27

1.5K 21 0
                                    

Time skip

Lumipas pa ang mga araw halos na magkasama araw2x si Bea at Jhoana.
Minsan sinasamahan siya ni Bea maghatid sundo kay Jaja. Minsan naman nagkikita sila sa farm. Kahit di sila nag uusap kahit hanggang tingin lang sila sa isat isa para sa kanila nagkakaintindihan sila.

Lalong nahulog naman ang loob ni Jho kay Bea dahil sa magandang trato nito sa kanya. Hindi naman pinansin ng mama at papa niya ang magandang pakitungo ni Bea sa kanya para sa kanila magkaibigan lang sila.

Si Jaja naman minsan makulit at nagtatanong sa ate niya kung sila na ba ni Bea pero tanging sabat ng ate niya MU lang sila. Lagi naman pinapaala ni Jaja na magingat kasi dadaan lang si Bea kumbaga temporary lang siya at may sariling buhay ito sa US.

MU nga lang ang nangyayari dahil ayaw din ni Bea manligaw kasi babalik siya sa Amerika at kulang na kulang ang panahon niya para makilala ni Jho kaya promise niya sa self niya pagkatapos niya mag aral babalikan niya si Jho bale sampong araw nalang pamamalage niya sa Hacienda.

Si Jho naman di na nagtatanong kay Bea  regarding sa status nila para sa kanya basta okay sila at nererespeto siya ni Bea okay na yon..tangap niya naman kung hindi siya bigyan ng level ang relasyon nila ni Bea para kasi Kay Jho baka naglalaro lng si Bea sa US kasi normal nalang ang mga harutan at one night stand..pero wala pa namang nangyari sa kanila ni Bea..still buo parin ang dignidad ni Jho. Okay lang sa kanya na iwan siya ni Bea total di naman talaga sila bagay kasi nga malaki agwat nila sa buhay at walang ipagmamalaki si Jho sa pamilya ni Bea kaya naging kontento na siya sa turingan nila kahit minsan malungkot din isipin Ang mga ganong scenario.

Nauna namang umuwi ang ibang kaibigan ni Bea.
Sa Manila nalang daw sila mamalage kasi may mga pamilya din sila sa Pinas na kailangang pag laanan ng panahon.

Si Deana naman nag decide na na hindi babalik sa US kasi sinagot na siya ni Jema dahil naman sa promise nito. Pero hindi naging madali kay Deana Ang pasugutin si Jema..kasi halos araw2x si Deana nagtatrabaho sa bukirin. Pero dahil sa effort niya kay Jema sinagot siya nito.

Si Kiana pagdating niya don sa mansion nung hinatid siya ni Mang Carlos agad itong nagpaalam kay Deth at Elmer na uuwi sa Manila dahil pinapauwi daw ng Daddy niya asap..nabalitaan nalang nila sa huli na pumunta ito sa US para sa business ng mga Dy.

Si Nico naman nag resign na sa ranch at pumunta ng Manila para mag aral. Pinaral siya ng tuyuhin niyang si Nestor.

Si Elmer at Deth naman hinahayaan nalang nila si Bea kung saan saan makagala kasi babalik din naman ito sa US. Hindi naman nila alam ang namumuong MU sa pagitan ng anak nila at kay Jho.

Nang magkita kahapon si Jho at Bea sa kubo na tagpuan nila sinabihan siya ni Bea na may ibibigay ito sa kanya pero surprise daw muna at ngayong araw daw ito ibigay sa kanya.

Hindi naman ito binigyan pansin ni Jho kasi kahit ano pa daw ibigay ni Bea sa kanya hindi niya ito tatangapin at naman ito first time nangyari ilang beses na din nag try si Bea pero lahat di tinangap ni Jho.

Mag 5pm na ng may natangap si Jho na sulat galing mansion actually galing ito kay Bea pinadala lang sa pinsan ni Jho na kapatid naman ni Jema.

Nagulat naman si Jho saka binuksan ang sulat.

Jho,

Meet me sa ubo 6pm see you beautiful.

Bdl

Napangiti nalang si Jho saka nagpaalam sa mga magulang niya na pupunta daw sila ni Jema sa bayan magsimba. Nagsinungaling si Jho sa parents niya kasi di siya papayagan pag malaman si Bea kasama niya isa pa mag gagabe na.

Minsan kasi di naka uwi si Jho sa saktong oras dahil sinama siya ni Bea sa bayan para mag bar at hindi ito nagustuhan ng magulang niya.

Agad namang pumayag mga magulang niya dahil si Jema naman ang kasama.

Dali daling nagbihis si Jho ng sundress niya saka nag suot pa ng coat dahil parang uulan. Pagkatapos niya magbihis agad siyang umalis papuntang kubo.

Ang kubo ay nasa kaligitnaan ng palayan malayo sa kabahayan. Di naman nakakatakot papunta don kasi maliwanag pa naman.

Pagdating niya sa kubo wala pa si Bea kaya umupo nalang siya sa papag para maghintay.

After 5mins nakita na niya si Bea na nakasakay sa kabayo. Nong malapit na agad na bumaba si Bea at tinali ang kabayo sa puno ng mangga saka tumakbo papuntang kubo dahil umambon na.

Kanina kapa Jho? Pasensya na kinuha ko pa si Max sa ranch. Sabi ni Bea habang hinuhubad ang jacket niya. naka white shirt si Bea saka naka maong na pantalon habang naka boots.

Mga 5mins okay lang, bakit ba biglaan naman ang pagkikita natin saka parang uulan pa baka maabutan tayo.

Naalala mo yong sabi ko sayo na ibibigay ko? Yan lang ang purpose ko at saka siyempre makapag usap naman tayo miss na kita eh..sabi ni Bea sabay yakap Kay Jho at halik sa noo niya.

Agad naman yumakap pabalik si Jho.. na miss din kita Bea habang sinisik Ang ulo nito sa leeg ni Bea.

Kumalas naman si Bea saka kinuha sa bulsa ng jacket niya ang isang box..saka binigay kay Jho

Cellphone?? Bea nako ang mahal niyan sigurado bat mo naman ako bibigyan ng cellphone..Sabi ni Jho habang nakatingin parin sa kamay ni Bea na hawak ang cp.

Para naman mabawas bawasan ang pagka miss ko sayo. 10 days nalang babalik na ako sa US gusto ko may communication tayo lage.. mahirap na. Sabi ni Bea saka ngumiti.

Naalala naman ni Jho na 10 days niya nalang makasama si Bea kaya tinangap niya nalang ang cp kasi tama naman si Bea kailangan nila ng komunikasyon.. pero bakit diba laro2x lang tong kay Beatriz..??

Salamat Beatriz..huwag kang mag-alala palagi kitang e chat pag andon kana.

Walang ano man Jho..Akala ko pa naman mahihiripan na naman akong pumilit sayo..lahat kasi ng binibigay ko ayaw mo tanggapin..Sabi ni Bea habang nakangiti.

Loko ka ito lang tatangapin ko kasi mas importante ito para sa atin. Di ko naman kasi kailangan ng gold na kwentas at relo  di naman ako umaalis dito saka ayaw na ayaw kong gagastos ka sa akin. sabi ni Jho habang nakatingin kay Bea.

Ngumiti naman si Bea saka niyakap ulit si Jho ng mahigpit.





COLLIDE Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin