6

1.1K 14 0
                                    

Jhoana Pov

Hindi ko alam Anong nangyari sa akin at bigla nalang ako hinimatay. Nakakahiya naman doon pa talaga sa mansion saka may welcome party pa.

Sabi Ng doctor na over fatigue ako kasi kanina ko pa naramdaman na masakit talaga ang katawan ko. Dinadala ko lang pala ang pagod. Kaya pagkatapos ako e check ng Doctor agad naman kami nagligpit ni mama saka umuwi. Habang nglalakad kmi palabas sa mansion naka yuko lng ako dahil sa hiya. Inalalayan naman ako ni mama. Ramdan ko talaga may tumitingin sa akin. Paglampas namin sa entrance saka nalang ako napabalik ng tingin. Nakita ko naman nakatingin parin sa akin ang anak ni madame. Anu ba pangalan nun Isabelle BDL Bea hai nko ang dami.. bakit parang nakakunot ang noo niya habang naka tingin sa akin. Kasalanan ko bang mahimatay ako sa welcome party pa niya.. eh pagod ako eh. Pero nagulat ako habang tumatakbo siya papunta sa amin ni mama.

Nako ma! tawag ko kay mama.. Ang anak ni madam ma papunta sa atin. Baka bawiin sahod natin at singilin tayo sa doctor. Ma bigay nalang natin ang sahod total di naman tayo nagtrabaho. sabi ko kay mama.

Jho anak ako nalang makiusap sa kanya huwag kalang sumabat ha..Sabi ni mama

Opo ma..

Aunty! Tawag nya kay mama habang hapong hapon sa kakatakbo.

Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan.. gwapo pala nya ang tangkad.. kinis ng kutis..maputi..maganda ngipin, chinito saka ang ganda ng ngiti parang Ang bait2x naman.. napa ka cute naman...kinilig ako...syempre secret lang.

Boss kayo pala.. opo uwi na po kmi wala na din kaming magawa eh kumuha sila agad kapalit... Boss balik nalang po namin ang sahod na binigay nyo saka po ang bayad sa check up pwede po hulugan nalang maglalaba pa naman po kmi sa inyo bukas. Sabi ni mama ng walang preno2x.

Oh Aunty no.. sa inyo yan.. Ako nga sana hihingi ng sorry kasi naabala pa kayo sa pa welcome party ni mommy.

Habang nagsasalita cya parang may naalala akong tono ng pananalita nya..oo nga Nako kung d ako nagkakamali sya yung muntik na akong tapakan kanina.. Lord bakit nakakahiya nakilala nya siguro Ako.. lalo naman akong napasiksik sa likod ni mama

Aunty okay na ba yang anak nyo?
Bakit parang ang rumi ng damit nya natumba ba sya ulit?? Sunod2x nyang tanong.

Nako boss okay na po siya napagod lng siguro sa katutulong sa amin ng papa nya.. salamat sa concern nyo po boss.. tungkol naman sa damit nya nadapa daw cya kanina papunta dito kasi tumatakbo sasali ata to sa marathon... Dagdag pa ni mama. Ako naman napapikit nalang kasi alam kong kilala nya na ako.

Nag smirk naman sya....kaya pala ang bilis tumakbo.. pwede ko po ba makilala ang anak mo Aunty mukhang mahiyain eh..Nako Lord ito na sinasabi ko.

Ako nga pala si Isabelle Beatriz Del Leon. Ikinagalak kitang makilala Bb. ........

Jhoana!!! Tapik ni mama sa akin nagulat naman ako kasi tinitingnan ko lang si Beatriz.. ganda pangalan..

Po.. Jhoana Louisse Maraguinot.. nice meeting you Boss.

Kinuha nya naman Ang kamay ko sabay halik dito.. Anu ba yan.. ba't ako kinikilig..Nako d pa ako nakaligo ang dumi ko pa tapos halikan niya pa ako sa kamay ramdam ko talaga ang paglapat ng labi nya sa kamay ko ang lambot.. eehhh...panu kaya kong sa lips ko yan.. Nako gising Jhoana gising di kayo bagay.

Tumingin naman sya sa akin.. Ang lagkit ng tingin sabay sabing Hi Jho. Naka smirk at naka taas ang isang kilay.

Parang babaero naman to.. sa hiya ko ngumiti nalang ako sabay sabing
Hi Po! boss Beatriz.

Tumawa naman siya ng napakalutong..
Nag smile din naman si mama

Alam mo Jho di ako kidnapper. Sabi nya.

Yun na...Nako bat mo sinabi dito nandito si mama pagalitan na naman ako.. sa isip isip ko lang

Napapikit lang ako saka nag smile.. alam ko po Boss..

Si mama naman nakikinig lang sa amin walang ka alam alam anu nangyari kanina.

Boss.. aalis na po kmi salamat po ulit. Sabi ni mama.

Walang anu man Aunty ingat po kayo sa daan.. bye Jhowjhow..

Haist kung pd lang mag tago sa ilalim ng lupa kanina pa ako sumoot doon.

Bakit kasi ang gwapo nya.. pangiti ngiti ako habang nakapikit.

Eneng tapos na ba ang panaginip mo uwi na tayo. Sabi ni mama habang naka smile din.

Tandaan mo eneng langit sya lupa tayo. Ibig sabihin hanggang pangarap kalang .

Opo ma nko pangit naman nun parang kapre pa. Sabi ko saka naunang maglakad.

Baka kainin mo sinabi mo eneng.. laking US yan kaya maraming alam. Tandaan mo yan

Si mama naman advance mag isip..opo ma tandaan ko po Yan kahit malabong mangyari.

Si mama na sundo kay Jaja sa labasan. Ako nalang maghanda ng hapunan namin.

COLLIDE Where stories live. Discover now