9:

29 1 0
                                    

NAGING madali kay Yanie na mapasok ang abandonadong bahay dahil kabisado niya ang pasikot-sikot doon. 

Hindi niya pa nakakalimutan ang poot sa puso niya nang mapuntahan niya ang naturang bahay na iyon noon. 

Walang paliwanag, basta na lang nang-iwan ang tatay nila. Pagkatapos ng hirap na pinagsamahan nito at ng nanay niya noon sa probinsya, nang makatikim ito ng kapirasong ginhawa ay umalagwa na sa kandungan ng iba.

Ah, hindi ito ang tamang oras at lugar para alalahanin ang kabalastugan ng tatay mo! Nasa gitna ka ng mission, Yanie Lachica!

"Agent Canny! Sa gilid mo!" 

Mabilis ang reflexes niya kaya ang pagsigaw na iyon ni Agent Starr sa kaniya ay kasabay na nang pag-ilag niya sa paparating na bala. Sinulyapan pa niya ang pagkakatama ng bala na iyon sa pader bago siya tumayo at harapin ang lalaking bumaril sa kaniya, hindi nga lang sinuwerte.

"Malas mo, hindi ako tinamaan," aniya sa isa sa mga goons yata ng abductor ng lalaking may pink na sawa.

Hindi bihasa ang goon sa hawak na armas. Nakita niya iyon sa paraan ng pagbaril nito kanina na nailagan nga niya kaya naman nang salubungin niya ito ay walang salitang sinipa niya ang braso at baba nito. Hindi na kailangan na mag-aksaya ng bala, tumumba na ito pagkatapos niyon. 

"Sige na, ako na ang bahala rito," ani Agent Starr na kaagad dinaluhan ang lalaking napatumba niya. 

Kapag sinabi nitong ito na ang bahala, alam na nila parehas ang gagawin nito—tuturukan nito ng pampatulog ang pasyente—este, ang nakakalaban nila. Duktor kasi ang babae bukod sa kapwa agent nila ito. Kung hindi siya nagkakamali ay Midazolam ang tawag sa drug na ini-inject nito. Ini-inject lang nito iyon sa nakakalaban kapag may pagkakataon na katulad niyon. Nakahanda na rin kasi ang syringe nito sa tuwing nasa mission sila.

Namataan niya pa na hinehele ni Agent Starr ang knock out nang goon sa pamamagitan ng pag-press nito sa wrist niyon. Hindi iyon ang unang beses na nakita niya itong ginagawa iyon pero hindi niya pa rin maiwasan na mapangisi.

Naipilig na lang niya ang sariling ulo bago siya tuluyan na tumalikod na.

Ililigtas pa niya ang pink na sawa. Mahirap na, nanunuklaw pa naman iyon kapag nakakalimot at nakakatikim na ng panandalian na saya. 

Pink na sawa ni Grey na minarkahan ng abductor nito kaya madali para sa kaniya na matukoy kung sino iyon—si Martina.

Walang record ang babae na may gusto ito sa boss niya o nakipag-flirt ang boss niya sa sekretarya, pero kanina lang ay nalaman niya ang rason nito sa ginagawa kay Grey Henson.

Una, sadyang pinakita ni Martina ang anino nito noon sa kaniya nang sundan niya ng tingin ang socialite na si Venus. Ikalawa, sinadya nitong markahan ang pink na sawa—na siyang dahilan kaya pilit niyang pinalalabas kay Grey iyon that time.

She's a smart ass bitch, I must say.

"Tatatlo ang goons," si Agent Doll iyon na bigla na lang lumitaw mula sa kung saan habang naglalakad na siya. "Knock out na ang isa, 'yung isa naman ay nakikipaghabulan pa kay Agent Speed."

Pagak siyang natawa. "Jusko, kay Agent Speed pa nakipaghabulan, para siyang nagtampo sa bigas." 

Humagikgik si Agent Doll. "Hayaan mo na, kaya na niya 'yun."

"Walang duda." Buti na lang talaga ay naroon ang mga ito at handang tulungan siya. 

"'Lika na, naiwan daw sa 'taas ang abductor saka ang boss mo."

Nagpakayag na siya kay Agent Doll pagkatapos. Sabay nilang hinila ang special rope na nakasukbit sa mga bewang nila nang makarating na sila sa gitna ng bahay kung saan maaari na nilang ihagis iyon upang na-hook sa itaas. Sabay na rin silang umangat sa ere na gamit iyon. Espesyal ang rope na iyon dahil hindi na kasi iyon ang nabibiling karaniwan sa market. Dahil sa mga kasama nilang mga kapwa pulis at mga bumbero, ginawa ng mga iyon na mas accessible especially for them ang ropes nila.

Shadow of Grey Where stories live. Discover now