7:

19 1 0
                                    

"ANO?! Nawawala si Tatay? Aba, hanapin niyo!" Yanie paused, pinakinggan niya ang sinasabi ng kapatid niya sa kabilang linya. "E, kung wala na talaga, wala na sigurong balak bumalik, hayaan niyo na. Gano'n talaga, kapag ayaw nang bumalik, wala kayong magagawa," aniya sa kapatid niyang sumunod sa kaniya. Hinigop niya ang kaniyang kape saka naglakad-lakad siya at stress ang sinasabi ng kapatid sa kaniya. "Ah, nilagnat pala e, wala naman akong magagawa sa problema na 'yan at narito ako sa Maynila. Ano ba naman, Yassi—" naudlot ang sinasabi niya. Paano ay sa kalalakad niya, tumambad sa kaniya ang mabalahibo, namamawis na matipunong dibdib ng boss niya.

"'Wag na wag mong ibubuga 'yan sa 'kin, Officer," ani Grey, sinapo ng palad nito ang bibig niya.

Okay, napilitan siyang lunukin ang kape nang 'di oras!

Tatawa-tawa naman na binitiwan siya ni Grey. "You're so cute."

Añe rew?

"Yas, sige, sige na, nandito na ang boss ko," paalam niya na lang sa kapatid. "Magandang umaga." Nakangiwii niyang bati sa lalaking hindi niya maintindihan kung bakit pakalat-kalat nang walang saplot sa pang-itaas na bahagi ng katawan—ngayon lang nito ginawa iyon—grabedad!

Umiling si Grey, nakangisi. Dumiretso sa fridge at kumuha ng maiinom doon. "Si Yassi ay kapatid mo?"

"Ha? Ah—oo, oo." Kagat labing tugon niya sa boss niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nahiya rito ngayon pagkatapos ng naging pag-uusap nila kagabi. 

Monday ngayon kaya alas diez na ng umaga ay naroon pa sila nito sa bahay. Every Monday kasi ay after lunch na ito pumapasok sa office.

"'Yung tatay niyo ay nawawala? Tama ba ang dinig ko?"

Hindi niya alam kung tatango siya o ano, nagtatanong naman kasi ang boss niya habang nilalagok ang tubig—mare, ang adams apple, nang-aakit kasabay nang abs nito! Jusmeo!

"M—Medyo," tipid na lang na sabi ni Yanie. "Ahm, kakain ka na ba? Gumawa ako ng sopas."

Grey shrugged his shoulders. "Later, maybe. Kakatapos ko lang mag-exercise e."

Obvious naman!

"Sige, ikaw ang bahala." Inubos na niya ang kape niyang natira sa tasa.

"Kung nawawala pala ang tatay niyo ay bakit hindi natin sila saglitin? Tumulong tayo sa paghahanap," suhestyon ni Grey. Mataman na nakatingin sa kaniya.

Yanie's eyes widened. "Naku, naku, mali ang inaakala mo. Aso namin ang nawawala." 

"A—Aso? Tatay mo… ay aso?"

Pagak siyang natawa. "Oo e, 'yung aso kasi na 'yon, naligaw sa bahay namin no'ng panahon na umalis papuntang Saudi ang tatay namin."

"Oh, I get it, pinalit niyo ang aso sa tatay niyo?" Lukot ang mga kilay at hindi makapaniwalang tonong bulalas ni Grey sa kaniya.

Mas natawa siya. Napakamot siya sa leeg niya. "E, gano'n na nga…"

"Tsk. Grabe naman 'yon," komento nito. 

"Si Nanay naman ang nag-decide no'n at hindi kami. Saka hindi na rin naman bumalik ang tatay ko nang umalis siya. Hinanap namin siya, hindi naman nagpahanap."

"Akala ko ba expertise mo ang maghanap ng nawawalang tao, Officer?"

"Grey, gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi mahahanap ang isang tao o hayup na ayaw naman magpahanap."

"Sabagay, iba naman ang kaso ko 'no? Wala kasi akong hahanapin."

"Wala na ngang talaga."

"Hey, 'wag kang magsalita. 'Wag kang gagalaw…"

Shadow of Grey Where stories live. Discover now