6:

20 1 0
                                    

"MATAGAL na rin kaming sabik sa outsider na mga bisita. Hindi ba mga kakosa?" 

"'Wag kayong matakot sa amin, iwe-welcome lang naman namin kayo…"

Mga nakakalokong nagtawanan pa ang tatlong lalaki habang papalapit ang mga ito sa kanila ni Yanie. 

"Palabasin niyo kami sa lugar na 'to, hindi namin sinasadyang makapasok dito," ani Grey.

Mas lumakas lang ang tawanan ng tatlo. "Puwede rin naman naming sabihin na hindi namin din sinasadya kung mapatay namin kayo rito. Hindi ba, chief?" pagkausap kay Yanie ng tila lider sa tatlong matipunong mga lalaki na kaharap nila.

Napasinghap siya, alam ng mga ito na pulis si Yanie! 

"Y—Yanie…" pagkuha niya sa atensyon ng babaeng pulis ngunit hindi siya pinansin nito. Nang sulyapan niya ito ay seryoso lang na nakatingin ito sa mga lalaking papalapit sa kanila. Patuloy rin silang umaatras lang. 

Pero mas mapapasinghap pa pala si Grey nang simulan na ng isa sa mga lalaki na iwasiwas ang hawak nitong batuta sa ere na tila hinahanda nito iyon upang ihampas na—sa kaniya!

Wala sa sarili na napaupo siya. Awtomatikong isinalag niya ang sariling mga braso sa kaniyang mukha't napayuko rin siya. In his fetal sitting position, napadilat siya nang maalala niyang hindi nga pala siya nag-iisa!

"Yanie!" tanging naibulalas ni Grey. Pag-angat kasi niya ng ulo ay napagtanto niyang mag-isa lang siyang nakayukyok sa sulok at ang babaeng tinawag niya ay kasalukuyan nang nakikipaglaban sa tatlong 'di hamak na mas malalaki pa rito!

Nagawa ni Yanie na masangga ang batuta na sana ay tatama kay Grey kanina. Naipalit din niya ang sarili niyang braso at nagawa niyang mailayo ang batuta na hawak ng isa sa tatlong lalaki. 

"Tumakas ka na, Grey!" utos ng babaeng pulis sa natigagal nang binata.

"No!" 

Yanie just rolled her eyes. Saka patamad niyang winaksi ang mga palad ng dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang pulsuhan niya. Hawak siya ng mga ito, pinagkaisahan nga siya kaya naiintindihan niya si Grey kung ayaw siyang iwan.

"Just stay there!" utos niya ulit sa boss niya.

Pagkawaksi niya ng kaniyang sariling pulso sa mga ito ay mabilis siyang tumambling sa ere—nang sa gayon ay sundan ng tingin ng dalawang lalaki ang galaw niya. Sa ganoong paraan din lang niya kasi magagawang masipa mula sa dalawa ang mga  hawak nitong batuta.

"Officer! Sa likod mo!" 

Kahit hindi naman isigaw iyon ni Grey ay alam na niyang papalapit na sa kaniya ang isa pa sa tatlong lalaki. Nakita niya kasing sinugod iyon ng boss niya kanina dahil papalapit nga sa kaniya. Sa peripheral vision niya ay nakita niya rin kung paanong tumilapon si Grey Henson sa akma nitong pag-awat sa paglapit sa kaniya ng goon na iyon.

Oo, hindi nga nagtagumpay ang lalaki na mailigtas siya sa kahit isa sa tatlong goons na kanilang naka-encounter.

 Buntonghiniga at naggalawan ang kaniyang mga panga, mabilis na kumilos si Yanie—ginamit niyang hagdan ang mga balikat ng dalawang lalaki nasa magkabilang tabi niya habang hindi na nakakahuma ang mga ito sa pagkakatilapon ng mga sandata. Nang sa gayon ay maharap naman niya ang lalaking isinisigaw ng boss niyang nasa likod niya. 

Dama niya pa ang paghabol sa kaniyang mga paa ng dalawang lalaki. Sinipa lang niya ang mukha ng mga ito bago mabilis na lumipad ang isa niyang binti sa isa pang lalaking papasugod sa kaniya.

Nang makatapak na ulit ang mga paa niyang wala nang sapin sa lupa ay hindi pa tapos ang laban. Kaagad na dinukot niya ang kaniyang baril at teaser gun na nasa holster belt niya, walang sabi na itinutok niya iyon paikot sa tatlong kalalakihan.

Shadow of Grey Where stories live. Discover now