50

1.5K 29 1
                                    

Agad na pumunta si Bea sa bahay ng mga Maraguinot dala ang sasakyan niya isang Ford expedition kaya malaki ito. Pagdating niya tahimik na ang paligid saka patay na lahat ng ilaw nag dial muna si Bea ng number ni Jho baka magising ito ilang ring pa at agad may sumagot.

Beatriz?

Love, gising muna nasa labas ako kailangan ko makausap ang papa mo.

Beatriz tulog na si papa ano ka ba? Gabi na ano ginagawa mo dito..bulong ni Jho habang bumabangon.

Love gisingin mo sina tito at tita aalis tayo..

Baliw ka ba Beatriz?? Asan ka? Bubuksan ko ang pinto.

Nasa labas lang ako...di na natapos ni Bea ang sasabihin kasi agad na bumukas ang pinto. Pagka kita niya kay Jho agad niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi at noo.

Love papaalisin kayo dito ni dad at mom pumunta ako dito para itakas kayo.

Huh? Bakit?

Love gisingin mo na sila maya maya madaling araw na baka maabutan tayo ng mga inutusan ni dad.

Jhoana? Sino yang kausap mo gabing gabi na..tanong ng papa ni Jho.

Pa si Beatriz po may importanteng sasabihin..nag aalangang sabi ni Jho.

Bea? Gabi na ah bakit naparito ang batang yan? Sabi ni John saka bumaba sa tinutulugan. Nakita niya naman si Bea nakaupo sa papag.

Tito, pasensiya na po pero kailangan niyo na pong magligpit may mga taong inutusan si dad at mom para paalisin kayo dito sa bahay niyo pagdating ng madaling araw. Tito maghanda na po kayo aalis po tayo huwag na po kayong magtanong kung saan mamaya na natin pag usapan.

Hindi naman naka imik si John agad niyang ginising si Lovel at Jaja saka nagbalot ng mga importanteng gamit.
Kada puno ng bag agad namang kinakarga ni Bea sa sasakyan. Hangang natapos na ang pagligpit nila agad silang sumakay sa sasakyan nasa likod si Jho habang katabi naman ni Bea si John 2am na sila nakaalis.

Palabas na sila ng Hacienda ng magsalita si Bea.

Tito/ Tita pasensiya na ayaw kung maabutan kayo ng mga inutusan nila mommy baka ano pa ang mangyari. Oo nga pala sa Lipa tayo pupunta may bahay don ang kuya ko at di alam nila dad at mom yun.

Ate Bea? Bakit naman kami pinapaalis ni madame matagal na kami dito. tanong ni Jaja.

Ayaw kasi ni mommy na e stop ko ang engagement kaya ang kapalit kayo. Pasensiya na at nadamay kayo. Actually itinakwil niya din ako.

Bea dahil sa amin nadamay ka din sana magpakasal ka nalang. Mahirap ang buhay mahirap Bea...tingnan mo kami di namin alam saan kami pupunta saan kami kukuha ng pagkain pano ang pag aaral ni Jaja pano ang magiging apo namin?

Tito pasensiya na po pero di ko kayang mawala si Jhoana sa akin di ko po kayang magpakasal sa taong di ko mahal.

Huwag po kayong mag alala may ipon po ako at maghahanap din po ako ng trabaho huwag niyo lang din po ako itakwil ayaw ko mapalayo sa anak niyo.

Natahimik nalang ang lahat habang si Jho nakayuko lang dahil sunod2x ang pagpatak ng luha. Tinitingnan naman siya ni Bea sa salamin.

Love huwag kang umiyak please...Sabi ni Bea...

Tahan na anak pag isipan natin yan..Sabi ni Lovel

Pagdating sa Lipa medyo malayo pa sa bayan ang bahay nasa isang liblib na barangay ito. Maya2x dumating na sila

Wow! Ate bhie ang laki naman ng bahay na to at isang sakay lang sa papuntang school dito ba tayo titira? Excited na sabi ni Jaja

Ano ka ba Ja tumahimik ka nga pansamantala lang tayo dito..Sabi ni Lovel

Pero ma magandang bahay to saka first time kong tumira sa magarang bahay. Sabi naman ni Jaja.

Malaki ang bahay nila Loel at Sam bakasyunan lang nila ito kaya di alam ng mga magulang nila kasi nasa liblib ito. Meron itong dalawang kwarto sa taas at isang kwarto sa baba. Malawak din ang kitchen at sala nito. Meron din itong parking at may firewall pa. Sa harap naman may mga halaman itong namumulaklak at hindi masyado kita ang labas kasi mataas din ang gate.

Pagdating nila Bea agad may sumalubong na dalawang matanda.

Boss kanina pa namin kayo hinihintay tumawag po si Boss Loel sa akin ako nga pala si Osting. Nalinis na po namin ang bahay saka po si Lita ang magiging katulong niyo.

Beatriz di natin kailangan ng katulong sanay kami sa gawaing bahay.

Hinawakan naman ni Bea ang beywang ni Jho

Aahh...Mang Osting tatawagin ko nalang kayo ni Aling Lita kung kailangan namin ng tulong at salamat po sa paglinis ng bahay umuwi po muna kayo masyado pa pong maaga 4am palang po.

Sige boss basta dito lang ang bahay namin sa likod. Ito pala ang number namin tawagan niyo ako pag may kailangan kayo.

Agad namang pinicturan ni Bea mamaya na niya e save.

Pagpasok nila ng bahay napaka aliwalas nito.. kaya parang na relax din sila.

Si Jaja na ang unang pumili ng kwarto sa taas. Sila Lovel naman nasa baba.

Nag alangan naman si Bea magpa alam kung pwede sila mag isang room ni Jho.

Jhoana dun na kayo magsama ni Jaja..Sabi ni Lovel

Ma maliit ang bed dun kasya lang sa isa.. nahiya naman si Lovel magsabi na palit sila ni Bea kasi si Bea dun nka kwarto sa masters bedroom at sigurado sa kuya niya yun.

Tito/Tita sa kwarto ko nalang po si Jhoana..nahihiyang sabi ni Bea

Hindi pwede! Sagot ni John.

Ano ka ba John? Hindi mo to bahay nakikitira kalang at buntis na ang anak mo ano pa ang pinagdadamot mo.

Di nalang sumagot si John wala din mawawala kasi buntis na din si Jhoana.

Pinipilit naman ni Bea na huwag ngumiti...

Sige na magpahinga na muna kayo kulang tayo lahat sa tulog. Bea bukas nlang tayo mag usap magpahinga muna tayo.

Opo Tita/Tito goodnight po..Sabi ni Bea saka hinawakan na sa beywang si Jho para umakyat.

Pagpasok sa kwarto agad nilock ni Bea ang pinto saka sinandal si Jho dun.

Beatriz!! Magpahinga kana wala kapang tulog....

I'm happy at na solo din kita...Sabi ni Bea habang naka ngisi..

I miss you Jhoana...Sabi ni Bea at agad siniil ng halik si Jho...agad naman nag response ang Isa dahil sa hormones nito.






COLLIDE Where stories live. Discover now