10:

22 1 0
                                    

"YANIE, hindi mo 'yon dapat na ginawa!" Paninisi pa ni Dave sa kapatid nitong nakalugmok na sa sahig, naliligo sa sariling dugo.

Kaagad itong hinaklit ni Grey sa damit, binalibag niya ito. Bahala na kung maging ito ay maisugod sa ospital. Awtomatiko naman ang pagdalo rito ng mga taong naroon—ang mga Henson, mga pulis, mga kasamahan ni Yanie.

"Damn you all!" bulyaw niya in no particular person.

Nang makalapit ang pulis na siyang bumaril mula sa malayo kanina ay ito naman ang sinugod niya. Mariin niya itong binalya sa pader. Kung maaari lang na iuntog niya ang ulo nito ay ginawa na niya.

"S—Sorry.. sir…" Sa nanginginig na labi ay hinging paumanhin ng pulis sa kaniya.

"Tangina ka. Tangina mo ka…" Noon lang nalaman ni Grey na mas nanginginig na pala siya. Ngayon lang niya nalaman na capable pala siyang mawala sa kaniyang sarili.

"Grey, you should calm down," ani Red sa kaniya.

"Sumama ka na sa ambulance," si Blue iyon, inalis nito ang mga kamay niyang nakapasakal na haklit sa pulis.

Nang sulyapan niya si Yanie ay nakamulat ito! Kaagad niya itong nilapitan.

"Baby, you should live. Magagalit ako."

Ngumiti ito sa kaniya. Hinaplos ang kaniyang pisngi. "Ang sagwa ng scene na ito, napakagasgas."

"Kaya nga dapat ay mabuhay ka. Marami akong pera—"

"Pero makunat ka, Lexus Grey."

"Pero mahal kita. Para sa 'yo ang mga naipon ko."

Pagak na natawa si Yanie. "Para sa akin? O para sa bubuuin mong pamilya?"

Alright, at the back of his mind ay gusto rin naman niyang magkapamilya. Sariling pamilya na kung hindi pa dahil sa kakaiba at astig na babaeng ito ay hindi niya mari-realize na kailangan niya pala. Na hindi pala talaga pagmamahal ng isang babae ang kailangan niya, pamilya pala na maibibigay ng isang babae na mamahalin niya.

"Para sa bubuuin nating pamilya, Officer Yanie Lachica."

"Naks, ang gasgas pa rin ah," nakuha pa nitong magbiro kahit napangiwi na pagkatapos.

"May life vest kang suot, mabubuhay ka—"

"Isa pang gasgas 'yan, Grey Henson. Sa mga palabas lang sa pelikula at TV nagkakaroon ng sobrang halaga ang life vest. In real life, hindi 'yon one hundred percent na makakasalba ng buhay lalo at bihasa ang tumarget."

Nalukot ang mukha niya. Sa pagkakataong iyon ay nasa loob na sila ng ambulansya. "Ano ba ang sinasabi mo d'yan? Kung gasgas e, 'di gasgas na, mabuhay ka lang!" pagalit na niyang sambit dito.

"Ang gasgas nga talaga nito, pero naniniwala akong hindi ang love story natin. Ang unique ng love story natin, imagine, nakita ko na at lahat ang pink mong sawa, napakalandi mo na nga, pero wala pa rin nangyari sa atin. Mamamatay pa yata akong birhen."

"Hindi ka mamamatay!"

"Mahal kita, Grey Henson. Magmula pa nang araw na magpa-under ka sa 'kin."

Napakagasgas nga ng eksenang iyon, magkahawak kamay sila ni Yanie habang tumatakbo ang ambulansya. May oxygen nang nakasalpak sa bibig nito pero hayun, nakakapagsalita pa naman nang ayos. Kandangiwi na, pilit pa rin na nagsasalita.

Magmula pa kanina ay reklamo na niya ang kagasgasan ng lahat.

Pero ang namumuong dugo na bigla na lamang bumulwak sa bibig ni Agent Canny ay hindi na kasali sa gasgas ng scene na iyon, hindi ba?

"Yanieee!"

Akala niya lang palang gasgas. Walang makina na nagsasabing huminto ang heartbeat ng babaeng mahal niya pero lumuwag naman ang pagkakahawak nito sa kaniyang palad…

NOONG sabihin ni Grey na hindi niya nakikita ang kaniyang sarili na magkakaroon ng pamilya ay wala talaga sa isipan at puso niya na magkaroon.

But not until Yanie came to his life.

