3:

21 1 0
                                    


BALIKWAS na napabangon si Yanie nang rumehistro sa utak niya na nasa ibang bahay siya.

"Sh't! Nakatulog pala 'ko," sambit niya sa sarili nang makaupo na siya sa kama. 

She checked her wrist watch, ganoon na lang ang panggilalas niya nang mapagtanto niyang alas diez na ng gabi!

Kaninang hapon ay pumasok siya sa kuwartong laan sa kaniya ni Grey. Nag-ayos lang siya ng gamit doon dahil magmula nang kumain sila ng tanghalian ay hindi bumaba ang binabantayan niyang binata. Hindi naman niya akalain na makakatulog siya pagkatapos niyang maligo!

Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto. Hindi puwede ang ganun. Hindi puwedeng ang sarap na ng tulog niya gayong hindi niya pa sigurado ang lagay ng kaniyang binabantayan.

Humahangos na tinungo niya ang kuwarto ni Grey.

"Gre—" naudlot ang pagtawag sana ni Yanie sa boss niya. Nang buksan niya kasi ang pinto ay tumambad sa kaniya ang dalawang pigura na magkasukob sa comforter sa ibabaw ng kama!

Napapikit siya sa inis sa sarili. Dahil sa pagtulog niya ay nakapuslit ang binabantayan niya at nakapag-uwi na ng babae nang hindi niya namamalayan!

"Grey, itigil mo na 'yan," mahinahon niyang sabi. Naka-cross arms na siya sa paanan ng dalawa. 

Sa dami na ng assignment na nahawakan niya ay normal na ang ganoong tagpo sa mga tulad niya. May mga kaso silang hinawakan na paghuli sa babae ng mister at vice versa, ganun na ganun ang eksena, hindi na bago sa kaniya.

Pero dahil nasa kasarapan ang dalawa ay hindi siya narinig ng mga ito. Mula sa malamlam na ilaw na nanggagaling sa lampshade ay kitang-kita niya ang tumitirik na mga mata at pawisan na mukha ng boss niya. Ito kasi ang nasa view niya habang ang babae naman na blonde ang buhok ay umaalon na tila uod sa ibabaw nito. 

Napakamot si Yanie sa buhok na naka-shave ang ilalim. Lukot ang ilong niyang hinaltak ang comforter na nakataklob sa dalawang naglalampungan. "Sinabi ko nang itigil niyo 'yan e!" bulyaw niya sa dalawa pagkuwan. 

"Oh my ghad!" Namilog ang mga mata na bulalas ng babaeng blonde. "G—Grey, sino siya?!" baling nito sa kaulayaw, may hint na ng galit ang boses, nakahuma na at mukhang nagselos pa yata.

Tsk, hindi na nahiya. "Ano ba? Dapat ay umalis ka na sa ibabaw niya," angil niya sa babae. "'Yon ang tamang reaksyon sa ganitong sitwasyon."

"Ni-lecture-an mo pa, kung aalis 'yan, e, 'di nakakita ka ng sawa," pagsingit ni Grey. Nagkasalubong ang mga mata nila. "Bodyguard ko siya," anito sa babae nang iwan ang mga mata niya.

"B—Bodyguard?" Pinagmasdan siya ng babaeng blonde mula ulo hanggang paa. 

Tinaasan niya lang ito ng isa niyang kilay. "Oo, kaya pagbilang ko ng tatlo ay maghiwalay na kayo."

"Baka sampung minuto pa 'to," si Grey ang tumawad. Sinulyapan na naman siya. Pinandilatan niya naman ito. "Labas na, Officer, lalabas na rin 'to, malaking problema 'pag hindi ito mapalabas. Alam mo na."

"Gago talaga 'to!" naiinis na sambit ni Yanie. Pero mas gaga ang babae nito, hayun, gumiling-giling lang naman at hindi siya pinansin! 

Nagsipag-ungol na ang dalawa. Nagkiskisan naman ang mga ngipin niya. Kung inaakala nito na takot siya sa sawa, puwes, ibahin siya nito sa mga babaeng nakapiling nito! 

"Hindi kayo maghihiwalay ha," banta niya pa bago niya hinaklit ang magkabilang bewang ng babaeng nasa ibabaw ng boss niya—Oo, binuhat lang naman niya ito paalis sa kinasasalpakan nitong…

Sawa nga…

Hayun, tirik pa nga at talagang pinagmasdan niya pa ang kontrobersyal na sawa ng boss niya! Hiindi naman din tinakpan iyon ng siraulong lalalaki na tumatawa na ng mga sandaling iyon!

Shadow of Grey Where stories live. Discover now