Chapter 7: With eyes, You could understand

12 11 11
                                    

Wahhh!!! Anong nangyari, Yvee? Are you dead? Bakit ang dami mong sugat? Buhay ka pa naman diba? Bakit mo ko iniwan?!"

Ky, I'm gonna be fine if you let go off my neck. Your arms are strangling me to death."

Maririnig ang nakakabinging tinis ng boses ni Kyril sa loob ng infirmary ng academy. Alas-sais imedya na ng umaga. Ngayon lamang nalaman ni Kyril ang tungkol kay Yvaine dahil nakatulog ito sa paghihintay sa dalawa, kaya sobra nitong ginugulo ang dalaga ngayon.

Si Satashi ay nakatitig lamang sa labas ng bintana kung saan makikita ang mga nagtatayuang Douglas fir tree. Ngunit ang mga ito ay nakapalibot isang gusali.

Sa gitna ng parehabang pagkakalinya na mga Douglas fir tree ay makikita ang gusali na iyon. May taas itong dalawang palapag at kung tatantyahin ay may tig-tatlong malawak na kwarto ang parehong baba at taas.

“That building is called the REIB. The first floor was the Research club, the second one was the lab floor for experimentation." biglang wika ng isang malambot na tinig.

Napatingin si Satashi sa likod niya ngunit napasunod lamang ito nang lumakad ang babae papunta sa harap ng bintana. Isa itong attendant ng healer base sa kasuotan nito.

“Hindi lamang bastang institute ang lugar na yan dahil maraming klase ng objective ang meron sa grupo nila. Merong research and experiment sa anomaloid, meron din sa herbs and potions at iba pa. Kilala sila bilang 'owl' squad in Academy. Yun ay dahil halos gabi-gabi silang nagtatrabaho." paliwanag nito.

Bukod sa mga staff ng academy at sa Head, ang research and experiment institute ay isa ring napakahirap na gampanin. If I were to choose between that profession and being an attendant, I would choose the later. I have a high pride and hate to be treated. Instead, I want to be the one who treat and serve my patients." wika pa nito.

“I'm Eris Flockhart." bigla nitong pakilala at bahagyang inangat ang kamay.

“I am Satashi Cynzia...” pakilala naman ni Satashi at tinanggap ang kamay ng kaharap.

“Nice to meet you, Miss Cynzia." wika nito kay Satashi. Napatingin sila sa taas ng marinig ang tunog ng isang orasan. Senyales na oras na ng klase.

“Mukhang kailangan niyo ng umalis para sa klase. Huwag kayong mag-alala. Binibisita naman namin ang aming mga pasyente dito ng madalasan para tingnan ang lagay nila. There's nothing for you to worry about." wika kaagad ng nurse.

“Too bad. We have to attend classes. Bye, Yvee.” malungkot na paalam ni Kyril at yumakap sa pinsan.

“Yeah. Yeah. See ya!" balik namang tugon ni Yvaine dito. Umalis si Kyril sa pagkakayakap aa pinsan at naunang maglakad palabas.

Sa labas ay sabay na naglakad ang dalawa nina Satashi at Kyril papunta sa sarili nilang klase. Unang nakarating sa silid-aralan niya ay si Kyril. Masigla pa itong kumaway kay Satashi habang halos makapasok na siya sa silid. Dahilan yun para mapatingin ang ilang istudyante at ibang kaklase nito.

Naiwan mag-isang naglakad si Satashi papunta sa silid-aralan nila. Nang makarating duon at pumasok siya sa loob ay walang nagbigay ng kahit sulyap lamang sa kaniya.

Meroong isa, ngunit, kakaiba ang babae na ito. She literally looks like a petite and plain girl, Ebony brown hair that is tied in low twin braids with bangs hanging on the right side, coal color eyes, symmetrical freckles both her cheeks, pale thin lips, thick black square-rimmed glasses and she has an infamy for looking gloomy.

RED TAINT Où les histoires vivent. Découvrez maintenant