Chapter 21: Be prepared

4 4 0
                                    

5:30 ng umaga, maraming istudyante ang nagsisipag gayak. Ngayon ang araw ng labanan at walang nakakaalam kung sino ang makakakaharap nila. Alas-syete rin ang simula nito at ang ilan sa mga istudyante ay minabuti ang magensayo ng kaunti upang hindi sila magkaproblema kapagnasimula na.

Ang Squad naman nina Aleksei ay mas minabuti ang magkaruon ng sariling paghahanda. Si Paisley ay tila natutulog pa at yakap-yakap ang mahaba niyang unan na siyang may larawan ng mga pagkain.

Si Jhari at Zari ay magkasamang nagbabanat ng buto sa may salas at kapwa nakasuot na ng mga napiling kasuotan para sa laban. Si Aleksei naman ay nasa kwarto at katatapos lamang maligo.

Si Ereina ay nasa kusina at kumakain ng tinapay at tsaa. Mas may gana kasi siyang kumilos kapag ganitong nasa may laman ang kaniyang tiyan. Si Hideo naman ay nasa kaniyang harapan at nagbabasa ng dyaryo habang may kapeng iniinom.

Walang nakakaalam kung nasaan si Dreigen na kasama rin nila sa dormitoryo. Mas lalo naman nilang hindi alam kung nasaan si Lucian dahil tila ay unti-unti na silang nasasanay na lagi itong nawawala.

Sa loob naman nang kwartong tinutuluyan ni Satashi, ang kwartong dapat ay sa tatlong tao, nakaupo ang dalaga sa upuang katapat ng lamesa at binatana. Nagkalat sa lamesa ang itim na itim niyang buhok habang siya ay nakaubob dito.

Napakatahimik sa loob ng kwarto na iyon at tanging tunog lamang ng antigong orasan ang maririnig. Sa bawat segundo ay naglilikha ito ng kalatis. Hanggang sa isang may kalakasang ingay ang nilikha nito.

Gaya nang gumigising sa kanilang tatlo kapag may pasok. Lumabas ang ibon sa tila ay pintuan nito sa taas na parte ng orasan. Paulit-ulit ang ginawa nitong tunog hanggang sa marahang umupo ng maayos si Satashi.

Tumayo siya at kasabay ng pagpasok muli ng ibong laruan sa loob ng orasan. Humarap si Satashi sa isang pader kung saan nakasabit ang kaniyang uniporme. Hinubad niya ang kaniyang bistida at ibinagsak ito sa sahig.

Napagdesisyunan niyang isuot ang kaniyang uniporme sa magaganap na laban. Wala siyang dahilan upang gawin iyon at wala rin siyang makitang dahilan upang hindi iyon gawin.

Matapos magbihis ay lumabas si Satashi ng dorm. Naglalakad siya sa pasilyo patungo sa infirmary. Hindi karamihan ang istudyante at halos walang nakapansin sa kaniya dahil sa kawalan niya ng presensya.

Yun nga lamang ay madalas niyang nararamdaman nitong mga nakaraan ang dalawang pares ng mga matang tila nakamasid sa bawat galaw niya. Sa mgakaibang direksyon ito nagmumula. Ang isa ay sa malayo ang isa naman ay tila laging nakasunod sa likuran niya.

Binaliwala niya iyon gaya ng lagi niyang ginagawa. Nang marating niya ang infirmary ay pumasok kaagad siya at nakita ang nagsisipaghanda na mga healers. Marahil ay para ito sa magaganap mamaya na leveling.

Napatingin ang isang healer sa kaniya. "Amez!" Pagtawag nito sa kung saan.

May isang ulo ang sumilip mula sa isang puting kurtina, kaagad siya nitong nilapitan. Kilala niya ito mula pa ng dumating siya sa academy. Ito ang pinagkatiwalaan ng headmaster upang gumamot sa kaniya. Sa una ay pinipilit siyang manatili sa infirmary pero hindi siya pumayag.

Habang ginagamot nito ang kaniyang mga paso sa katawan ay pinakatitigan niya ito. Ang mga natanggal na benda sa kaniya ay nakalagay sa isang lamesa.

"Huwag mo na akong pakatitigan pa Satashi. Kung iniisip mo na nakakaabala ka ay mas pagbutihan mo na lamang ang pag-aalaga sa sarili mo. Sa ganuong paraan ay makakabawi ka na sa akin." Anito na gumagamit ng mahika sa pagagamot sa tiyan ni Satashi habang ito ay nakahiga.

RED TAINT Where stories live. Discover now