Chapter 9: The Blood comes and flow

12 12 9
                                    

Ereina Griffits's Pov

I was in a special class. This is where fundamental magics that will help you find more ethics about your own magic can be tackled. But since even i was the only one in the academy that possessed bomb related magic, here I am, all alone. I have accompany, though. He's magic wasn't bomb but, this special class is related to explosion and fires, so he was with me, sometimes.

Mr. Clovias is our professor whos currently discussing in front and it has been almost 2 hours since he starts. Marami kasing pasikot-sikot sa lesson na itinuturo niya at bilang isang bomb maker, kailangan na kailangan ko ito.

Nang tumalikod at muling gumuhit ng larawan at magsulat si Mr. Clovias ay tumingin ako sa aking kaliwang parte. Isat kalahating metro ay naruon ang bakanteng upuan ni Hideo.

No sign that he's been here, no sign that he wanted to be here. Mas important sa kaniya ang best friend niya at hanggang ngayon ay inaalam pa kung paano ito patitinuin. This past few days, both of them are having a hard time. His best friend hiding and him chasing after. They were all stupid.

Matapos ang klase, lumabas na rin ako ng silid-aralan. Gusto kong mapag-isa sa training room. Nasa ikatatlong palapag ito at ipinagpapasalamat ko na lamang na napakalapit ng silid-aralan na nilabasan ko sa hagdanan paakyat ruon.

Hindi nakatakas sa aking paningin ang mga puno na nasa labas ng akademya. May mga ibong lumilipad pataas matapos dumapo rito at sa di kalayuan ay ang taniman ng mga bulaklak na hindi kalawakan. May mga paru-paru duon na lumilipad rin.

Habang naglalakad ay nakita ko ang ilang mga istudyante na nagnanakaw at tunay na nakatitig sa akin. May ilan sa kanila ay nakangiti habang nakatingin at ang ilan naman ay may ngiting bubulong.

Ayoko sa lahat ay mapanghusga, kaya nagpapasalamat ako at wala akong nadaraanang ganuong tao. Napangiti na lamang ako ng simple at nagpatulong sa paglalakad matapos higpitan ang one-side high ponytail ko.

Just like the color of my short hair and eyes, I have a dark violet string ribbon tying up my hair together. A mole near my eyebrows are really noticeable. Well, I get this look from dad. Sabi pa nila, ako ang young at girl version ni dad.

Anyways, matapos kong malampasan ang tingin ng mga kapwa ko istudyante ay agaran na akong lumiko paakyat sa hagdan. Umakyat ako duon hanggang sa makarating ako sa tapat ng ikalawang palapag at magpatuloy.

Paakyat pa lamang ako patungo sa ikatlo ay may naamoy na kaagad akong malansa at among kalawang na bagay. Hindi malakas ang pang amoy ko pero sobra naman sa lakas ang amoy na iyon.

Humakbang ako ng dahan-dahan pataas upang alamin kung ano yun. Napaka-dilim din at tila ay kulay pula o madilim na pinaghalong lila, pula, at kahel ang paligid. Marahil siguro sa papalubog na araw. Ganito lagi natatapos ang aking isang araw sa isang linggo kung saan mayroon akong special class.

Nagtagal siguro ako ng ilang segundo nang sa pag-liko ko sa huling hagdan patungo sa ikatlong palapag ay umaagos na dugo ang bumungad sa akin. Dahil sa gulat ko ay napa-atras ako kaagad hanggang sa pader. Patuloy na umaagos ang dugo habang ako ay kinakapa ang pader na aking sinasandalan upang suportahan ang aking paglakad.

Nakarating ako sa tabi ng hagdan na pababa sa ikalawang palapag at napatingin sa hallway nito bago muling mapatingin sa umaagos na napakaraming dugo. Matapos nuon ay humakbang na ako pababa ngunit sa aking kamalasan ay hindi ito kinaya ng aking tuhod.

Natagpuan ko ang aking sarili sa ikalawang palapag sa tapat ng hagdan. Malabo ang aking paningin at tanging panghihina ang aking nararamdaman. Ang dugong umaagos kanina ay nawala ngunit napalitan ito ng sarili kong dugo sa aking paningin.

RED TAINT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon