Chapter 15: Something No One Can't Prevent

10 12 0
                                    

Tahimik lamang ang dalawa habang pinapanood ang mga ibon. Ngunit maya-maya pa ay napadaing si Satashi at nawalan ng balanse na nasalo naman kaagad ni Lucian. Madalas ay walang emosyon ang dalaga ngunit ngayon ay kitang-kita ang bahid ng sakit sa kaniyang maamong mukha.

“What's happening? What's wrong? Hey!” pagtawag dito ni Lucian ngunit tila ay wala itong naririnig habang nakahawak sa sariling ulo.

Di naman nagtagal ay unti-unti rin itong huminahon. Umabot lamang iyon ng halos isang hanggang dalawang minuto bago tuluyang mawala. Bumuntong hininga si Satashi at saka tumayo na animo ay walang nangyari.

“Salamat....” wala pa ring emosyon na wika niya bago tumingin sa itaas kung saan dapat ay naruon ang dalawang ibon. Ngunit wala na ang mga ito kaya pinakatitigan na lamang iyon ni Satashi.

“What did just happened? Bakit bigla ka na lang nagkaganun?” magkasunod na tanong ng kaniyang katabi kaya naman bahagya niya itong nilingon. Matapos nun ay nagsimula na siyang maglakad paalis.

“I won't tell anyone if you're worried about that.” bahagyang nawala ang pag-aalala sa boses at ekspresyon ng binata. Napalitan ito ng kaseryosohan ngunit mababakas pa rin ang pagkamalumanay at kawalan ng gana.

“Hindi ko naman itinatago. Wala lang akong makitang dahilan para sabihin sa kahit na sino.” tugon naman nito ng hindi lumilingon sa katabi.

“Is that so?" Natahimik ito "Okay. I'll respect it.” wika naman ni Lucian at mananahimik na lamang sana nang magsalita naman si Satashi.

“Pero dahil nakita mo na, mabuti pa ay sabihin ko na rin.” anito na ikinalingon ng binata. “I can hear the voice of every people's soul before their death.” she said straightforwardly.

“A banshee.” Lucian concluded.

“Nope. Banshees would scream whenever they saw the death of people or some death prediction. They would cry and scream until it's over. But I'm different. I can hear the voice of the souls as if death is approaching them and they couldn't run. All that they do is to call for help. And I have that ability to hear their mourn.” paliwanag niya na nagpaawang sa labi ni Lucian na kaagad din naman nitong itinikom.

“As I can see, you still haven't use to it.” anito pa.

“I receive it as a gift on my seventh birthday.” huling wika ni Satashi na nakapag-pahinto sa binata.

Pinanood nito si Satashi na maglakad palayo sa kaniya at hindi man lamang nag-abalang siya ay lingunin. Pagkalaon ay sumunod na rin siya rito.

“Hindi mo ba hahanapin ang taong yun bago pa iyon mangyari sa kaniya?” tanong ni Lucian nang makapasok sila sa cafeteria.

Nang makita naman sila ng mga kaibigan ni Lucian ay kumaway ang mga ito. May sumigaw pa ng pangalan nito na dahilan ng paglingong ng mga istudyante na naruon din. Dahil din duon ay nakita rin nina Kyril si Satashi at tinawag ito. Pareho nilang nilingon ang magkabilang panig ngunit kaagad ding naglakad para kumuha ng pagkain.

“I will, if I can reach them. Ngunit minsan ay hindi, dahil malayo sila ng aking abot. Moreover, within a few minutes after I heard their vioce, they die.” tugon ni Satashi sa tanong ni Lucian.

“How often do you hear them?” tanong muli ni Lucian habang kumukuha ng kaniyang makakain. Halos puro gulay naman ito habang si Satashi ay tanging mga prutas lamang ang kinukuha.

“Probably.... three times in a day. Kung minsan ay wala.....” mahina namang tugon muli ni Satashi bago maglakad paalis.

Nangingiwi na lamang ang mga nakakapanood sa kanila lalo na ang kanilang mga kaibigan dahil kahit nag-uusap ang dalawa at hindi nila naririnig ang mga ito ay inaantok na kaagad sila makita pa lamang ang ekspresyon ng mga mukha. Tila ay interesante ang usapan ng mga ito ngunit wala iyon sa mukha ng dalawa.

RED TAINT Where stories live. Discover now