Chapter 2: Satashi Cynzia the transferee

13 11 11
                                    

Headmaster Skargo's POV


Because of the sun setting itself behind the sight of academy's buildings, my office gets darker than it is before. It was supposed to be welcoming for people. . . yet it was cold and neglecting. I can't seems to find the face I always express whenever I'm in front of other people. My lips were leave parted as I can't find a word to say. Maybe. . . because she's in front of me.

"I'm Satashi Cynzia. You give me an invitation to enroll her years ago..." mas lalo akong natahimik dahil sa boses nito. Just like before, it was distinctively soft, breathy voice. The only unfamiliar was its coldness.

Ilang sandali pa ng pananahimik ko ang lumipas. Nabalik ako sa reyalidad dahil sa mga mata niya. "Ah-. . . P-Pasensya na. Ano ulit ang pangalan mo?" hindi ko alam kung anong eksaktong dahilan at pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon ngunit ang alam ko lamang ay. . . napaka-sikip nito sa dibdib.

"Satashi Cynzia..." she reply with her cold, soft, breathy voice.

"O-Okay. May I know why did you accept the invitation I give you this late?" tanong ko sa kaniya habang nagmamadaling kumuha ng papeles sa drawer ko.

"Because I have work to do. But now it's gone." she answered. Hindi man lang niya inaalis ang tingin sa mga mata ko na kung noon ay napaka-inosente, ngayon naman ay kaylamig.

Sa kakamadili ko naman ay naihulog ko ang mga papel na hawak. Naghalo-halo tuloy ang mga ito at hindi ko mahanap ang tamang papel na dapat kong kuhanin.

"I-I see. But, what do you mean it's gone?" pang-uusisa ko. Inaasahan ko na siya ay sasagot ngunit tanging malamig at seryosong titig lamang ang kaniyang itinugon sa akin.

Pupulutin ko na sana ang papel na aking unang mapupulot ngunit napatigil ako. Napatigil ako ng aking mapansin ang kamay ko. Nanginginig ito na labis kong ipinagtataka. Marahil dahil sa lamig sa loob ng silid. Napakalamig din ng aking pawis. Nakapagtataka. . .

"I'll take care of every papers you need in academy, s-so there's nothing you have to do. Uhh... here." agad kong kinuha ang isang blue card sa aking bulsa at ibinigay iyon sa kaniya. I always have this in case there's a transferree that will suddenly appear.

Kinuha niya ito na walang tanong at isinilid lamang sa kaniyang bulsa. Napatahimik ako at napatitig sa kaniya. Walang emosyon at puno ng kaseryosohan ang kaniyang mga mata na tila ay marami na itong nakita sa buhay na hindi dapat makita ng kahit na sinong tao.

Ngunit tila ay natatakluban iyon ng panlabas niyang anyo. Tama, naalala ko na. Noon ay isang batang pamangkin ang laging nakikipag laro ng mga bagay na tanging sa imahinasyon lamang ng mga masayahing bata namamalagi. I wonder if it's still there?...

Duon ko lang napansin, puno ng benda ang buong parte ng katawan niya. Hindi naman buong-buo sapagkat nakikita pa rin ang kaniyang mga mata. Yun nga lamang ay dahil sa kaniyang maliliit na buhok sa una ay natatakluban ang kaniyang noo. Dahil duon ay mata na nga lamang niya ang iyong makikita.

"Why did you cover yourself in bandages?..." mahina kong tanong. At that time, I never felt I asked something wrong.

Tumayo siya ng ayos dahilan upang sumabay ang kaniyang palda sa kaniyang kilos. Ang hangin ay kaagad na pumasok mula sa bintana at sumabay ang buhok niya dito. Mas dumilim ang paligid ngunit nakita ko ang paggalaw ng nagiisa niyang hikaw. It was a long red earing that reaches the top of her jaw. Her earing was in shape of a red full moon that has gold drawing of Celtic moon. But because the earing itself was small, the drawing is barely to understand.

RED TAINT Where stories live. Discover now