Chapter 25

371 11 1
                                    

Vian's POV

I have this idiotic student na lagi akong kinukulit at inaasar, medyo may pagkabrat din ang batang ito. Biglang nawala pangugnulit sakin pati ang pagiging maingay nito ni simpleng nakakalokong ngisi nito ay nawala din.

Dinadaan-daanan lang ako nito pag nagkikita kami sa hallway at madalas pa ay kasama nito si Mr. Mercedo. Hindi ko alam kung bakit nasisira ang araw ko sa tuwing nakikita ko silang dalawa na magkasama.

Nung minsan ay nakita ko pa silang magkadikit at magkahawak kamay hinalikan din nito ang noo ni Alianovna , ano bang meron sa kanila at ganun sila kalapit sa isa't isa? Mag-kasintahan ba sila? Hindi maiwasang kumulo ang dugo ko dahil sa hindi ko malamang dahilan.

"Hey, bakit parang wala ka sa mood nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Alfonso, isa din itong instructor na katulad ko. Nakatambay kami ngayon sa cafeteria dahil break namin

"I have no idea" tipid kong sagot sa kanya at muling ibinaling ang tingin sa hawak kong cellphone.

"Alam mo bang kahit naka-simangot ka ay maganda ka pa din?" komento nito habang nakangiting nakatingin sakin at umusog papalapit.

"Tigilan mo ako, wala akong panahong makipaglokohan sayo" napabuntong hininga nalang ito.

Napukaw ang atensyon ko sa estudyante kong kakapasok lang ng cafeteria at kasama nito ang mga kaibigan nya, ganun nalang ang paginit ng dugo ko ng makitang nakaakbay sa kanya si Mr. Mercedoo.

Sa pagtama ng tingin namin ay parang gumaan ang pakiramdam ko ngunit mabilis din nagbago ng irapan ako nito at matalim na pinukulan ng tingin si Alfonso.

This kid has the audacity na magmaldita at saakin pa talaga?

Naramdaman ko naman na mas lumapit pa sakin ni Alfonso kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Tumayo ako upang bumalik na sa office ko, sa pagdaan ko sa table nila ay hindi ko tinignan si Alianovna at nagdirediretso lamang ako sa paglalakad.

Kasalukuyan ang quiz sa last ko at hanggang ngayon ay hindi pa din bumabalik sa dati nyang ugali ang estudyante kong maldita ng may kumatok sa pinto ng klase ko. I saw a delivery guy holding a bouquet.

"Ikaw po ba si Ms. Vian Collins?" magalang na tanong ng delivery guy

"Yes, that is me. What do you need me for?" malamig kong tanong sa lalaking kaharap ko. Mukhang walang talab ang pagiging malamig ko sa kanya at nginitian ako pa ko nito bago iabot ang hawak nitong bouquet.

" Kahit na napakalamig mo, ikaw pa din ang nagbibigay init sa malamig kong gabi" he cited and gave me a letter.

"Iabot ko din daw po ito sa inyo" sabi nito at tuluyang umalis.

Naguguluhang bumalik ako sa aking desk habang tinitignan ang mga pulang rosas at ang letter na kalakip nito. Naramdaman ko ang mata ng bratibela kong estudyante kaya napaangat ako ng tingin. Parang may kung anong bagay na kumiliti sa dibdib ko ng makitang nakangiti ito sa direksyon ko.

"What are you looking at and why are you smiling?" cold na tanong ko dito

"Wala po Ma'am ang sweet po kasi nung nagpadala sa inyo ng bulaklak, I bet she or he is gorgeous. Basahin nyo din po yung letter" sagot naman nito.

Hindi ko na siya kinibo hanggang sa matapos ang ng klase ay hindi ko pa din binabasa yung letter. Hinintay ko munang lumabas lahat ng estudyante ko, napansin kong nakasimangot nanaman si Alianovna ngunit hindi ko ito pinansin. Naghintayan pa ang magkakaibigan bago tuluyang umalis, napansin ko nanamang magkalapit sila ni Mr. Mercedo.

Ruin My LifeWhere stories live. Discover now