8:

22 1 0
                                    

SINASABI ng tracking device na lihim niyang ikinabit sa kotse ni Grey na papunta ito kanina ng sementeryo. Dahil isa siyang imbestigador, alam niyang ang pinuntahan ng magaling na binabantayan niya ay ang lola nito na nakalibing doon.

Na-report niya iyon kay Don Vladimir. Ang matandang don pa nga ang nagsabing hayaan niya na muna kung gayon daw kasi na nagkaroon sla ng pagtatalo, magpapalamig daw ang apo nito sandali. Napairap pa nga siya, hindi lang niya masabi na kaya lumaking ganoon ang apo nito dahil na rin sa pangungunsinti nito.

"He's off somewhere. Lumilihis ang tracking ko sa daanan niya pauwi ng bahay," report niya kay Red at Blue, naka-ongoing call siya sa dalawa the moment na lumihis ang device sa dapat na daan ni Grey pauwi ng bahay. "Sh't, hindi ko siya dapat na hinayaan mag-isa." 

"Kalma lang, Officer, we're trying to reach him," sagot sa kaniya ni Red.

"Kanina ko pa rin ginagawa 'yan but he's not answering," imporma naman niya. Hindi niya gustong kabahan ngunit iyon na mismo ang bigla niyang nararamdaman ngayon—dinudunggol siya ng kaba.

Sa dami ng assignment na nahawakan niya, ngayon lang talaga siya nagkaganoon. Iyong kaba na tila nasa bingit ng kapahamakan ang mapapangasawa niya—damn it! Saan ba galing ang mga nilalaro ng isipan niya na iyon?

"Hindi nga siya sumasagot," si Blue ang nagsalitang iyon.

She gritted her teeth. Hindi niya talaga inakala na ang simpleng pagpapalitan nila ng salita ni Grey kanina ay ganito na kahahantungan. 

"Nagtalo ba kayo? Ang hirap kasi sa taong 'yon, nagtatago siya ng tunay na nararamdaman. Hindi namin kabisado."

Sumasang-ayon siya sa sinabing iyon ni Blue. Hindi nga umamin sa tanong niya ang hudyong si Grey e. Pero hindi kasi iyon ang mahalaga ngayon.

Mas mahalaga ang biglaan nang mas paglakas pa ng kaba niya nang mapagtanto niya kung saang lugar patahak ang tracking device ngayon na medyo nakalayo na ito…

Sa abandonadong bahay na pag-aari ng tatay niya…

Abandonado na ang bahay na siyang kinapupuntahan ng tracking device na naka-install sa kotse ni Grey dahil pinasabog niya iyon ng granada. Umabot ng 3rd floor iyon ngunit sa isang granada lang ay gumuho iyon. Marupok.

 Oo, siya ang nagpasabog niyon at isa ang nagawa niyang iyon sa hindi niya pinagsisisihan at never niyang pagsisisihan sa buong buhay niya. Dahil habang nag-aalala ang nanay niya at habang naghihirap, wala silang makain ng mga kapatid niya, ang tatay niya may pa-3rd floor sa bagong pamilya nito. Improvised bomb lang ang katapat niyon, sumabog agad. Buti nga naawa pa siya at hindi niya isinama ang mga ito sa plano niyang paggiba ng bahay na bato na iyon, two years ago.

"Sh't! Confirmed, nadukot na si Grey," aniya sa mga pinsan ng huli. "Papunta ang device sa isang abandonadong bahay. Alam ko, kabisado ko ang lugar dahil minsan na 'kong nagpunta ro'n. I will send the details, maghahanda lang ako ng gamit sa pagpunta ro'n as soon as possible, sumunod na lang kayo sa 'kin but please, walang susugod nang walang back up," mando niya sa magpinsan na Henson. Saka walang salita na kumilos na siya sa pinakamabilis na paraan na alam niya.

"Agent Starr, kailangan ko ng back up…" sinabi ni Yanie ang lugar kung saan siya mapupuntahan ang mga kasamahan.

 Sa mga agent ng kinabibilangan nilang The Hondradez Security and Investigation Agency ay si Agent Starr ang pinakadikit sa kaniya bukod sa alam niyang nasa bakasyon ito ngayon kaya ito ang agad na tinawagan niya. Kinonekta naman nito ang tawag niya sa mga kasamahan nila. Iyon naman ang kagandahan sa kung saan siya nagseserbisyong agency—ang kliyente ng isa ay kliyente ng lahat sa ganoong pagkakataon kaya alam niyang mapapaikutan ng mga pulis at agents ang lugar na tatahakin nila mamaya.

Shadow of Grey Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz