2:

28 2 0
                                    

"HEY, Grandpops, you can't be serious as hell. Lalaki ako at babae siya, sa tingin mo ba ay kaya niya  akong protektahan?" pakikipagtawaran ang unang pumasok sa isip ni Grey na gawin the moment na nakaharap na niya ang lolo niya. 

Naroon nga siya sa opisina nito ngayon. Pinatawag kaagad siya nito matapos ibalita sa kanila ni Haya ang tungkol sa mga nalaman nito.

Naroon siya sa opisina ng kaniyang lolo ngayon habang nandoon din ang babaeng pulis, nakatayo sa gilid ng lolo niya. Direstso ang tayo at tingin na animo walang alam pa nga sa pagpapatawag sa kaniya ni Don Vladimir.

Tinignan siya ng kaniyang lolo sa bored na paraan. Lately ay sadyang reklamo na nito ang kabilaan niyang paglabas-labas kasama ang iba't ibang babae na nakukunan ng mga business journalist. Pero sa kanilang magpipinsan ay sa kaniya naman maluwag ang don dahil well, wala naman talaga siyang ambag sa kumpaya nila kundi ang ka-cute-an lang niya.

Ehem.

"Saka mo na husgahan ang lady bodyguard mo, Greyson," anang don. Ito lang ang tumatawag sa kaniya sa pangalan na iyon. "Besides, sa sobrang dami mong babae na inilalabas, malamang ay hirap na 'yang tuhod mo na makatakbo kung sakaling dukutin ka ng kung sino at putulin 'yan, tarantado ka. Kapag nagkataon ay tapos na ngang tunay ang kaligayahan mo."

Impit na tawa ang maririnig sa likuran niya. Sila Red at Blue lang naman iyon. Nalingunan pa nga niyang sinisiko ang mga ito ni Haya na tila sinasaway.

Bumuntonghininga siya. "Alright, alright, tatanggapin ko nang mula sa araw na 'to ay para akong asong susundan ng lady bodyguard mo."

"Lady bodyguard mo," pagtatama pa ng don sa kaniya.

Grey rolled his eyes. "Sige, lady bodyguard ko na."

"Na malayo sa pagiging aso, Sir Grey," protesta ng babaeng pulis. 

"Fine," sumusuko na wika ni Grey. Tinapunan din niya ng naiinis na tingin ang lady bodyguard. "Pero Grandpops, magkalinawan lang, ikaw ang magpapasahod sa kaniya ha?"

"Bayad na ang service niya ngayon pa lang na nag-uusap na tayo. Nabanggit ko na rin kasi dito kay Yanie na sobrang kuripot mo." Nakaingos na turan sa kaniya ni Don Vladimir.

"Wow!" hindi makapaniwalang bulalas niya! "Bayad na siya, Grandpops? Really…" Nilinga niya sina Red at Blue, "Narinig niyo 'yon, guys? Bayad na raw si Ms. Lachica…"

"May problema ba tayo sa bayad na ako, Sir Grey?" 

Lumipad ulit ang tingin niya sa babae na nananatiling nasa tagiliran ng kaniyang lolo at pormal na nakatayo roon or mas akmang sabihin niyang—aral na nakatayo. Ganoon kung tumindig talaga ang mga tulad nito. "Wala naman, Ms. Police Officer. Naalala ko lang 'yung ginawa mo sa amin na panggagantso ni Red noon sa Ilocos," sagot niya rito sa sarcastic na paraan.

"Hindi po panggagantso ang tawag sa isang trabaho na nagawa naman nang ayos ayon sa bayad ng service niya," matapang na sagot ni Yanie.

"Ah, oo nga naman, panggugulang nga pala ang tamang term. Hindi mo naman kasi sinabi sa amin na from the start, ang trabahong pinapagawa namin sa 'yo ay alam mo naman na pala dahil close friend mo si Page," mas sarkastikong ani Grey rito.

"Hindi na niya pagkukulang ang tungkol doon, Greyson," singit ng lolo niya. "Kayo na ni Red ang nagkulang sa part na 'yan. Simula pa lang naman kasi ay sinabi na ni Officer Lachica na ang kaniyang serbisyo ay dapat na fully paid muna," pagdepensa pa ni Don Vladimir sa babaeng pulis.

Itinaas ni Grey ang dalawang braso saka sarkastikong sinabing, "Oo na, sige na nga. Isa lang sana ang maihihiling ko sa nais mong 'to, Grandpops."

Nagsalubong ang mga kilay ng don. "Ikaw na nga ang iniingatan sa pagkakaroon ng bodyguard ay ikaw pa ang may hiling? Hindi yata at hibang ka na, Greyson."

Shadow of Grey Where stories live. Discover now