Finale:

34 1 0
                                    

5 years later…

SIGURO nga ay totoo ang sinabi sa kaniya ni Martina noong huli silang magkita at magkausap na dalawa, na ang kalungkutan ay siya rin ngang depensa natin sa pakikipaglaban sa mga susunod na hamon ng buhay. 

Nalungkot man kasi si Grey sa pagkawala ng babaeng minamahal, hindi naging hadlang iyon upang magpatuloy siya, bagkus ay mas lalo pa niyang pinag-igi ang pagpapatuloy na mabuhay para sa naiwan na pamilya ni Officer Yanie Lachica.

Oo, nang mawala ang huli ay siya na ang nagpatuloy ng mga naiwan nito. Pinag-aral niya ang mga kapatid nito at binigyan niya ng mapagkukunan sa araw-araw na gastusin ang nanay nito dahil nga wala na ang breadwinner ng pamilya.

Pamilya na rin niya ang mga naulila ni Yanie bukod sa siyempre, hindi naman maglalaho ang mga Henson sa kaniyang tabi lalo ang kaniyang mga kapatid.

May kaniya-kaniya na silang buhay. The irony of fate, kung gaano siya kababaero dati, ngayon naman ay allergic na siya sa babae. Kung noon ay cute na cute lang siya sa sarili niya at hinayaan niya lang na huminga siya nang walang ambag sa kaniyang pamilya at sa lipunan na kaniyang ginagalawan, ngayon naman ay naitatag na niya ang sarili niyang hotel and restaurant sa Tagaytay—pati ang bahay na para sana sa bubuuin niyang pamilya.

Mabilis lumipas ang inog ng mundo kapag malungkot ka pala. Nakagulatan na lang niyang limang na taon na pala ang nakararaan. Mabilis ang inog dahil lahat ng kaniyang gusto ay na-accomplish na niya para lang huwag niyang maalala si Yanie. 

Ang pagtunog ng cellphone niya ang umudlot sa sandaling pagbalintataw niya sa harap ng Mayon. Naroon siya sa terasa ng bahay niya sa Tagaytay kung saan tanaw ang ganda ng bulkan. Naging habit na niya ang pagkakape roon pagkatapos niyang maligo.

"Hey, what's up?" bungad niya kay Page. Nagtataka man siya na napapadalas ang pagtawag nito sa kaniya ay hindi na lamang niya iyon kinukuwestyon. Wala na rin namang rason para magselos si Blue sa kaniya at nasundan na ng triplets si Sky, aba.

Napangiti siya nang maalala niya ang mga pamangkin. Pagkatapos ni Sky ay nagkaroon ng triplets sina Blue at Page na pawang mga babae, pinangalanan nito ang mga iyon ng Moonlit, Moonlight at Moonkiss dahil pawang pinanganak ang tatlo nang ang buwan ay pula na siyang kalimitan lang na maganap.

Sina Red at Euna naman ay may dalawa na ring anak na babae na isinunod ng mga ito sa pangalan ng Uncle Vincent nila—sina Viancent at Viancey.

"Where are you, Grey?"

"Nasa bahay ko, saan mo pa ba gusto?" 

"Sa Tagaytay?" paniniguro pa ng hipag niya.

Pagak siyang natawa. "But of course! Alam mong ang bahay ko sa Manila ay naibenta ko na." Iyong bahay kung saan sila nagsama sa iisang bubong noon ni Yanie ay naibenta na niya. Ang unit naman niya ay binigay na niya sa kapatid nitong si Yassi.

"Kamatayan kasi ni Yanie bukas, aayain sana kita at may misa." May sinabi itong pangalan ng simbahan.

"I'll try," tipid niyang tugon. Kada magpapamisa naman ang mga ito ay hindi siya pumupunta.

Hindi siya pumunta noon sa libing ni Yanie. Sa loob ng limang taon ay hindi rin niya dinalaw man lang ito, ang misa pa kaya? Pero siyempre, alam naman niyang nag-a-attempt lang naman si Page na baka nais na niya. Hindi naman siya pinipilit nito.

"Alright, ikaw pa rin naman ang baha—" 

Natawa siya nang maputol ang sinasabi ng kaniyang hipag. Inagawan na naman ito ng cellphone ng mga makukulit na anak. 

"Uncle Grey, napanaginipan kita, magkaka-jowa ka na, may gun siya!" excited na ani Moonkiss.

"No, napanaginipan ko siya, may knife yung jowa niya," wika Moonlight naman.

Shadow of Grey Where stories live. Discover now