Kung naririnig man sana siya ng Diyos o ni Bathala, sana ay dinggin nito ang panalangin niya. Kahit ito lang, ngayon lang naman siya hihiling.

"The patient shot on her right chest…"

Malinaw na naririnig niya ang sinasabi ng duktor sa mga kasamahan ni Yanie at sa pamilya niya habang nakayukyok siya sa malamig na semento ng ospital at magkasalikop ang mga nakakuyom niyang palad sa kaniyang noo.

Malinaw niyang naririnig iyon at malinaw rin na kusang nag-shotdown ang utak niya sa mga sinabi ng duktor.

DOA—Dead On Arrival. Wala nang pag-asa na mabuhay.

Narinig niya pa ang bulungan ng mga kasamahan ni Yanie, napakarami raw na mas delikado pang assignment na hinawakan ang huli. Kesyo bakit daw ito pang simple lang ang tumapos sa buhay nito.

Bakit nga ba? Sa dami rin kasi ng babaeng nagdaan sa kandungan niya ay ito pang astig at bayolente ang ginusto ng puso niya?

Bakit nga ba kung kailan natuto na ang puso niyang magmahal ng iisang babae ay saka naman babawiin sa kaniya iyon nang ganoon kabilis?

"Patayin niyo na rin ako! Turukan niyo 'ko ng kahit ano, gawin niyo 'kong daga o pusa, b'wisit na buhay 'to!" paghihisterikal ni Grey.

Tumayo siya at nagwala siya roon, nagsisisigaw hanggang sa mawalan siya ng boses.

Sabi nila ay denial ang unang mangyayari sa 'yo kapag naharap ka sa matinding dagok. Para kay Grey ay hindi. Noong mawala ang lola niya ay hindi naman niya dineny sa kaniyang sarili iyon.

Gayundin ngayon.

Acceptance ang sumunod? Fuck the bastard na nagpauso niyon dahil kahit kailan ay hindi niya matatanggap ang kasawian na ito.

Hinding-hindi niya matatanggap na wala na ang babaeng napakabilis dumating sa buhay niya, napakabilis din na napaibig siya at napakabilis din na nawala sa kaniya…

"Man, I'm happy that you finally learn how to love by loving Yanie."

Kung hindi lang niya lolo si Don Vladimir ay baka nasaktan na niya ito. Wala sa hulog ang pinagsasasabi nito. Kung sabagay, wala rin naman sa hulog ang mundo.

Wala sa hulog ang lahat. Ang lahat-lahat.

"Ipatanggal mo ang pulis na bumaril kay Yanie."

"Hindi ikaw ang magde-decide niyon. May batas tayo."

"Gamitin mo ang pera mo. Huwag na tayong maglokohan dito, ang batas ay para lang sa mayayaman na tulad mo, Don Vlad."

Tumawa ang don. "Lexus Grey, may pamilya ang pulis na 'yon."

Pamilya na naman.

"Grandson, hindi niya rin sinasadya ang nagawa niya. Kasama rin sa sinumpaan na tungkulin ng mga tulad nila ang mamatay para sa kliyente nila. Nang pasukin ni Yanie ang trabahong 'to, ang kalahati ng buhay niya ay nasa hukay na."

"Utusan mo na lang ang pulis na 'yon na barilin na lang din niya 'ko."

Walang busina, basta na lang siya sinapak ni Blue.

"'Yan ka na naman sa kagaguhan mo! Nagiging makasarili ka na naman Grey! Hindi mo ba naiisip na hindi lang ikaw ang nagluluksa ngayon?! Nagluluksa rin si Page. Nagluluksa tayong lahat dito. Kung gusto mong mamatay na rin, 'wag kang mag-utos. Patayin mo na lang ang sarili mo!"

Nagtaas-baba ang dibdib niya sa halo-halong emosyon na pumuno roon ngunit mas nananaig sa kaniya ang lungkot sa lahat.

"Iwan niyo na muna ako."

And just like that, naramdaman niyang nilayasan na siya roon ng lahat.

"I—I'm sorry, Sir Grey…"

Ah, naroon pa pala si Martina. Na siyang puno't dulo ng lahat ng ito.

"Layuan mo ako."

"Gagawin ko. Ipangako mo lang na mabubuhay ka ulit." Hawak na ni Martina ang box na ipinabibigay rito ng ate nito. "Ang sabi rito ni Ate Magdalene, ang kalungkutan ay siya ring depensa natin sa pakikipaglaban sa buhay."

Shadow of Grey Where stories live. Discover now