE Where stories live. Discover now