5:

21 1 0
                                    

DAHIL sa ginawa ni Grey na pagtingin sa dibdib ni Yanie ay nakita niyang na-distract ito at niyuko ang sariling dibdib.

Napangisi siya. Sa ginawa nitong pagyuko upang sipatin ang nakita niya rito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na matabig ang baril mula sa pagkakahawak nito. Mabilis man na natunugan ng babae ang ginawa niya dahil sa reflexes na natural ability na ng mga tulad nito—huli na rin iyon dahil bumagsak na sa sahig ang baril at nabuhat na niya ito—binuhat niya si Yanie, sa mga hita niya ito hinawakan kaagad para maangkla ang mga iyon sa bewang niya. Saka niya ito ipininid sa pader.

"Get off me!" agad na banta ng babae, nagkikiskisan ang mga ngipin at nanlilisik ang mga mata sa kaniya.

"May anger issue ka ba ha? Bakit ganyan ka?"

"Kung hindi mo ako ibababa ay kakagatin kita!"

Ayos talaga ang babaeng ito!

"Subukan mo, hahalikan naman kita," ganting pagbabanta naman niya.

"Hahalikan? Talaga ba? Sa pagkakaalam ko ay wala ka pa ngang babae na nahalikan kahit halos lahat ay naikama mo na."

"Huwag mo 'kong hamunin. Kung ang halik ko ang makakapagpa-tame sa babaeng tulad mo ay gagawin ko 'yon."

Nabigla naman ang pulis sa sinambit niya, napaamang kasi ito at inatras ang sariling mukha mula sa kaniya.

"Put me down, Grey Henson," anito, ginagamitan siya ng tonong pang-pulis yata.

Natawa siya. Nanatili ang mga mata niyang nakapagkit sa mga mata nitong mabalasik. "Ang ganda mo pala sa ganitong view, baby."

"Tarant'do!"

Nagpumiglas ito mula sa pagkakahawak niya sa magkabilang pulsuhan nito. Nginisian lang niya ito dahil sigurado naman siyang ilang sandali lang ay mananahimik din ito.

Hindi nga siya nagkamali. Segundo lang ay nanlaki ang mga mata ni Yanie sa kaniya. Sa kakapiglas kasi nito ay naibaba nito ang sarili at tumapat lang naman ang dapat na tumapat sa 'pink' niyang sawa na kanina ay pinapalabas nito.

"Buhay at nagalit na ang pink na sawa. Ginising mo kasi," anas niya sa tainga ng babaeng natigagal.

"Gag—"

Maitutuloy pa ba ni Yanie ang mura na kaniya sanang pakakawalan? E, ang playboy niyang boss—umikot lang naman ang bewang habang nakatusok sa kaniya ang pink nitong sawa!

"Alam mo ba na may nakapagsabi sa akin na masarap daw magmahal ang mga babaeng katulad mo. 'Yung tulad mong matapang at mala-tigre. Pero mas masarap daw kayo… sa kama," anas sa kaniya ni Grey ulit. Sinasadya nitong sa tainga niya talaga magsalita!

Mariin na napapikit si Yanie sa pinaghalong inis at pagkadarang sa ginagawa sa kaniyang dry humping ng malanding boss niya ngunit kinalma niya ang sarili. Pinilit niyang balewalain ang ginagawa nito sa kaniya sa mga sandaling iyon.

Playboy ang boss niya kaya madali na lang dito na mahulaan na hindi naman na siya V, kaya ganoon na lang ito kung itrato siya nito. At iyon ang mas nakakapagpagalit sa kaniya ngayon kaya kahit ayaw niya sana'y napilitan siyang kagatin ito sa balikat!

"Ouch!" hiyaw ni Grey sa nasaktan na balikat.

Dahil nga kinagat niya ito ay awtomatikong napabitaw sa kaniya ang malikot niyang boss. Lumagapak din ang pang-upo niya sa sahig. Hindi iyon ininda ni Yanie. Kapiraso lang ang sakit na iyon kumpara sa mga napagdaanan noon sa training niya.

"Bastos ka, Grey Henson," mariin niyang wika rito matapos niyang damputin ulit ang kaniyang baril.

"Yanie, wait—"

Shadow of Grey Where stories live. Discover now